At twenty-five, Sarki already knew what he wanted, and it was to help his parents manage their businesses. Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong magtrabaho sa iba dahil nag-focus na siya sa kung ano ang business nila.
Alam naman niyang isang araw, mag-aasawa na si Keanna at sasama na ito sa asawa. Posibleng mayroong ibang businesses ang mapapangasawa dahilan para siya ang maiwan sa kanila.
Dalawang taon na rin siyang single dahil wala siyang panahon. Bukod kay Cinna na naging girlfriend niya sa loob ng anim na taon, pumasok din sa buhay niya si Ree ngunit hindi sila nagtagal lalo na at magkaiba ang priorities nila.
Busy si Sarki sa pag-review sa bagong bahay at lupang nabili nila noong nakaraang linggo. Sa lahat ng pag-aari nila, isa iyon sa naging paborito niya dahil maganda ang overlooking scenery lalo na kapag gabi. May kamahalan, pero worth it.
Binasa rin niya ang report noong nakaraang mga buwan at maganda ang progress ng Tomihari Real Estate. Under nito ang Destin Transients na naka-focus naman sa mga paupahan nila sa Baguio.
Ang real estate na binuo ng mga magulang nila ay mayroon na rin sa iba’t ibang lugar. Nagkaroon din kasi ito ng mga kaibigang willing mag-invest at maging business partners kaya mas napalawak.
Mayroong kumatok at bumukas ang pinto. Si Keanna, ang nakababatang kapatid niya. Ngumiti ito at naupo sa gilid ng kama na nagsimulang magkuwento tungkol sa nanliligaw rito.
“Busy ka, manong?” tanong ni Keanna. “Parating na raw ang mga Azienda. Hindi ka pa naliligo.”
“Mabilis lang naman akong maligo,” natatawang sagot niya. “Naka-reserve na rin naman ang transient house na tutuluyan nila. Tumawag ako kanina at nalinis na raw. Dito raw ba sila didiretso?”
Tumango si Keanna at tumagilid ng higa. “Makikita mo na ulit si Juana.”
Sarki snorted. “Ano naman?”
Nanatili siyang nakatingin sa papel na nasa harapan habang iniikot ang ballpen na hawak niya nang magtanong si Keanna tungkol sa personal nitong buhay. Natutuwa siya na kahit hindi naman talaga kailangan, madalas itong nagtatanong tungkol sa opinion nila.
Sarki intently listened to Keanna about this suitor he haven’t met. He chuckled and shook his head. “Bahala ka sa desisyon mo, Kea. Basta sinabihan na kitang palagi kang mag-iingat. Kung sakali man, kilalanin mo na muna bago ka pumasok sa isang commitment.”
“B-Bakit ikaw, kilala mo naman na, ah?”
Kaagad na tumayo si Sarki at umirap dahil alam na niya ang ibig sabihin ng kapatid niya. Kinuha niya ang towel sa likod ng pinto at mahinang hinampas si Keanna. “Maliligo na ‘ko, lumabas ka na roon. Uulitin ko, Keanna Virginia, mag-iingat ka sa mga bago mong kilala.”
“Bakit sina Nanay at Tatay? ‘Di ba, ‘yung lov—”
“Ibang kaso ‘yun,” diin ni Sarki. “Iba si Tatay, pero ikaw pa rin ang magdedesisyon. Ngayon, puwede ka na bang umalis? Tumulong ka kina Nanay na magluto! Baka puro ka na naman chat!”
Keanna snorted. “Palagi na lang change topic!”
Mahinang natawa si Sarki nang lumabas si Keanna ng kwarto niya. Naiiling lang na pumasok si Sarki sa bathroom para maligo. Tumingin siya sa salamin at mahinang natawa. Kahit na dalaga na ang kapatid niya, adult na nga kung tutuusin, marespeto ito sa kaniya at palaging nagtatanong ng thought tungkol sa isang bagay.
Naghahanda siya para sa pagligo nang umilaw ang phone niya at notification iyon galing kay Yuan. Pagbukas niya, nag-send ito ng picture ng daan papunta sa bahay nila. Malapit na nga.
Hindi niya alam kung anong kalokohan na naman ang bitbit ni Yuan at hindi na siya magugulat kung mayroon man. Sanay na silang lahat.
Nagsuot si Sarki ng simpleng hoodie at varsity shorts bago lumabas. Sinabi ng helper nila na dumating na raw ang mga bisita, pero dumiretso siya sa kusina para kumuha ng marshmallows.
Paglabas niya, kaagad siyang nakita ng Tito Juancho niya na kausap ang mga magulang nila katabi ang asawa nito at tumango. Sa kabilang side naman ng garden na nakaupo sina Keanna at Yuan. Nagulat siya na bago ang kulay ng buhok nito dahil hindi sinabi sa kaniya.
Lumapit si Sarki sa nag-iihaw ng barbecue. “Pahingi, manong,” aniya at nilingon ang dalawang babaeng nakatingin sa kaniya. Dumako ang tingin niya kay Yuan at ngumiti. “Ano’ng nangyari sa buhok mo, Juana Belinda?”
“Maka-Juana Belinda naman, singkit!” naiinis na sagot ni Yuan. “Puwede naman kasing Yuan. Kung ayaw mo, puwede mo rin naman akong tawaging baby, honey, sweetheart, kahit ano.”
Umiling si Sarki at sumimangot. Naupo siya sa harapang upuan at tinitigan si Yuan. “Kilabutan ka nga, Juana Belinda. Maayos na ang transient ninyo. Nagpalagay na rin ako ng purifier sa kuwartong gagamitin mo para hindi ka sipunin. Nag-a-allergy ka pa?”
Sa sinabi ni Sarki, tumalon ang puso ni Yuan. Ni hindi na niya natago ang ngiti niya dahil oh my gosh naman, he remembered her allergies. “Sabi na, love mo rin ako, eh,” pang-aasar niya dahil maiinis na naman ito sa kaniya at iyon ang goal. “Aminin mo na kasi, Singkit, it is reciprocated. Love na rin kita.”
Ang singkit na mga mata ni Sarki ay mas lalong naningkit habang seryosong nakatitig sa kaniya. Umiling pa ito na mukhang disappointed. “Pinagsasasabi mo, Belinda? May bayad ‘yun. Dagdag ‘yun sa babayaran ng daddy mo. And for the record, kasama ‘yun sa notes ng mommy mo.”
Tumaas ang kilay ni Yuan habang lumalaban ng titigan kay Sarki. Hindi siya naniniwala dahil noong nakaraan lang, ipinaalala nito ang gamot niya sa allergies. Take that, singkit.
“Ayaw pa kasing aminin.” Ngumuso siya ngunit may pang-aasar. “Sabi ko naman sa ‘yo, payag ako sa LDR.”
Nanatiling seryosong nakatingin si Sarki kay Yuan at hindi nagsalita. Kinain lang niya ang barbecue na hawak niya at inilabas ang phone nang mag-vibrate iyon dahil mayroong e-mail.
“Singkit, gusto mo ng barbecue o ako?”
“Yuan, alam mo?”
Ngumuso si Yuan at padabog na naglakad papunta sa nagluluto ng inihaw bago bumalik sa kaniya at inabutan siya ng isang stick. Naupo rin ito malapit sa kaniya.
“Ang sungit-sungit mo sa ‘kin, singkit!” tanong ni Yuan. “Wala naman akong ginagawang masama sa ‘yo. Maganda buhok ko?”
Sarki nodded. “Oo, bagay sa ‘yo. Cute mo.”
Yuan smiled widely and bit her lower lip. “Yes, I do.”
“Belinda!”
Sinundan ni Sarki ng tingin si Yuan nang umalis ito papunta sa mga magulang na nakikipag-usap din sa mga magulang niya. Naupo naman si Keanna sa tabi niya at nagtanong kung ano ang nangyari.
“Same old issue,” sagot niya.
Keanna snorted. “Hanggang kailan kaya?” his sister teasingly asked. “Napapaisip ako kung hanggang kailan ka magpipigil, eh. Gusto mo naman kasi, eh. Ano ba’ng nangyayari?”
“Masakit sa ulo, Kea. Ang isip-bata. Tumungga si Sarki ng soft drink at mahinang natawa. “Baby my ass.”
Ibinalik niya ang tingin kay Yuan na nakaupo sa gazebo ng garden nila at nagsuot ng AirPods. Seryoso ang mukha nito at nakasimangot pa nga habang nakatingin sa phone.
Samantalang nilingon ni Yuan si Keanna nang pumasok ito sa gazebo at naupo sa tabi niya. Tipid itong ngumiti at lalong naningkit ang mga mata.
“Tampo ‘yarn?” pang-aasar ni Keanna sa kaniya.
“Hoy, hindi kaya!” Ngumuso si Yuan. “Si Ate Virgin parang ano. Pero wait, kumusta? Trip mo ba si Kuya Cale?”
Umiling si Keanna. “Nagkaka-chat kami, bakit?”
“Uy, nanliligaw na siya sa ‘yo?” natutuwang tanong ni Yuan.
“Hindi. May ibang gustong manligaw sa ‘kin. Pinsan ng kaklase ko noong college,” sagot ni Keanna.
Yuan rolled her eyes and snorted. “Huwag na ‘yun! Si Kuya Cale na lang. Mabait ‘yun, sobra. Bagay pa kayong dalawa. Pareho kayong boring kasama.”
Nanlaki ang mga mata ni Keanna habang nakatingin sa kaniya na ikinatawa niya. Nagprotesta ito dahil sa sinabi niya. Pilit pa siyang kinumbinsi na hindi ito boring.
“Maka-boring ka sa ‘kin, eh si Kuya, mas boring ‘yan kaysa sa ‘kin.” Mahinang natawa si Keanna. “Pero bet na bet mo.”
“Bet? Gagi, lab ko.” Yuan scrunched her nose and gazed at Sarki who was busy with his phone. “Kaso ang hirap naman ligawan. Ako na nga nanliligaw, ayaw pa rin? Pa-chix din ‘tong si singkit, eh.”
Komportableng sumandal si Keanna at itinaas pa ang paa sa inuupuan nila. “Eh kasi nga, bata ka pa raw. Mga bet ni Kuya Sarki, ‘yung mga malapit lang sa age niya.”
“Ayaw ba niyang sumubok ng bago? Baduy naman nito ni singkit, Ate Virgin!” Yuan crossed her arms. “Try niya kamo ako para malaman niyang worth it.”
Tumawa si Keanna dahil sa sinabi niya at itinanong kung kumusta ang school niya. Third year college na siya sa Eastern University at nag-e-enjoy naman siya, tamad lang talaga siyang mag-aral kaya madalas siyang napagagalitan ng mommy niya.
Napag-usapan na sa bahay ng mga Tomihari na muna sila mag-stay at kinabukasan na lang magpupunta sa transient na nakahanda para sa kanila. Na-miss yata ng parents nilang maggaguhan.
Sa tuwing nandoon sila, sa kwarto ni Keanna natutulog si Yuan. Nanonood sila ng movie o hindi naman kaya ay nagkukuwentuhan.
Best friends ang mga magulang nila kaya naman bata pa lang, kilala ni Yuan sina Sarki at Keanna ngunit dahil tumira sila sa California nang matagal, hindi sila ganoon naging close. Umuwi lang naman sila noong nag-eighteenth birthday siya para na rin mag-aral sa Pilipinas.
Malaking adjustment para kay Yuan ang manirahan sa Pilipinas dahil nasanay siya sa America. Mabuti na lang at may mga pinsan siyang tumulong sa kaniya kasama ang mga kaibigan nito.
It became easier for Yuan to adjust because of the people around her, including Sarki and Keanna.
—
Humikab si Sarki at nag-inat nang maramdaman ang pagod. Katatapos lang niyang gumawa ng report at halos wala pa siyang tulog. Madaling-araw na, alas-dos na, pero gising pa siya.
Tiningnan niya ang phone niya at walang message si Yuan. Isang malaking himala dahil madalas na sunod-sunod ang messages nito sa kaniya. Malamang na nakatulog na rin o baka napagod sa biyahe.
Bumaba si Sarki papunta sa kusina para kumuha ng maiinom nang makitang nakabukas pa ang main door nila. Sumilip muna siya sa screen bago isara nang makita si Yuan sa garden hawak ang gitara.
Samantalang ipinatong ni Yuan ang baba sa gitara habang tumutugtog. Naghahanap siya ng bagong kanta para sa gig nila sa susunod kasama ang mga pinsan niya. Dama niya ang lamig ng Baguio at ipinagpapasalamat na hindi umuulan.
Tumingala siya nang makita ang stars.
Baguio was nice, but it was too gloomy for her. Masaya naman ang night life, pero mas madalas siyang bored kapag nandoon dahil hinahanap niya ang ingay ng Manila. For her, Baguio was a place for vacation, but she couldn’t see herself living in it.
Nagulat si Yuan nang matakpan ang mukha ng kung anong tela ngunit kaagad niyang naamoy ang pabango ni Sarki.
Bango, puta.
“Hoodie. Malamig na,” narinig ni Yuan na sabi ni Sarki. “Suot mo.”
“Hoodie lang?” Tinanggal niya ang hoodie sa mukha niya at nilingon si Sarki na umiinom ng tubig mula sa bote. “Eh kung niyayakap mo sana ako, mas cute.”
Tumingin sa kaniya si Sarki ngunit mata lang ang gumalaw, hindi rin ito tumigil sa pag-inom ng tubig habang nakapamulsang nakatayo sa gilid niya.
Isinuot niya ang hoodie tulad ng sabi nito. Naka-shorts na maong at T-shirt lang kasi siya. Caring din naman pala, pakipot lang. At pagsuot niya, gusto na lang niyang singhutin kasi ang bango. Amoy lalaking paiiyakin siya sa mga susunod kasi manhid pa rin.
“Ba’t hindi ka pa natutulog?” tanong ni Sarki at naupo sa tabi niya. Medyo may space, pero keri lang. “Alas-dos na.”
“Mamaya pa tulog ko,” sagot ni Yuan. “Bigay ka nga kanta? Wala na ‘kong matugtog sa bar. Nananawa na ‘ko sa mga kinakanta ko, eh. Meron kang bago?”
Umiling si Sarki. “Wala, pero sabihan kita kapag meron na ‘kong nakitang bago. Anong araw kayo tumutugtog? Hindi apektado class mo?”
“Hindi naman. Hapon naman ang class ko kaya nakatulog pa ako after ng gig,” ani Yuan at sumandal sa upuan. “Ikaw, ba’t gising ka pa?”
Tumaas ang dalawang balikat ni Sarki, pero walang sagot.
“Baka kasi iniisip kita.” Yuan giggled. “Dapat nga mapagod ka na kasi paulit-ulit kang umiikot sa isip ko.”
Sarki snorted and gazed at Yuan sideways, who laughed at her own joke.
Ngumuso lang si Yuan habang natatawa bago ibinaling ang tingin sa kung saan habang pinatutugtog ang string ng gitara niya. Kahit anong banat niya, hindi uubra kay Sarki dahil titingin lang ito sa kaniya at maghihintay na siya ang sumuko.
Siyempre, hindi siya susuko. Bawal iyon.
“Hindi ka pa inaantok, ‘di ba?” tanong ni Sarki.
Lumingon si Yuan at umiling. “Hindi pa naman. Why?”
Tumayo si Sarki at basta siya iniwan sa garden. Palagi na lang nang-iiwan. Pumasok ito sa kwarto at in-assume naman ni Yuan na kukuha siguro ito ng pagkain o kape. Long night of kuwentuhan? Bet na bet.
Muli siyang nakarinig ng yabag papalapit sa kaniya at nilingon si Sarki na nakasuot ng hoodie hawak ang susi ng kotseng iniikot sa daliri nito.
“Tara, road trip,” aya ni Sarki. “Sa’n mo gustong pumunta?”
Yuan’s mood lit up and her eyes widened in shock. “Totoo ba ‘to o nakatulog na ‘ko, pero nananaginip?” She smiled widely. “Charot, alam kong totoo. Kahit saan.”
Ipinasok ni Sarki ang kamay sa loob ng bulsa ng hoodie at tinalikuran siya. Naglakad ito papunta sa garahe kung saan mayroong limang sasakyan. Ang isa ay sa daddy ni Yuan na ginamit nilang pangbiyahe.
Sumunod si Yuan kay Sarki. “Saan tayo pupunta?”
“Saan mo ba gusto?” balik na tanong nito.
Tumaas ang dalawang balikat ni Yuan at ngumiti. “Kahit saan, basta kasama kita,” aniya at kinagat ang ibabang labi.
Kita ni Yuan kung paanong tumaas ang sulok ng labi ni Sarki ngunit wala itong sinabing kahit na ano. Iniwan pa nga siya at sumakay na sa kotse nang hindi siya inaaya, ni hindi man lang siya pinagbuksan ng pinto.
Pagpasok ni Yuan sa kotse, nanuot lalo ang pabango ni Sarki. Naka-sedan ito, pero hindi naman sports car. Simple lang talaga kaya nakaka-inlove.
Nilingon niya si Sarki nang magsimula na silang umandar. Seryoso ang mukha nitong nakatitig sa daan samantalang siya, seryosong nakatingin sa nagmamaneho. Ni hindi man lang ngumingiti, napakamahal ng ngiti.
“Gutom ka?” Lumingon si Sarki kay Yuan. “Daan muna tayo sa fast-food. Jollibee or McDo?”
Napaisip si Yuan. “Ayaw ko ng fast-food. Gusto ko ng cup noodles. Convenience store na lang tayo.”
Isang tango ang sagot ni Sarki bago ibinalik ang tingin sa madilim na daan. Nakahawak ang dalawang kamay nito sa ilalim ng steering wheel habang nakapatong ang mga kamay sa tuhod dahil medyo may katangkaran.
Maputi si Sarki at palaging clean cut ang buhok nito. Ni hindi man lang niya nakitang humaba ang buhok, ni hindi niya nakitang mukhang dugyot, dahil papi talaga kaya gusto niyang i-mine. Mukhang mabango, amoy mabango. Mukhang malinis tapos sobrang kinis.
Bumukas ang speaker nang may pindutin at tumugtog ang isang kanta.
What Once Was by Her’s played.
The song was nice and catchy. Hindi na nagpaalam si Yuan at basta na lang niyang binuksan ang bintana ng kotse ni Sarki para damhin ang malamig na malamig na simoy ng hangin ng Baguio.
Malamig na malamig dahil madaling-araw. Medyo masakit sa mukha, nakamamanhid, pero aesthetic kaya okay lang. Nakagaganda rin sa feeling lalo na at si Sarki ang nagmamaneho.
Nilingon ni Sarki si Yuan habang dinadama nito ang malamig na hangin. Dumako ang tingin niya sa buhok nitong kakaiba na naman ang kulay. Black, orange, at red.
“Buti buhay pa ‘yung buhok mo?” Mahinang natawa si Sarki.
Lumingon si Yuan sa kaniya at may nakalolokong ngiti. Mukhang may banat naman. “Ako lang naman ‘yung patay na patay sa ‘yo.”
Sarki breathed and wasn’t shocked at all. Sanay na siya.
“Ganda nitong song, ha? What band?” Yuan asked.
“Her’s,” Sarki answered. “But sadly, they’re gone. Car crash. Drunk driving, that’s why I always tell you to call your driver whenever you’re drun—”
Tumigil sa pagsasalita si Sarki nang makitang nakatitig sa kaniya si Yuan, nanlalaki ang mga mata, at nakabuka pa ang bibig na parang gulat na gulat.
“Ano?” Nagsalubong ang kilay ni Sarki.
Yuan smiled. “Hindi talaga ako sanay kapag nag-e-English ka. Isa kang perfect definition ng hot and cold, mas madalas lang talaga ‘yung cold. Pero okay lang, mahilig ko sa malamig.”
Hindi na ulit sumagot si Sarki. Palagi na lang ganoon, pero sanay na si Yuan.
Tumigil sila sa isang convenience store na nadaanan at sinabi ni Sarki na huwag na siyang bababa dahil alam naman na nito kung ano ang bibilhin para sa kaniya. Hindi naman nila first time mag-road trip nang sila lang.
Nilingon ni Yuan ang kotse ni Sarki. Malinis na malinis na ultimo resibo ng parking, wala. Mabango rin ito at kaamoy ng may-ari.
Lumabas si Sarki ng convenience store hawak ang mga pinamili. Ngumiti si Yuan nang makita kaagad ang paborito niyang chips. Dumiretso naman ito sa backseat at inayos doon ang mga pinamili. Naamoy niya ang cup noodles dahilan para kumalam ang sikmura niya.
Pagpasok ni Sarki, binuksan nito ang bag ng Cheetos Cheddar Jalapeño bago inabot sa kaniya kasama ang at isang bote ng tubig.
“Saan na tayo, singkit? Uwi na tayo?”
Umiling si Sarki at nag-reverse na paalis sa convenience store. “May ipapakita ako sa ‘yo.”
Tumango si Yuan at nagsimulang kumain ng chips habang tahimik na pinanonood ang city lights na nadadaanan nila. Madaling-araw na, pero marami pa ring tao sa siyudad dahil may mga bar at kainang bukas pa. Parang Metro lang din naman, mas malamig lang.
Maliwanag ang dinadaanan nila hanggang sa unti-unting nawawala ang mga establishment, bahay, at nagiging mapuno na ang daanan.
Naghihintay si Yuan ng sasabihin ni Sarki, pero wala. Huminto sila sa isang lugar na kakaunti lang ang bahay at dumiretso sa isa na mayroong puting gate na tanaw ang isang modern house.
Bumaba si Sarki para buksan ang gate bago bumalik sa kotse. Pagpasok sa compound, bumaba ulit para naman isara iyon. Tahimik lang siyang naghihintay ng sasabihin nito at akala niyang hihinto sila sa garahe, mali. Dumiretso ang sasakyan sa likod ng bahay at nanlaki ang mga mata ni Yuan sa nakita.
Mula sa lugar kung nasaan sila, kita ang buong siyudad. Maliwanag na maliwanag sa ibaba at medyo foggy pa.
“Ang ganda.” Yuan gasped.
Sarki gazed at her and parked in reverse. Kaharap na nila ang bahay at sinabi nitong bumaba siya. Sumunod siya at naabutang inaayos nito ang pagkain nila sa ibabaw ng trunk ng kotse.
Sinabi ni Sarki na maupo siya sa trunk ng kotse na ginawa niya at sumunod ito sa kaniya. Inabot ang cup noodles na seafood flavor dahil iyon ang paborito niya, mug na softdrink, at white chocolate na maraming nougat and nuts.
Yuan asked as if it was normal when it wasn’t. Her heart raced and she wanted to refrain from smiling. Siyempre kahit malandi at vocal naman siya, kailangan niyang magkunwaring hindi apektado.
Hinalo ni Yuan ang cup noodles at hinipan iyon habang nakatingin sa city lights.
“Ang tahimik, ha?” pagbibiro ni Sarki. “Hindi ako sanay.”
Tumingin si Yuan kay Sarki at ngumiti. “Ito naman, minsan lang akong manahimik, nanibago kaagad! Baka kapag tumigil na ‘ko sa pangungulit sa ‘yo, mabaliw ka na!”
“Bakit, titigil ka na?” tanong nito habang nakatingin sa kaniya.
“Hindi pa, ‘no? Ano ako, susuko kaagad? Hindi ako si Juana Belinda kung susuko agad ako. Hindi ako pinalaki nina Blair at Juancho para sumuko.” Nag-flex siya. “Liligawan pa rin kita hanggang sa sagutin mo ‘ko.”
Mahinang natawa si Sarki at binuksan ang softdrink niya at muling namayani ang katahimikan habang kumakain sila.
Nakatingin si Yuan sa cup noodles na hawak niya. “Hindi mo talaga ako bet, Sarkie Duane?” Tumingin siya sa lalaking kasama. “As in hindi talaga?”
Nakatitig sa kaniya si Sarki at nanatiling tahimik.
“Kahit mga ten percent?” Yuan asked in a low voice.
“Gusto naman kita kahit paano,” sagot ni Sarki at mahinang natawa.
Ngumuso si Yuan at umirap. “Grabe ‘yung kahit paano! Mga ilang percent?”
Sarki met her eyes. “Siguro kung gaano karami ang napapatay ng alcohol, ganoon,” anito at humigop ng sabaw.
Napatitig si Yuan kay Sarki. “Gagi, bobo ako, singkit! Hindi ko gets! Paki-direct to the point para hindi ko magamit ‘yung brain ko. Baka mapagod.”
“Sure ka bang okay ka sa long-distance relationship?” Mababa ang boses ni Sarki habang nakayuko. “Eh sa t—”
Sarki stopped talking when Yuan held his wrist and stared at him.
“Kung ano pa ‘yung sasabihin mo, hindi ko na pakikinggan. G na g ako kahit ano,” Yuan smiled widely. “Sabihan mo lang ako, Sarki. Sinasabi ko sa ‘yo, papalitan ko kaagad ‘yung relationship status ko sa Facebook, maglalagay ako ng taken sa bio ng mga social media ko, at iyong-iyo na ‘ko.”
He bit his lower lip and smiled. “Go ahead.”