Skip to content

Sangria 1: A Fangirl’s Request – Disenchanted

Montana was busy browsing her newsfeed when she saw a post from the university’s Facebook page. It was about the upcoming founding anniversary. Everyone was looking forward to it, everyone wanted to know who was invited to perform, and everyone was excited.

Sa apat na taon ni Montana sa university, palagi siyang present dahil na rin sa mga kaibigan niya. Kung tutuusin, excited sila tuwing Foundation Week ng school dahil maraming kainan sa loob ng school, maraming bisita galing sa ibang school, maraming event kaya walang pasok sa ilang klase, pero may ilang professor pa rin na KJ at nagpapa-exam.

Tiningnan ni Montana isa-isa ang mga artista at bandang kasali sa magpe-perform. She was casually swiping until she stopped, and her heart started beating faster.

Montana pressed her lips together, stared at the digital banner for a mere second, and let out a loud breath.

Sangria was going to perform. Sa isang araw na ang simula ng Foundation Week at isa ang banda sa magbubukas ng okasyon.

Hindi na rin naman nakagugulat iyon, sanay na silang lahat na casually tumutugtog ang banda dahil schoolmates nila ang mga ito.

Pero iba ang pakiramdam ni Montana lalo at ito na ang huling taon niya sa university. Iniisip niya na ito na rin ang huling pagkakataong makikita niyang magpe-perform nang live ang Sangria dahil sa tuwing iniisip niyang ga-graduate na siya at magiging busy na, baka matapos na ang pagfa-fangirl niya sa mga ito, lalo na kay Jagger.

Si Jagger ang bumuo ng college life ni Montana. Hindi pa ito sikat nang makilala niya ang binata at nagsisimula pa lang magbanda kasama ang barkada.

Kaagad na binuksan ni Montana ang YouTube at hinanap ang unang kantang narinig niya na kinakanta nito. It was Disenchanted by My Chemical Romance and it was the reason she was so in love with Jagger . . . pero hanggang tingin na lamang siya sa binata dahil malayo siya sa bituing tinatanaw.

Sangria was one of the most well-known bands in the Philippines. Bukod sa magaganda ang mga kanta, sikat ang mga ito sa social media, naiimbitahang tumugtog sa malalaking okasyon, madalas na nasa TV pa.

Simula nang makilala ni Montana si Jagger nooong first year college pa lang siya, ito na ang bumuo ng college life niya, pero kahit na ganoon, never siyang gumawa ng move. May mga pagkakataong nasa iisang lugar lang sila katulad ng cafeteria, pero hanggang tingin lang.

Montana wasn’t worthy. Isa pa, natatakot siya sa rejection.

Tumagilid ng higa si Montana habang pinakikinggan ang ilan sa kantang na-cover na ng banda. They were all over social media, YouTube, Spotify, everywhere.

Isa sa biggest flex ni Montana na suportado na niya si Jagger kahit hindi pa ito sikat. Low-key lang, gumawa pa siya ng stan account para dito, pero hininto nang maging busy na sa pag-aaral. Nakikita naman niya ito araw-araw sa school lalo na at iisa ang building nila, sapat na iyon sa kaniya. Kahit hindi siya mapansin, ayos lang.

She was just looking at her own star.

 

Kinabukasan, buong umagang wala sa sarili si Montana. Kinakausap siya ng mga kaibigan, pero iba ang nasa isip niya. Kahit sa klase, hindi siya makapag-focus lalo na at may plano siyang iniluluto. Planong walang kasiguraduhan, planong alam niyang magiging kahihiyan, at ang kinatatakutan niya ay baka pagtawanan lang siya.

“Bakit ang tahimik?” paninita ni Vanne sa kaniya, ang pinakamatalik niyang kaibigan. Nakakunot anong noo nitong nakatitig sa kaniya. “Ano’ng nangyayari sa ‘yo? May period ka?”

Marahas na umiling si Montana at tumingin sa kaibigan. Nakasuot ito ng navy blue, fitted dress dahil wala naman silang uniform. Nakabagsak din ang mahabang buhok nitong hanggang baywang.

“Baliw, hindi. Napapaisip lang kasi ako. Nakita ko kasi sa page ng university na tutugtog ‘yung Sangria. Parang gusto kong mag-request ng kanta sa kanila. Parang . . . gusto ko lang i-request ‘yung unang kanta na narinig ko kay Jagger.”

“Try mo!” Nagkibit-balikat si Vanne habang naglalakad silang dalawa papunta sa cafeteria kasama pa ang ibang kaibigan nila, bukod sa ibang estudyanteng malamang na kakain na rin ng lunch katulad nila.

May ilang naghaharutan pa habang naglalakad na ikinaiinis ni Vanne dahil nagkakabanggaan pa ang mga ito.

“Wala namang mawawala, wala namang masama. Subukan mo lang naman,” sabi ni Vanne kay Montana.

Nagpatuloy na lang sa paglalakad si Montana. Kahit wala pa siyang desisyon, matindi ang kabang nararamdaman niya. Kahit nang makapasok sa cafeteria, awtomatikong dumiretso ang tingin niya sa grupong nasa dulo ng cafeteria, medyo tago sa ibang estudyante, nasa kanan mula sa kinaroroonan nila, at nagkukuwentuhan.

Kumakain ang mga ito ng chips at dumako ang tingin ni Montana sa Lay’s na kinakain ni Jagger. Ito naman ang palaging chips na hawak ng binata. Lay’s na classic, salt lang.

The entire cafeteria of Eastern University was made to look like a restaurant. Instead of white monobloc chairs and tables, the school used customized furniture lalo na at may-ari daw ng isang furniture factory ang mga Mathias na isa sa board members ng school. All tables were made of wood with white paint on them.

“Grabe ang pagka-crush mo sa kaniya, ‘no? Tumagal talaga ng taon? Hindi ko alam kung paano mo natatagalan ‘yan. Tingin ka lang naman nang tingin!” singhal ng kaibigan sabay kurot sa magkabilang pisngi niya na mukhang gigil na gigil pa.

Nasaktan si Montana kaya naman dumaing siya at pinahihinto na ang kaibigan.

Nang bumitiw si Vanne, inayos nito ang bangs niya at parang sinuklay gamit ang mga daliri. “Gawin mo na kung ano’ng gusto mo. Isang taon na lang tayo rito sa EU. Baka hindi mo na ulit siya makita nang personal. Magre-request ka lang naman para sa Foundation Week, subukan mo lang.”

Montana didn’t say anything. Instead, she started eating her lunch. There were times of glancing towards Jagger like she always used to.

Jagger was wearing simple faded jeans paired with a blue T-shirt with a simple messy text print. Ganoon naman ang palaging damit nito, minsan naka-hoodie rin.

Magmula nang makilala ni Montana si Jagger, iisa lang ang hairstyle nito. Naka-clean cut kaya naman mukha talagang malinis at mabango, nakatulong na rin siguro na ang puti . . . mukha talagang ang bango-bango. Isa pa, kahit isang tattoo o hikaw, wala ito.

Parang isa iyon sa katangian ng banda. Hindi katulad ng iba na may mga tattoo o mga hikaw, pero ang Sangria, ni isa, wala.

Halos araw-araw na nakikita at nakasasalubong ni Montana si Jagger. Mas nakagugulat pa kung hindi niya ito makikita sa school.

After eating, Montana stayed inside the cafeteria like she used to. Kailangan niyang mag-review para sa quiz niya sa Marketing, ang isang subject na hindi niya gusto, pero hindi siya makapag-concentrate dahil naiisip pa rin niya ang kantang hindi na nagpatahimik sa kaniya sa loob ng ilang taon.

Tumingin si Montana kay Jagger na masayang nakikipag-usap sa mga kabanda nito. Nakangiti si Jagger na nakikipag-usap kay Seven at sa best friend nitong babae na naka-bun ang buhok. Ang liit ng mukha ng babae at kapag ngumingiti, nawawala ang mga mata.

Nakaakbay naman si Zayned sa girlfriend nitong nakakulay itim na T-shirt. Matagal na ang dalawa kaya naman alam ng lahat na walang pag-asa kay Zayned.

Nakaupo lang si Naveen na nakikipag-usap sa mga kabanda. Kumakain ito ng chips na galing din naman kay Jagger. Wala itong kasamang babae, hindi katulad noon na palagi nitong katabi si Fiona, ang dating miyembro ng banda.

Yumuko si Montana at nakita ang nakasulat sa likod ng notebook niya na naka-doodle na naman dahil sa tuwing hindi siya mapalagay, kung ano-ano ang isinusulat niya. Muli, tumingin siya kay Jagger na nakayuko at nakangiti lamang habang nag-uusap-usap ang mga katabi.

Wala na ang mga kasama ni Montana dahil magyoyosi raw ang mga ito nang mapagdesisyunan niyang sumubok. Wala namang mawawala. Kung hindi tatanggapin, ayos lang, kung tinanggap, e ‘di salamat.

Inayos niya ang mga gamit, isinukbit ang bag, at naglakad papalapit sa grupo ng mga ito na sabay-sabay tumingin nang huminto siya.

Mas nakaramdam ng kaba si Montana nang magtagpo ang tingin nila ni Jagger. Sa unang pagkakataon, nakatingin ang naniningkit nitong mata sa kaniya. Doon lang din niya napansin na hindi itim ang mata ni Jagger. It was a dark brown ‘cos she could clearly see his dilated pupils. Never in her life na naisip na posibleng magtagpo ang mga mata nila dahil masyado itong mataas.

Montana considered Jagger as one of the stars that were out of her reach.

“H-Hi.” Montana breathed. “Sorry to interrupt you po. I just . . . saw from school Facebook page na tutugtog kayo sa Foundation Week opening.” Palihim niyang kinukurot ang palad na nakatago mula sa likuran. Montana also kept on biting her inner cheek to hide the nervousness.

“Yup, tutugtog kami.” Ngumiti sa kaniya si Seven, ang gitarista ng banda. Mahaba ang buhok nito, pero palaging nakaipit, Si Seven din ang may pinaka-charming aura sa banda kaya marami ang nagkakagusto rito. “Manonood ka?”

Montana took a deep breath and smiled. “I will, pero . . . kakapalan ko na ang mukha ko.” Diretso ang tingin niya kay Jagger na nakapangalumbaba habang nakatingin sa kaniya. “Puwede ba akong mag-request?”

Si Jagger ang tumango. “Oo naman, what is it? Bihira din namang may lumalapit sa amin for requests and it’s random,” sagot niya habang nakatingin sa babaeng lumapit sa kanila.

Tumikhim ito at tumitig sa kaniya. “C-Can you sing Disenchanted by My Chemical Romance?”

Bahagyang umawang ang bibig ni Jagger. “W-Why? That’s old,” curious na tanong niya. Tumuwid siya ng pagkakaupo at tinitigan ang babaeng kaharap.

“It was the first song I heard from you . . . almost four years ago at Vian’s Cafè. Kung hindi mo naman kakantahin, okay lang naman. Nagbabaka sakali lang din naman ako.” Ngumiti ang baba at bahagyang yumukod. “Good luck sa tugtog ninyo and thank you ulit.”

“Wait!” tawag ni Jagger nang tuluyang tumalikod ang babae. “What’s your name so I could mention that you requested for it.”

Kaagad na kumuyom ang kamao ni Montana at dahan-dahang humarap sa mga mga ito. Abot-abot langit na ang kaba niya na parang walang mapaglagyan dahil nakatitig sa kaniya si Jagger. Halos hindi na siya nakatingin sa iba, kay Jagger lang naka-focus ang tingin niya lalo na at sigurado siyang first time nitong makita ang pagmumukha niya.

Parang slow motion ang lahat. Naging blur na ang lahat.

“Montana.” Tipid siyang ngumiti at napakagat sa ibabang labi. Umiwas siya sa mga tingin ni Jagger dahil ayaw niyang ipahalata ang kaba, baka pagtawanan pa siya. “Montana na lang.”

Jagger nodded. “I’ll add your request on the list, see you on the crowd, Montana? I’ll look for you.”

The woman didn’t say anything and just nodded before storming off. Nagkatinginan silang magkakaibigan. Tumingin si Naveen kay Jagger na parang may gustong sabihin.

“Kakantahin mo?” Naveen curiously asked. Naningkit ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya na para bang ginawa siyang masama.

Jagger sneered. “Oo, wala namang masama. Matagal ko na rin namang hindi nakakanta ‘yun. First year college pa yata. Isama na lang natin sa list, one song wouldn’t hurt. Let’s just give it to her for free,” aniya at nagsimulang kumain ng nachos na nasa harapan.

Nagkukuwentuhan ang mga kaibigan ni Jagger nang ilabas niya ang phone at kaagad na binuksan ang YouTube.

It was true. It had been years since he last listened to the song. It was one of his favorite songs during high school and hearing that the woman who heard him sing it years ago, made him smile.

The woman actually looked joyful but shy. Hindi niya makalilimutan ang mukha nito. How the woman’s almond eyes sparkled when she gazed at him; and her long hair with full bangs.

Napansin din ni Jagger na marami itong hikaw sa tainga, hindi lang isa dahil naka-clip ang gilid ng buhok nito sa left side. Her cheeks were chubby and when the woman smiled, she actually looked like a cute, little bunny.

“Are you sure we’ll add your fangirl’s request?” tanong ni Zayned. Nakaupo ito sa harapan niya, kasama si Emieren, ang girlfriend nito.

Jagger nodded, closed his eyes, and started humming the song. “I’ll sing it acoustically.”

 

Bookmark
Please login to bookmark Close
Subscribe
Notify of
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments