Happy New Year!

Important Note: Huwag n’yo po sana ito i-post publicly. Gusto kong sa inyo lang ito. Maraming salamat! 

Thank you for being part of my 2022. Sorry kasi hindi ako masiyadong expressive at vocal na tao, pero gusto kong magpasalamat sa suporta n’yong lahat mula umpisa. I appreciate everyone.

From TVG to Laurents to AHW to MIB to SCPG and to current stories—maraming salamat sa pagsuporta ninyo sa akin. Words aren’t enough and will never be enough for my gratitude.

Thank you for being part of my escape. Thank you sa pagsama ninyo sa akin na sandaling lisanin ang reyalidad para sa mundo ng mga characters ko.

All my characters would surely thank youuu for supporting them. Thank you for loving them kahit na ang hirap nilang mahalin. Hahahaha!

I hope my stories helped you in ways possible. I hope kahit paano, may natutunan kayo sa ‘kin. Hehehe!

Salamat sa pagsama n’yo sa akin sa saya, sa lungkot, sa hinanakit, sa iyak . . . sa lahat. Marami akong natutunan sa inyo. From your personal experiences to lessons I gained from you.

Sa pagsuporta sa MIB and 24HAC published books, sa lahat.

Thank you for supporting me in ways you can and I’m sorry I failed this time, I’m sorry I did something hateful.

Kung mayroong makakabasa nitong hindi dapat nandito, hihingi ako ng pasensya sa mga nasabi ko noon at alam kong hindi magiging sapat ang apology ko, but I’ll still try. I wanna try.

Sa readers ko, I apologize for failing your trust. Hindi ko na maibabalik ang nakaraan, hindi ko na maitatama ang mali, at hindi ko na maaalis sa iba ang galit, pero susubukan kong maging maayos sa mga susunod pa. I learned the hardway, I regretted a lot and it’ll be the fuel for a better tomorrow.

Mahal ko kayo palagi. Hindi lang halata, pero sobra pa sa sobra.

Maraming salamat sa messages ninyo, sa comments dito sa carrd, sa lahat.

I hope you’ll be okay. Palagi i-hope na mag-heal kayo sa personal struggle, maging okay ang araw n’yo palagi, maging okay ang future n’yo, at maging maayos ang lahat sa inyo. That’s the only thing I want.

You will always be a part of me and you’ll always be in my heart.

Love ko kayo palagi! Sending black hearts… 🖤

You’ll Be In My Heart, one minute mark.

 

Hindi ako masyadong productive this year, but I still want to thank everyone for supporting these books! I won’t be writing much next year, siguro time na rin para magpahinga na muna ako. I had been writing for almost four years, non-stop… kaya baka ibinigay na rin ‘yung pahingang kailangan ko. But again, thank you!

Happy new year and hoping for a lighter and more positive 2023!