Desktop Access Unavailable

My website is optimized for mobile reading only. Please visit us on your smartphone for the best experience. iPad support coming soon!

Want You Back – Chapter 2

Hindi naman talaga lasing o tulog si Blair, pero nahihirapan na siya sa posisyon niya. Naramdaman niyang nangangawit na ang balakang niya dahil ang tagal na niyang nakahigang patagilid.

Isa pa, hindi sila umandar. Hindi siya sigurado kung gaano na sila katagal sa kotse, pero sobrang tahimik. Wala siyang naririnig na tugtog at tanging kaunting paggalaw lang ni Juancho mula sa driver’s seat.

Pinakiramdaman pa niya ang nangyayari bago tuluyang humarap kay Juancho. Dumilat siya at nagsalubong ang tingin nila.

“Good morning,” Juancho greeted Blair with a subtle smile. “Hindi ba masakit ‘yung leeg mo? Sorry, wala akong unan dito sa kotse.”

Bumangon si Blair at naghikab. Totoo ang hikab niya dahil naramdaman na rin naman na talaga niya ang antok. Madilim pa, pero pasilip na rin ang kaunting liwanag. Tumingin siya sa orasang nasa dashboard at almost 4:30 a.m. na.

Sinuklay ni Blair ang buhok niya gamit ang mga daliri at umupo nang maayos. May pinindot naman si Juancho sa gilid ng sasakyan nito, kaya umangat din ang backrest. Tinanong pa siya kung ayos na ba ang posisyon.

“Hindi ko kasi alam kung saan kita ihahatid.” Ibinaba nito ang phone sa hita at nakita niyang nanonood ito sa YouTube ng kung ano. “So, saan kita ihahatid ngayon?”

Muling humikab si Blair at mas naramdaman niya ang ginaw na nagmumula sa aircon ng sasakyan ni Juancho. Inayos niya ang hoodie na nakabalot sa kaniya para matakpan ang braso niya dahil nakasando lang siya.

“Wear it,” Juancho said.

Dumiretso sa pagkakaupo si Blair at basta na lang isinuot ang hoodie ni Juancho. Gusto niyang matawa dahil ang liit niya sa hoodie. Isa pa, ang bango. Amoy mamahaling pabango na sigurado siyang didikit sa balat niya. Nilingon niya si Juancho na nakatingin sa bintana, parang umiiwas na tumingin sa kaniya.

“Juancho.”

“You’re done?”

“Oo,” sagot ni Blair, kaya humarap na si Juancho sa kaniya. “Breakfast tayo? My treat. For this.”

Juancho shook his head and smiled. “No need. Let me know kung saan kita ihahatid para makapagpahinga ka na rin. Baka sumakit lalo ang ulo mo kasi kulang ang tulog mo.”

Mas naramdaman ni Blair ang guilt dahil sa kalokohang ginawa niyang maglasing-lasingan. Pinigilan pa nitong humikab, pero nakita niya kung paanong gumalaw ang Adam’s apple nito. Yumuko siya nang tumingin ito sa kaniya para hindi mahalatang nag-o-observe siya.

“Okay.” Mababa ang boses ni Blair. “Pahatid na lang ako sa Luminary.”

Ang Luminary ay isa sa mga condo building na pag-aari ng mga Laurent at doon siya nakatira.

Nakagat ni Juancho ang ibabang labi habang nakatingin kay Blair. Hindi naman sa gusto niya itong tanggihan, pero ayaw niya kasing isipin nitong mayroong utang na loob kahit na wala naman talaga. Ayaw rin naman niyang mahihiwalay sila ng mukha nitong nagtatampo. Hindi siya matatahimik; iyon ang sigurado.

“Blair? Let’s get that breakfast.”

Nanlaki ang mga mata ni Blair at malapad na ngumiti. “For real? Okay. Sa café ng Tita ko, open ng twenty-four hours ‘yon. Let’s go there. If you’re sleepy, I can drive.”

“Nope.” Juancho shook his head and immediately drove the car. “Late na rin pala nagsasara ‘tong restobar. Medyo nakausap ko rin si Joe kanina na regular pala kayong tumutugtog diyan.”

Blair nodded. “Yup. Once to twice a month, depende sa availability ng mga nasa banda. Medyo bihira na rin kasi nitong mga nakaraan dahil busy na ang lahat. But whenever we get the time, we’re still accepting invites.”

Pasimpleng nilingon ni Juancho si Blair nang marinig niya sa boses nito ang lungkot. Hindi siya nagkamali nang makita itong patagilid na isinandal ang ulo sa headrest habang nakatingin sa bintana.

“It’s hard growing old,” Blair continued, chuckling. “May mga bagay na nakasanayan na tayong kailangang i-give up ‘cos we have to face the reality of life. Ikaw?” She gazed at him. “Are you currently working?”

Biglang nahiya si Juancho at sandaling natahimik. Nakatingin lang siya sa daanan. Hindi na ganoon karami ang sasakyan, pero maliwanag kung nasaan sila. Bahagya niya muling nilingon si Blair na mukhang naghihintay ng sagot.

“To be honest, I’m not really working. I’m into investing,” pag-aamin ni Juancho. “Binigyan ako ng puhunan ni Daddy to start something, pero hindi pa ako ready na magsimula sa kahit na ano kaya nag-invest na lang ako.”

“That’s actually better! At least hawak mo ang time mo, and you’re earning without doing much. Goals,” Blair giggled. “Anyway, regular ka pa rin bang tumutugtog?”

Juancho shook his head and forced a smile. “Actually, hindi na rin, that’s why I had time last night. Dalawa sa kabanda ko, focused sa family, the other is focused on work, and other stuff. So, I agree on the changes. It was… hard.”

Komportableng nakasandal si Blair at pinakikinggan ang kantang nakabukas sa speaker. Minsan niya itong sinasabayan sa isip dahil, oo, mahilig siya sa mga kanta, pero hindi siya magaling kumanta. It was her twin’s talent.

“By the way, I h-heard about Clair. How’s she?” Juancho changed the topic to make it light. “Is she doing okay?”

“She is!” Blair immediately lit up. “Sobrang happy ko na finally, she’s able to see things now. Did you know that my baby is dating na? Grabe. My Clair-bear has a boyfriend na! The best thing, they got together while she’s still you know…”

Patagilid na tiningnan ni Juancho si Blair. “That’s good to hear. Once ko pa lang din siyang nakikita sa personal.”

“Just look at me, and you’ll see her naman,” Blair suggested. “Except, Clair is girly, and I’m not. Mas maayos ang hair niya compared to mine.”

Pagkasabi niyon, sinuklay ni Blair ang buhok gamit ang mga daliri na ikinangiti ni Juancho. Some habits never change.

Pagdating sa café ng tita ni Blair, itinuro nito ang bakanteng upuan na mayroong magkaharap na puting sofa. Katabi niyon ang glass wall kung saan kita ang kalsada at ang ilang empleyadong dumaraan kahit na alas singko pa lang ng umaga.

Naisip ni Juancho kung paano nagagawa ng ibang gumising nang sobrang aga para pumasok sa trabahong hindi rin naman nila gusto? Bigla niyang naramdaman ang pagiging privileged niya dahil hindi niya iyon ginagawa, and some had no choice.

Samantalang nakikiusap si Blair sa baristang naka-duty na payagan siyang gumawa ng kape para sa kanila ni Juancho. “Please? Ako na ang bahala kay Tita Tenten.” Inilabas niya ang phone at nag-message bago ipakita iyon sa barista. “See?”

“Sige na nga, Miss Blair. Basta mag-iingat ka. Ano pa pong kailangan n’yo?” tanong ni Ian, ang barista ng Tenth Café.

Napaisip siya. “May na-deliver na bang food like pasta, lasagna, or anything?”

“Meron po kagabi. Lahat po ng nabanggit n’yo meron,” ngumiti ito. “Kuha ko po ba kayo?”

Blair nodded and faced the coffee machine. “Yup. Also, slice some vanilla almond cake. Nakita ko sa istante. Two slices.”

Iniwan siya ni Ian at nagsimula siyang gumawa ng inumin nila ni Juancho. To be safe, hot mocha na lang ang ginawa ni Blair dahil iyon naman ang madalas niyang iniinom at ginagawa. Hindi siya pamilyar sa ibang flavor at ayaw niyang mag-risk.

“Miss Blair, okay na po ‘tong mga pagkain. Dadalhin ko na po ba sa table?” tanong ni Ian.

“Yup. Thank you!” Blair widely smiled.

Mula sa counter, pinagmasdan niya si Juancho na seryosong nakatingin sa kung saan bago nilingon si Ian at nginitian ito. Hinanap siya nito, kaya kaagad siyang yumuko.

“Si Blair?” tanong ni Juancho sa lalaking nagdala ng pagkain sa table nila. “Ano’ng ginagawa niya?”

“Gumagawa po ng drinks n’yo, sir. Is there anything else po? Bottled water?” tanong ng waiter.

Umiling si Juancho. “Nope. I’m all good. Ako na ang bahala.”

Ibinalik niya ang tingin kay Blair na nakikipag-usap sa babaeng nasa counter. Mukhang close naman ang dalawa dahil nagtatawanan pa. Ibinalik niya rin ang tingin sa mga nakahain sa harapan niya dahil sa daming pagkain.

“Hi.” Hawak ni Blair ang dalawang cup. “I made a hot mocha. Okay lang sa ‘yo? If you want anyth—”

“Blair, everything’s good.”

Naupo na si Blair. Siya na mismo ang nagbukas ng mga pagkaing nasa harapan nila. Sinabi rin niyang nag-message siya kay Joe at nabanggit na si Juancho ang nagbayad ng pagkain nila. This time, she really insisted on paying him, and he finally agreed.

They quietly ate breakfast. Lumiwanag na at pareho silang nakatingin sa labas dahil nagiging busy na ang daan. It was almost six, and the streets were already full of cars and people rushing to work.

Inaantok na rin si Blair, pero hindi siya nagpahalata. Nilingon niya si Juancho na humikab, pero halata ang pagpipigil. Naawa naman siya dahil buong magdamag nga itong naghintay sa kaniya.

“Juancho, you can go home. I’ll take it from here,” Blair forced a smile. “Tatlong kanta lang ang pakiusap at hindi tayo dapat aabot ng umaga. I’m really sorry for the inco—”

“You don’t have to apologize, really.” Juancho chuckled in his deepest voice and Blair was a little shocked. Hindi na rin nito pinigilan ang paghikab. “To be honest, inaantok na rin talaga ako, pero ihahatid na muna kita. I insist.”

Hindi sumagot si Blair, ngunit nanatili siyang nakatingin kay Juancho na kaagad umiwas ng tingin sa kaniya. Uminom ito mula sa basong tubig na hawak at komportableng sumandal sa sofang inuupuan.

Sa unang pagkakataon, naobserbahan niya si Juancho. Wala naman silang pagkakataon noon na magkausap. Oo, magkakilala sila, pero hindi sa paraang mag-uusap. Magtatanguan kapag nagkasalubong, ganoon lang.

Isa-isa niyang tiningnan ang mga tattoo nito sa braso. May agila, may dragon, may mandala, bungo, at kung ano-ano pa. Napakaangas ng arm sleeve tattoo na iba-iba ang disenyo.

“Masakit ba?”

Nagtakha si Juancho sa tanong ni Blair. Sinundan niya ang mga mata nito at nakatitig sa kaliwang braso niya.

“Tattoo? Oo, pero sanay na ako,” sagot ni Juancho.

“Gusto kong magpa-tattoo, pero…” Huminto si Blair at nag-cross arms. “Takot ako sa karayom.”

Nakagat ni Juancho ang ibabang labi at pinigilan ang sariling ngumiti, ngunit nahuli pa rin iyon ni Blair na sumama ang tingin. Ang masamang tingin ay napalitan ng nakalolokong ngiti hanggang sa bigla na lang itong humalakhak.

“Ilang beses akong nag-try. Alam mo naman na lahat ng pinsan ko ay may tattoo. Kami lang yata ni Clair ang wala, eh. Hindi ko talaga kaya,” natatawang umiling si Blair.

Juancho warmly smiled without saying a word and was just listening to Blair, who was talking about some tattoo she wanted to have, but couldn’t.

“Gusto ko rin talagang magka-tattoo, ang astig kaya!” Ngumuso si Blair. “Kaso ayun, baka himatayin kaagad ako.”

“Marami namang fake tattoo,” suhestiyon ni Juancho. “Tumatagal din naman iyon. Or henna, if you’re into it. At least puwede mo siyang palitan just in case na nagsawa ka na.”

Napaisip si Blair at sandaling tumingin sa kisame ng café na puno ng ilaw na nagbibigay ng buhay sa lugar. Ngumiti siya nang muling magtama ang mga mata nila ni Juancho.

“May point naman. Mabilis pa naman akong magsawa.” Kinagat niya ang ibabang labi. “Tara na nga para makatulog ka na rin. May gusto ka bang baunin galing dito sa café? It’s on me.”

“Hindi na.” Tumayo si Juancho at kinuha ang iced americano na binili niya para sa panlaban sa antok. “Okay na ‘ko rito. Hindi rin naman ako kumakain ng breakfast.”

Bago tuluyang lumabas ng café at sumunod kay Juancho, nagpaalam muna si Blair sa mga staff at nagpasalamat sa pagtulong sa kaniya. Kumuha rin siya ng cookie sa counter para kainin habang nasa daan sila pauwi.

At habang binabaybay nila ang daan, tuluyan nang lumiwanag. Nang huminto sila sa red light, muli niyang nilingon si Juancho. Seryoso itong nakatingin daan, hawak ng kanang kamay ang manibela, at nakapatong ang kaliwang siko sa gilid ng bintana.

Medyo lumalabas ang muscles sa arms. Medyo hot.

Blair subtly shook her head and looked to the other side. Medyo malapit na sila sa condo niya dahil mula sa kinaroroonan nila, natatanaw niya ang mataas na parte ng building.

“Juancho.”

Tumingin naman kaagad si Juancho kay Blair na sinuklay ang sariling buhok. Doon lang niya napansin na suot pa rin pala nito ang hoodie niya.

“Thank you ulit.”

“Wala ‘yon. Tawag ka lang if ever kailangan n’yo ulit,” tipid niyang sagot.

Humugot ng malalim na paghinga si Blair at umiling. “Mukhang matatagalan din naman na may gig. Nagsabi na rin sa ‘kin ‘yung dalawa na huli na muna ‘to dahil marami silang commitments sa mga susunod pa. So… ayon. But I hope we can hang out again next time. I had fun.”

“Sure. Just let me know,” Juancho said with a smile before focusing on the road again.

Maliwanag na maliwanag na rin at paghinto ng sasakyan sa harapan ng condo building, tinanggal ni Blair ang seatbelt nang ma-realize na suot pa rin niya ang hoodie ni Juancho. Akmang tatanggalin niya iyon nang pigilan siya nito.

“Ibalik mo na lang sa susunod,” ani Juancho at tumango. Humikab ito. “Sige na, matulog ka na ulit. Good morning, Blair.”

“Sure ka?” Blair asked. “Thank you ulit and good morning, Juancho.” She gave him a salute.

Juancho chuckled and nodded.

Maingat na isinara ni Blair ang pinto ng sasakyan at hindi umalis sa kinatatayuan hanggang sa mawala sa paningin niya ang sasakyan ni Juancho. Tumingala siya at sandaling tiningnan ang kalangitan. Maingay na rin ang kapaligiran dahil sa dami ng sasakyan at matutulog pa lang siya.

Habang nasa elevator, nakatitig siya sa sarili niya at tinawanan ang sarili dahil sa suot niya. It was a dark gray hoodie without a print but with huge front pockets.

Inilabas niya mula roon ang cookie na nakuha niya sa café dahil ibibigay niya iyon kay Clair. Malamang gising na rin iyon at naghahanda na para sa pagpasok sa school dahil morning classes ang mga kinuha na never niyang nagawa noon.

“Sabi na, gising ka na, eh,” ngumiti si Blair pagbukas ng pinto at naabutan ang kakambal niyang nagluluto ng almusal. “Good morning, Clair-bear.”

“Kakauwi mo lang talaga?” Niyakap siya ni Clair na kaagad humiwalay at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. “This isn’t Jericho’s scent. This is manlier. Kanino ‘to?”

Ibinigay niya ang cookie kay Clair. “Kay Juancho.”

“Wait. Magkasama kayo buong gabi?” gulat na tanong ni Clair. “Ito ba ‘yung sa dare?”

Mabagal na tumango si Blair at hinubad ang hoodie. “Yup. Tumugtog kami last night, tapos sinimulan ko na ‘yung dare by… by pretending to sleep kaya nasa kotse lang niya kami the entire night, and we went to Tita Tenten’s café.”

Nakita ni Blair kung paanong nalungkot ang mukha ni Clair bago muling hinarap ang niluluto. Naamoy niya ang garlic at nakita ang kanin, itlog, at kumulong tubig para sa instant noodles.

“Ayoko talaga ‘yang ginagawa n’yo lalo ‘pag may ibang taong involved,” malungkot na sambit ni Clair. “Blair, please, ha? Don’t break his heart.”

“Hindi. For sure naman hindi kami aabot doon. We’re just gonna go out for three months, and we can still become friends after that. He’s nice,” Blair smiled. “Medyo close naman siya kina Hera, kaya we’ll have reasons to bond.”

Tumingin si Clair sa kaniya. “Pero ikaw, iniiwasan mo na siya since high school. Baka magtakha siya kung bakit all of a sudden, nagkakasama kayo, ‘di ba? Kung ano man ‘yan, sana hindi ka makasakit, Blair. You know na crush ka niya.”

Natawa siya at mahinang kinurot ang pisngi ng kakambal. “That’s so high school! For sure, hindi na ngayon. People move on and ilang taon na tayo ngayon?” Natawa siya. “Susunduin ka ba ni Leon?”

Clair nodded with a bright smile. “Here siya mag-breakfast, I hope that’s okay with you?”

“Of course,” Blair giggled and scrunched her nose. “Enjoy, Clair-bear. Maliligo lang muna ako.”

“Yup. Yes, please po. Amoy cigarette ka,” naningkit ang mga mata ni Clair.

Bago pumasok sa kuwarto, sumandal muna si Blair sa hamba ng pinto ng kuwarto niya at pinanood si Clair na nasa kusina ng condo nila. Masaya itong nagluluto ng almusal at natutuwa siya sa malaking pagbabago sa buhay ng kakambal niya.

“Clair!” Kinuha niya ang atensyon nito na kaagad tumingin at tumigil sa ginagawa. “Baka mag-sleep na ako mamaya at hindi ko na kayo maabutan ni Leon. Enjoy school, okay?”

Her twin sister smiled widely. “Will do! Sleep well!”

Pagpasok na pagpasok sa kwarto, kaagad na naghubad si Blair at dumiretso sa banyo para maligo. Wala naman siyang pasok sa opisina, kaya binalak lang niyang matulog nang maghapon. Nag-message rin siya sa parents niya dahil nangangumusta ang mga ito.

Blair was browsing her phone when she hummed out of nowhere. It was the song Juancho was playing in his car while she was “sleeping”. Sinasabayan pa nito ang kanta. Hindi niya alam ang title kaya kaagad niyang hinanap sa pamamagitan ng lyrics na naalala niya.

In the darkest night, I’ll search through the crowd, your face is all that I see, I’ll give you everything.

Hinanap ni Blair ang lyrics at pinakinggan muli iyon sa isang streaming application.

It was XO by John Mayer.

Isinuot ni Blair ang earphones at tumagilid ng higa. Nakatingin siya sa bintanang natatakpan ng madilim na blinds, ngunit mayroon pa ring kaunting liwanag. Pinakikinggan niya ang kanta habang unti-unting bumabagsak ang talukap ng mga mata niya.

Bago pa man tuluyang makatulog, nakatanggap ng message si Blair mula kay Juancho. Stolen shot iyon habang gumagawa ng inumin nila. Nakangiti siya roon na nakikipag-usap sa isa pang barista.

She had no idea it was taken.

J Azienda
<Sent a photo>
Good morning, Blair.
Matulog ka na ulit.
Thank you for inviting me.

 

Blair Laurent
Thank you ulit.
Hang out again soon?

J Azienda
Sure ka? Okay. 😇

 

 

T H E X W H Y S