Skip to content

The Actress Prologue

Amira’s heart raced while reading her script. It wasn’t a huge movie deal or even a soap opera, but it was a huge commercial deal for one of the biggest fast-food chains. Finally, after years of being an extra behind someone bigger, siya na ang isa sa magiging front at aarte talaga siya.

“Kinakabahan ako, Ash,” aniya habang nakatingin sa pinsan niyang sumama talaga sa kaniya dahil gusto raw nitong makakita ng mga artista. “What if I mess this up? What if…”

“You know what? Ayokong ma-invalidate ang kabang nararamdaman mo dahil wala ako sa posisyon mo, but they hired you because they believed in you!” Ashley smiled warmly. “Nagandahan sila sa audition mo and you’re here because this one’s for you! Embrace it!”

Nasa labas ng tent ang mommy niya, kasama ang manager niya na kinakausap ang magiging direktor ng commercial na gagawin niya. Everyone in her team was happy for her. This commercial would be her big break and she wanted to do her best, but there was pressure inside her. Ayaw niyang ma-disappoint ang mga nakapaligid sa kaniya.

She had been working since she was twelve. She turned fifteen last week and this commercial was like a birthday gift.

Nagpaalam sa kaniya si Ashley na titingnan kung ano na ba ang nangyayari sa labas kaya naiwan siyang mag-isa sa loob. Malamig ang tent na ikinangiti niya. Nasanay siyang nasa loob ng van na pag-aari ng mga magulang niya sa tuwing mayroong taping dahil ang mga extra, madalas na nasa gilid lang o kaya ay sa tent na walang aircon kaya mainit. Siksikan pa nga.

Her family was well-off and decided to support her career. Kahit na nahihirapan noon, walang naging problema sa parents niya na ipinagpapasalamat niya.

The only thing her parents wanted was for her to have a degree at iyon ang ginagawa niya.

Malalim na huminga si Amira nang mabasa ang magiging sequence nila mamaya ni Atlas. Nakilala na niya ito sa meeting noong isang araw kasama ang mga manager nila, direktor, producer, at ilang crew members para sa look test.

Matagal na rin niyang kilala si Atlas, pero ito ang unang beses na makakasama niya ito sa isang project. Nagkakasalubong sila sa station, pero walang pagkakataong magpansinan dahil hindi naman nila totally kilala ang isa’t isa sa personal. Naririnig niyang maayos itong katrabaho kaya naman kampante siya. Sana lang, pati sa kaniya.

Bumaling ang tingin niya sa pinto ng tent at nakita si Atlas na papasok bitbit ang dalawang coffee cup at paperbag ng isang coffee shop. Ngumiti ito at kumaway bago ibinaba ang backpack sa sofa at naglakad papalapit sa kaniya.

“Hindi ka nagre-reply sa messages kaya pinatanong ko sa manager mo kung ano ang gusto mo.” Iniabot nito ang isang coffee cup. “French Vanilla with extra shot and…” Inilabas nito ang nasa paper bag. “Bagel with butter and strawberry jam.”

Nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin kay Atlas. Ibinaba niya ang papel na hawak at nilingon ang lamesa kung nasaan ang bag niya. “Nasa bag ko ‘yong phone and naka-silent,” nahihiyang sambit niya. “Sorry.”

“Ayos lang,” ngumiti si Atlas at naupo sa make up chair na nasa tabi niya. “Ano’ng sequence na ba ang binabasa mo? Binasa ko ‘yong part na sabay tayong mag-o-order and…” Naningkit ang mga mata nito na parang nag-iisip.

Bumaba ang tingin niya sa papel. “And sabi rito…” Binasa niya ang instruction. “Same order tayo and we’ll gaze at each other? Parang ang corny.”

Mahinang natawa si Atlas dahil sa sinabi niya at tumango. “Sinabi ko rin ‘yan kahapon sa manager ko, pero sabi niya audience likes corny. Wala tayong magagawa.”

Pareho silang natawa at pinag-usapan ang script. Iilan lang ang dialogue nila at halos tungkol pa sa pag-o-order, hanggang doon lang. Saktong pumasok ang direktor kasama ang naturo sa kanila sa acting workshop dahil kailangan nilang ayusin ang tinginan.

The highlight would be their eyes and how they would look at each other soulfully. Ito ang unang beses nilang magkakasama ni Atlas para sa training at habang ine-explain sa kanila ng coach kung paano ang tinginang kailangan nilang gawin.

“Okay, Amira.” Humarap sa kaniya ang acting coach na hawak ang papel. “Base here sa instructions, ikaw ang unang makakapansin kay Atlas. You’re like listening to every word he says and you’ll subtly gaze at him… like iyong hindi niya mahahalatang nakatingin ka.”

And Amira tried. Atlas was looking up… na parang nagbabasa ng menu dahil iyon ang nakabase sa script and for the first time, she was able to see Atlas this close. Walang judgement sa iba o walang mang-aasar dahil nasa workshop naman sila.

She felt her eyes became droopy while staring at Atlas’ side profile. Dahil bata pa sila, maamo ang mukha nito at tama ang sinabi sa kaniya ni Gracie—isa sa nakatrabaho ni Atlas na naging kaibigan din niya. Atlas’ had a good boy aura lalo kapag nakangiti ito.

“That’s it, Amira,” mahinang sambit ng acting coach. “Stare at him as if you’re looking for him. Na parang ang tagal mo na siyang hinihintay ‘tapos ngayon mo lang siya nakita.”

And for some reason, Atlas laughed and gazed at her. Pareho silang natawa sa sinabi ng acting coach.

“Sorry, Coach,” Atlas immediately apologized to their acting coach who nodded and understood. Tumingin din ito sa kaniya. “Sorry, Amira.”

The coach laughed with them. “Ganito na lang. Since you’re both young, gawin nating parang young love. Crushie type. That’ll work.”

They both agreed and followed the script. Amira would be the first to notice Atlas and when Atlas noticed that someone was staring at him, he would also look at her. Ganoon ang inutos sa kanila ng acting coach.

Amira was ready… until Atlas gazed at her, too. Her cheeks burned, her heart raced, and her eyes blinked continuously. Hindi nakatutulong na hindi inaalis ni Atlas ang titig sa kaniya. Hindi nakangiti, diretso lang ang tingin, malamlam ang mga mata, at parang hinihimay ang pagkatao niya.

“Oh my gosh.” The acting coach exhaled. “I like the reaction, Amira. That’s very natural! Gawin mo ‘yan sa take. That is so good! Na-try mo na bang mag-audition sa acting?”

Umiwas siya sa tingin ni Atlas at tumango. “H-Hindi pa po ako nakukuha, eh.”

“What?” The coach yelled. “You’re so good! Ang natural ng acting mo!”

And Atlas agreed. Inabutan pa siya nito ng bote ng tubig.

Gusto rin ng acting coach na ulitin nila ni Atlas ang posibleng maging tinginan nila sa scene dahil nagustuhan nito ang rehistro ng arte nilang dalawa. The coach even bragged to their director that she acted so good. Her acting would be perfect on the camera.

…but she wasn’t even acting.

 

Subscribe
Notify of
3 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Member
sikatoh
1 month ago

Amira, naiintindihan kita. Kasabay mo akong kinilig. HAHAHAHA. Anuba Atlas!!!!

Member
rawwsyel
1 month ago

Sino ba naman kasing di kikiligin sa tukmol na ‘yan. Hugs, Amira Waaaaaa grabe ang aga mo pa lang nagsimulang ma-attract kay Atlas 😭

Member
hazurastrike07
1 month ago

Ganun talaga kapag inlababo, nagiging natural ang acting. Go, Amira!