Vin wanted to leave the dining table, but couldn’t. He wanted to escape from his mom’s nagging. Para itong rapper na hindi napapagod. Ang daming salita, pero hindi niya iniintindi. Ang daming sinasabi, pero paulit-ulit lang naman.
And this was the reason why he always hated it whenever his parents were away for work. Mas gusto niyang palaging mayroong meeting o travel duties sa ibang lugar ang mga magulang niya. Mas tahimik ang bahay at walang gigising sa kaniya para mapagalitan.
“Palagi mo na lang akong binibigyan ng kahihiyan, Vin!” Ibinaba ng mommy niya ang utensil at deretsong nakatingin sa kaniya. “Ilang patawag pa ba sa school para umayos ka? Ilang pakiusap pa ba ang kailangan kong gawin sa ‘yo? Ibinigay ko ang gusto mo! For christ’s sake, dalawang linggo pa lang nagsisimula ang klase, pinapatawag na kaagad ako?”
Tahimik siyang nakatingin sa pinggan, tinutusok ng tinidor ang mashed potato na hindi naman gaanong masarap. Luto ito ng mommy niya, ipinagmamalaki pa sa iba, pero napakatabang naman. He never liked anything mashed because of this.
“Binilhan kita ng kotse kasi gusto mo,” malalim itong huminga. “Vin, I am using my position to let you drive! Hindi mo ba ’to naiintindihan? The consequences? I am breaking the rules for you, pero simpleng pagpasok sa klase mo, hindi mo magawa? What do you want this time? Huwag mo naman akong ipahiya palagi, Vin!”
Nanatili siyang tahimik. Uminom siya ng malamig na tubig na gusto sana niyang i-offer sa mommy niya para lumamig ang ulo nito, pero malamang na mas iinit ng ulo nito kapag nagbiro pa siya.
Simula rin kasi nang makapag-asawa ang mga ate niya, siya na ang palaging napapansin. No wonder her older sisters decided to leave Baesa. Ayaw nila sa buhay ng parents nila. Being in the politics always had risks. Bawal silang magkamali dahil nakakahiya. Kailangan nilang sumama sa kung saan-saan kahit na hindi naman nila gusto.
Fuck, campaign periods were always the worst. He remembered having to plant trees para lang magmukhang mabait sa harapan ng iba and it was tiring.
“Nakausap ko na si Principal Honrado kanina dahil sa hindi mo pagpasa ng activities and even cheated on your quiz ‘cos you fell asleep,” his mom shook her head. “You’ll do community service for two weeks. Maglilinis ka ng campus. Kung ano ang iutos sa ‘yo, gawin mo. Please. My position, our name. Please, Vin, or I’ll take everything from you. Patapusin mo lang ‘tong highschool. Just one more year, Vin.”
Tuluyang ibinaba ni Vin ang utensils at humarap sa mommy niya. “That’s it?”
“Yes,” sagot ng mommy niya bago uminom ng wine. “One more year. Isang taon ka lang magsisipag sa pag-aaral. Paano ka makakapasok sa malaking university abroad or even sa Manila lang kung ganiyan ang grades mo? My God, Venicio!”
Vin cringe upon hearing his full name. He always hated it. Napakaraming puwedeng ipangalan, naging the third pa siya. Ang rason ng mga magulang niya? Mas madaling makilala.
Makilala saan? Sa politics? No way.
“Magsisimula ang community service mo bukas. Please lang,” may diin na naman ang boses ng mommy niya. “Sumunod ka. One more year.”
Muling tumango si Vin at nag-agree na lang sa mommy niya para lang matapos na ang conversation nila. Nagbukas na naman ito ng topic tungkol sa panghuhusga sa ibang tao na para bang nakatutulong iyon sa buhay nila. His mom would literally pinpoint every flaw from other people just to make a point. Just to make herself better… no wonder his sisters left. Sawang-sawa na ang mga ito sa mommy niya.
Even him. One more year and then what?
Kahit siya mismo ay napapaisip kung ano pa ba ang gagawin niya pagkatapos ng highschool. He might grab the opportunity to study abroad para lang makalaya sa mommy niya. But he always hated studying.
Why even bother to study algebra? Hindi naman niya iyon magagamit. Chemistry? He never wanted to know what they were.
One more year.
Fine.
—
Nilingon ni Vin ang mga kaibigan niyang tawa nang tawa habang nakasilip sa bintana ng classroom nila dahil pinanonood siyang magwalis. Maaga siyang pinapasok—almost thirty minutes before the bell—para magwalis. Inaantok pa siya at sumasakit din ang sikmura niya sa gutom, pero nasa ilalim ng puno ang nagbabantay sa kaniya kung ginagawa ba niya ang trabaho niya.
Hindi na bago ito sa mga kaklase niya. Madalas naman talaga siyang mag-community service, minsan intentional pa. It was one of his ways to get out of classes.
Iba-iba rin ang pinagagawa sa kaniya, depende sa mood ng nagbabantay. Minsan siyang nagwawalis ng mga tuyong dahon sa ilalim ng malaking puno. Minsan siyang naka-assign sa cafeteria para maghugas ng mga pinggan. Minsan naman sa comfort room para mangulekta ng mga basura o kaya sa library na paborito niya. Aayusin lang ang libro. Gusto niya roon kasi malamig at minsan siyang nakakatulog sa gilid kapag walang nagbabantay sa kaniya.
Tumigil sa pagwawalis si Vin nang mapansin ang paghinto ng sasakyan sa harapan ng building nila. It was a black and white Land Rover. Ilang beses na ring napag-uusapan ng mga kaklase niya ang bagong enroll sa school nila na sinasabing anak ng isa ring pulitiko tulad niya.
Kung hindi siya nagkakamali, it was from the Alcaraz. Hindi siya sigurado kung ano ang posisyon nito sa pulitika, pero kilala ang mga Alcaraz sa buong Baesa.
Bumaba ang driver ng sasakyan at binuksan ang pinto. Naalala niya ang conversation ng mga kaklase niya tungkol sa anak ng pulitiko na nasa kabilang section.
Out of reach, prim and proper, formal, and overly dressed.
Hindi pa niya nakikita ang kabuuan ng mukha nito dahil natatakpan ng mahabang buhok. Hindi kaagad ito bumaba ng sasakyan dahil parang mayroong inaayos sa bag.
Hawak ni Vin ang walis tingting habang inoobserbahan ang bawat galaw ng babaeng pinag-uusapan ng mga kaklase niya.
“I can hold it na po,” narinig niyang sabi nito sa driver na pilit hinahawakan ang bag. “You can go na po, Kuya. I’m okay na po.”
Mahinang natawa si Vin at nagsalubong ang kilay. Niyakap niya ang walis tingting nang hindi inaalis ang tingin sa babaeng kabababa lang ng sasakyan hawak ang luxury shoulder bag na dark pink at niyakap ang dalawang librong hawak.
The girl’s hair was wavy, long, and silky. Ayos na ayos at mula sa malayo, parang walang tikwas. Kahit na nilipad ng mahinang hangin, bumalik pa sa dati. Suot nito ang kulay pulang manipis na headband na bumagay sa pagiging maputi.
One thing he noticed was how fair the girl was. Lalo nang masinagan ito ng araw. Vin watched how the woman moved and walked gracefully without looking sideways…. until she did look his way and their eyes met. Soft ang features, mukhang mabait.
Inobserbahan niya ito hanggang sa makapasok sa loob ng building ngunit nakita niya ang pagtanggal nito sa suot na headband na ipinasok sa loob ng bag at bahagyang ginulo ang maayos na buhok.
“Ganda talaga niyan kaso ang tahimik,” sabi ni Gael, ang kasama niyang nagco-community service. “Dami may crush diyan sa classroom namin, eh.”
“Kilala mo?” tanong niya.
Tumango si Gael. “Kaklase namin siya. Anak ni Governor Alcaraz. Sabi ng daddy ko, first time raw niyan pumasok sa big school kasi homeschooled lang.”
College professor sa university ang daddy ni Gael kaya malamang na kumalat na rin. Basta naman kilalang tao, kakalat at kakalat ang kung anong issue o information na hindi naman dapat.
“Mabait?” Muling tanong niya.
“Oo. Tahimik lang din. Madalas lang ‘yang nababasa ng libro,” pagpapatuloy ni Gael. “Saka two weeks pa lang naman. Baka may isasama ng ugali.”
Mahinang natawa si Vin at umiling. Yakap pa rin niya ang walis tingting habang iniisip kung bakit hindi niya naisip noong mag-homeschool na lang, pero naalala niyang ayaw niyang naririnig ang bibig ng mommy niya.
Pero habang nagwawalis, hindi niya makalimutan ang mukha nito. Simple, pero rock.
“Ano’ng pangalan niya?” Vin squinted and curiously asked.
“Who?” Gael gazed at him.
“Anak ni Gov,” Vin responded.
“Ah! Si Laurel,” Gael smiled. “Trip mo?”
Vin shook his head. “Hindi. Mukhang matalino. Kakahiya baka hindi nagbo-boyfriend ng bobo.”
—
HAHAHHAHA ang lt talaga ni Vin amp, then knowing how he describe his mom, alam na 😭😂