top of page

Infliction 10: The Bodyguard — Prologue (Soleil)

Time. If only Soleil could turn back time, she would do it without thinking twice. She wanted to go back and fix everything, but some things couldn’t be done. 


Being treated like a princess sounded good. Being everyone's sunshine felt unreal. . . but for Soleil, it was both a blessing and a curse. Soleil had been through a lot because someone stole everything from her.


Naging maayos naman ang lahat simula nang magising siya mula sa pagkakatulog ng sampung taon. Sinuportahan siya ng lahat ng tao sa paligid, tinuruan ngunit may isang tao na hindi niya inaasahang hindi siya susukuan.


Pumasok si Sloan sa kwarto ni Soleil para ayain itong kumain ng tanghalian. Nakabukas ang TV, pero nang ipalibot niya ang tingin sa kabuoan ng kwarto ng kakambal, wala ito.


Sloan was about to leave when he heard a faint sniffing coming from the bathroom. Hindi niya alam kung tama ba ang narinig, but his gut told him to go inside . . . at hindi siya nagkamali nang makita si Soleil na nakahiga sa bathtub. Walang lamang tubig, pero may nakalatag na comforter.


Nakita ni Sloan kung paanong nakayakap ang kakambal sa isang unan at nakakumot pa. "Sa lahat naman ng lugar, sa bathtub talaga, Solz?" mahinahon ang pagkakasabi ni Sloan dahil alam niya ang dahilan kung bakit ito umiiyak.


Lumingon si Soleil nang marinig si Sloan. Nakita niya itong nakasandal sa hamba ng pinto habang nakatingin sa kaniya. Suminghot lang siya bago bumangon at hinarap ito.


"Something wrong, Kuya?" tanong ni Soleil at pilit itinatago ang luha.


Sloan smiled and walked towards her. "You're seriously asking me that?" he chuckled lowly. "You're the one crying, Solz. Something wrong?"


Automatically, Solz's tears started flowing. Naka-Indian sit siya loob ng bathtub at nakayukong umiiyak. "Naiinis pa rin ako that he left without saying anything."


"Solz, six months na ang nakalilipas, umiiyak ka pa rin. Ayaw kitang sisihin sa nangyari dahil tapos na, but it's partly your fault that he left," seryosong sabi ni Sloan na naglakad papalapit sa kaniya. "I know na hindi tama ang ginawa niyang umalis na walang pasabi. I can't blame him, though. Isa pa . . . hindi natin alam kung ano ang nararamdaman niya."


Nanginig ang baba ni Soleil sa pagpipigil na umiyak. Tanggap naman niyang kasalanan niya kung bakit umalis si Daemon nang walang paalam. Hindi niya dapat sinabi na bodyguard lang niya ito. That wasn't fair.


Daemon was her best friend, and she was mean.


Daemon was there from the start. Simula nang magising siya mula sa pagkaka-comatose, nasa tabi na niya si Daemon. Ito ang nagturo sa kaniya ng mga bagay na hindi niya alam, ultimo pagtatali ng sintas ng sapatos, tinuro nito sa kaniya.


Soleil knew she was insensitive. It had been six months since Daemon left, and it felt like forever. Hindi mapigilan ni Soleil ang pagdaloy ng luha kahit na nakikita siya ni Sloan. Hindi na siya nahihiya dahil ilang buwan na rin niyang tinatago ang nararamdaman niya lalo na at may boyfriend siya.


Alam niya sa sarili niya kung ano si Daemon . . . pinili lang niyang maging in denial dahil natatakot siyang iba ang nararamdaman nito para sa kaniya. Posibleng bilang kaibigan, kapatid, hindi niya alam.


"Babalik din 'yon. Siguro, nag-e-enjoy lang siya sa UK or possible na naghi-heal din sa mga sinabi mo," sabi ni Sloan. "Hindi ako magsu-sugarcoat, Solz, and you know that."


Tango lang ang naisagot ni Soleil. Tumigil siya sa pag-iyak at sumabay na kumain sa kakambal at bunsong kapatid. Pare-pareho silang tahimik lalo na nang mapansin ni Foster na namamaga ang mgamata niya.


Soleil turned eighteen a few months ago, and everyone was happy for her and Sloan. Ni hindi niya magawang ngumiti nang araw na iyon dahil pakiramdam niya, may kulang sa kaniya. Mayroon naman talaga. Daemon wasn't there to celebrate her.


Araw-araw niyang sinisisi ang sarili sa pag-alis ni Daemon.


Habang nakahiga si Solz, nakapatay lahat ng ilaw, pero nakabukas ang lamp na may solar system. It was a gift from Daemon during her 16th birthday.


It was cold, and she felt her tears while staring at the moon. Dahil nakahiga siya, patagilid ang pagbagsak ng luha. Her entire room felt cold and empty. She was hurt, she was crying, and she was missing someone.


Naririnig ni Soleil na nagri-ring ang phone niya at siguradong si Angelo iyon, pero wala siya sa mood makipag-usap sa kahit na sino.


Nag-aya ang magulang nilang kumain ng dinner sa labas, pero sinabi niyang pagod siya at inaantok na inintidi naman ng mga ito. It was a lie . . . she wasn’t tired or sleepy, she just wanna cry.


Anniversary ng paggising niya at ito ang unang beses na hindi niya kasama si Daemon. Sa tuwing naaalala ni Soleil ang mukha ni Daemon nang unang beses niya itong nakita pagmulat ng mata, gustong-gusto niya itong puntahan.


"Puwede naman natin siyang puntahan kung gusto mo." It was Sloan. Pumasok ito at sinara ang pinto ng kuwarto niya bago nahiga sa tabi. "Gusto mo ba? Or I can call him na umuwi na siya."


Solz shook her head. "Babalik naman 'yon kung gusto niya."


"Mahal mo ba?"


Hindi sumagot si Soleil, pero sunod-sunod ang paghikbi niya habang nakatingin sa buwan.


"Mahal mo nga." Huminga nang malalim si Sloan.


Mahabang katahimikan dahil hindi mapigilan ni Soleil ang pagbasak ng luha. Para na siyang tanga na umiiyak nang walang dahilan. Natatawa na lang din siya sa mga tumatakbo sa isip niya.


Kapag ba umiyak siya, babalik si Daemon? Kapag ba umiyak siya, hindi na ito galit sa kaniya? Kapag ba umiyak siya, dadating ito tulad ng dati para bilhan siya ng ice cream?


Hindi.



Hindi namalayan ni Soleil na nakatulog na siya. Nang imulat niya ang mga mata, pamilyar na sa kaniya ang lugar. Madilim ang kuwarto, may umuusok galing sa humidier, at nalalanghap niya ang pamilyar na amoy ng peppermint na palaging ginagamit sa tuwing sinusumpong siya ng migraine.


Bukod pa roon, may nakasaksak na namang IV fluid sa kaniya. 


‘Here we go again,’ bulong niya sa sarili. 


Simula nang magising siya sa pagkaka-comatose, madalas pa rin siyang nakararamdam ng sakit ng ulo. Paminsan-minsan, nagdudugo pa ang ilong niya. Ninakaw na nga sa kaniya ang pagkabata niya, hanggang pagtanda pala, dala pa rin niya.


"Gising ka na pala, Ate." It was Foster. "Anong gusto mong kainin? Umalis lang sandali sina Mommy, may aayusin lang daw."


Tipid siyang ngumiti. “I’m okay lang naman,” pinilit niya ang ngumiti.


Nakatitig sa kaniya si Foster. "Mabuti naman. Limang araw ka na namang tulog, Ate. Iyak nang iyak si Mommy kasi akala niya, mako-comatose ka na naman," seryosong sabi nito at hinaplos ang noo niya. "Kinabahan kami, Ate. Buti gising ka."


Limang araw. Ang buong akala niya, katutulog lang niya, pero ilang araw na pala ang lumilipas.


Ngumiti siya ngunit naramdaman niya ang pamumuo ng luha sa mga mata niya. “Ang lungkot, 'no?"


"Ang alin, Ate?" tanong nito.


“That I’ll be forever like this. May time na bigla na lang akong mag-sleep. Another painful episode, another worrying. Why am I even alive? I wanna be happy . . . but how?” she sniffed. 


Kunot-noong napatitig si Foster sa kaniya. “Aren’t you happy with your life now, Ate? Aren’t you happy with us? We’re all here for you. Please, don’t say that.”


Soleil chuckled and wiped her tears. “Of course, I am happy! But let’s face it. One day, our parents will cry again. Because of me.” 


Umiling ang bunsong kapatid niya. Inayos nito ang kumot at hinalikan siya sa noo. "We'll be okay, Ate. We'll get through this."


Tumango siya at tumingin sa bintana na pinabuksan niya kay Foster. Tanaw sa kuwarto niya ang papalubog na araw, gabi na naman. Ni hindi man lang niya nakita ang liwanag dahil nawala na naman siya.


Mahina siyang bumulong sa sarili. Sampung taon siyang tulog, nagising man siya, may mga pagkakataong nakakatulog ulit siya o hindi naman kaya ay pinapatulog lalo na kapag sumasakit ang ulo niya.


Sa nangyayari sa kaniya, naisip niya . . . darating pa kaya ang pagkakataong makikita ulit niya si Daemon? Darating pa kaya ang pagkakataong makikita niya itong nakangiti sa kaniya o hindi na dahil sa susunod, hindi na siya magigising?


Hindi niya namalayan na tumutulo na naman ang luha niya. Wala siyang ginawang mali sa ibang tao, pero bakit ganito ang buhay niya?


Pumikit siya at mahinang humagulhol habang sinasambit ang lyrics ng kantang nagpapaalala sa kaniya na isang araw, magkikita ulit sila. Na paggising niya, si Daemon ulit ang makikita niya.


"Thinking maybe you'll come back here to the place that we'd meet, and you'll see me waiting for you on our corner of the street . . . I'm not moving."




28 views0 comments

Commentaires

Noté 0 étoile sur 5.
Pas encore de note

Ajouter une note
bottom of page