Skip to content

When She Craved for Sire – Chapter 5

Responses : 0

Ilang araw nang hindi mapakali si Klaudine dahil sa isusuot sa interview niya sa Metrovilla. Ilang beses pa niyang tinawagan si Harriet na nasa Singapore kasama si Ford para lang magtanong kung maayos na ba ang suot niya. Kulay peach na blouse na may kaunting ruffles sa braso at slacks lang naman ang napili niya. Pinarisan na lang niya iyon ng itim na flat shoes, tinalian na rin niya ang buhok para walang nakaharang sa mukha, at naglagay ng kaunting lip tint.

Hindi naman ito ang unang interview ni Klaudine, maraming beses na siyang nag-apply sa iba, ngunit iba ang kabang nararamdaman niya lalo na at kilala na niya ang may-ari ng nasabing kumpanya. Ayaw naman niyang magmukhang tanga o mapahiya si Harriet sa pag-recommend sa kaniya.

Inaayos ni Klau ang mga requirement nang makatanggap ng text mula kay Richie na nasa labas na ito. Nag-volunteer itong ihatid siya sa interview kahit na ilang beses na siyang tumanggi. Simula rin naman kasi nang lumabas sila noong isang linggo, napadadalas na rin ang pag-uusap nila sa messages.

Naabutan niyang nakasandal ito sa sasakyan habang nakayuko sa phone. Nang marinig ni Richie na sumara ang pinto niya, nag-angat ito ng tingin. May munting ngiti na sumilay sa labi nito. He owned a black Honda Civic with red linings.

“Tara na?” tanong nito na binuksan pa ang pinto ng passenger’s side. “Hindi naman rush hour kaya hindi naman tayo mata-traffic. Mabuti na lang din, hapon ang napili ninyong interview.”

“Oo nga, e.” Pumasok si Klaudine sa sasakyan at sinundan ng tingin si Richie na umikot papunta sa driver’s seat. Napansin din niyang nawala na ang matapang na amoy ng sasakayan nito dahil noong nakaraang galing sila sa mall, nakaramdam siya ng hilo dahil sa car freshener na gamit nito.

Richie smiled at her when he entered the car. “Tinanggal ko ‘yung freshener para hindi na maulit last time.” He turned on the engine and started driving. “Nag-research din ako ng puwedeng alternative, nakita ko na may mga alternative naman na walang amoy kaya ‘yun na lang binili ko.”

Klaudine gazed at Richie and faintly smiled. She felt embarrassed that he had to adjust because of her allergies. “Hindi mo naman kailangang gawin ‘yun. Puwede naman akong mag-adjust. Mag-cover na lang ako ng ilong.”

“Mas madaling ako na ang mag-adjust.” Nakahawak ang kanang kamay ni Richie sa manibela habang ang kaliwa ay sa kambyo ng sasakyan. “Kumain ka na ba? Gusto mo bang dumaan muna tayo sa drive thru?”

Klaudine immediately shook her head. “Uy, hindi na. Katatapos ko lang din kasing kumain, e. Ikaw, baka nagugutom ka? Puwede naman tayong dumaan. Maaga pa naman. Ala-una pa lang naman, four pa naman ang interview ko.”

“Kumain na rin ako, ikaw lang iniisip ko.” Ngumiti si Richie at binuksan ang stereo ng sasakyan, pareho na rin silang natahimik.

Tumingin si Klaudine sa daanan, medyo may kalayuan ang office ng Metrovilla mula sa apartment niya. Tiningnan niya sa Google kung gaano kalayo, posible na abutin siya ng hanggang dalawang oras bago makarating sa opisina kung magko-commute siya. Jeep mula sa apartment papunta sa MRT na dadaan ng siyam na istasyon bago makarating sa pinakamalapit na lugar. Pagbaba sa nasabing station, sasakay pa siya ng FX bago makarating sa mismong building ng Metrovilla.

Hindi napansin ni Klaudine na halos lumilipad na ang isip niya nang marinig ang tugtugan ni Richie sa sasakyan. Medyo masakit sa tainga, puro rap, at hindi niya maintindihan ang sinasabi dahil masyadong mabilis mga salita. Parang mga pang-party song ang mga iyon na hindi niya gusto lalo na at hindi siya sanay sa mga ganoong tipo ng mga salita. Nakararamdam siya ng pagkaasiwa, pero ayaw niyang husgahan si Richie base sa kantang pinakikinggan nito.

“Ayaw mo ba ng mga kanta?” Tumingin si Richie sa kaniya at kaagad na pinatay ang speaker ng sasakyan. “Sorry, that was my playlist.”

“Okay lang, ano ka ba? Sasakyan mo ‘to, you can listen to anything you want. Mga old music kasi ang gusto ko, nakasanayan ko ‘yun sa mga magulang ko. Pero hindi mo naman kailangang mag-adjust. Ako lang naman ang nakikisakay.”

Richie smiled at her. “No worries, wala pa kasi akong playlist na ganoon so let’s just talk. Mas gusto ko pa ‘yun.” Nagpatuloy lang ito sa pagmamaneho habang nagkukuwento na pinakikinggan naman ni Klaudine. Panay na rin ang tawa niya sa mga sinasabi nito. Nagsimula rin itong magkuwento tungkol sa mga pangarap after college. “Kaya ayun, after ng college, magda-draft ako sa PBA. Sana makuha.”

“Ang alam ko nga, may mga gusto nang kumuha sa inyo ni Ford, tama ba ako? Kasi parang nag-sign ka last month, nakita ko lang sa credentials mo noong nag-aayos ako ng papeles sa department ninyo,” depensa ni Klaudine dahil baka isipin nitong stalker siya na ang totoo, nakita lang niya noong inaayos niya ang grades ng mga varsity. “Hindi mo naman kailangan mag-effort, sila na lalapit sa ‘yo.”

“Pero mamimili ako, medyo hindi kasi maganda ang offer ng iba. May isang team, gusto nila na mag-drop na ako sa varsity para mag-draft.” Umiling-iling si Richie bago bumuntonghininga. “Gusto kong makatapos muna ng college bago mag-draft. Baka kasi mapabayaan ko na pag-aaral ko, e.”

Napangiti si Klaudine sa sinabi ni Richie. Tama ito at gusto niya ang prinsipyo nito sa buhay. Gusto niyang naging priority nito ang pag-aaral kahit na alam niyang malaki rin ang offer dito ng kahit sinong team para sa professional league.

Inabot sila nang isang oras bago nakarating sa opisina ng Metrovilla. Dumiretso sila sa open parking ng nasabing building.

Hinarap ni Klau si Richie. “Puwede ka namang sumama sa akin sa loob kung gusto mo lang naman?”

“Oo ba.” Ngumiti si Richie at pinatay ang makina ng sasakyan. Sabay silang bumaba at naglakad kaagad ito sa tabi niya. “Kinakabahan ka ba?”

“Oo, e.” Tiningala niya ang lalaking katabi. “Hindi naman ako kinakabahan sa ibang interview, pero ngayon . . . parang biglang gusto kong may mapatunayan. Siguro kasi, nahihiya rin ako kay Harri lalo na at company nila ‘to. Parang ayaw kong mapahiya si Harri sa pag-endorse niya sa akin.”

Richie’s facial expression softened and he slightly leaned down to face her fully. “Kaya mo ‘yan. Ikaw pa ba? After ng interview mo, ano man ang result, kakain tayo ng pizza, okay? Tanggap ka man o hindi, we’ll celebrate. Ayos ba ‘yun?”

Klaudine nodded and smiled. They walked side by side while talking about the flavors of pizza they wanted. Richie even suggested that they try a make-your-own pizza to enjoy the experience fully.

Kahit sandali, nabawasan ang kabang nararamdaman ni Klaudine dahil sa topic nila ni Richie. Nagpapasalamat siya sa binata dahil kahit papaano, nagkaroon siya ng confidence at nawala at panginginig ng kamay na kanina pa niya pinipigilan. Panay na rin ang patunog niya ng daliri hanggang sa huminto sila sa mismong tapat ng building na puro glass walls kaya kita ang nasa loob.

Mula sa labas, makikita ang mga furniture na naka-display at parang may showroom pa sa loob. May mga taong nagtitingin-tingin, nag-iikot, at may mga bagong paparating. No wonder malaking company ang Metrovilla. Mahahalata sa pumapasok na galing ang mga ito sa mayayamang lugar lalo na at nang tingnan ni Klaudine sa internet, mamahalin ang ibinebenta rito.

Upon entering, the smell of new furniture invaded Klau’s nostrils. It wasn’t overpowering, but the smell was there. The entire floor was a showroom—different furniture such as wooden sofa, cabinets, tables, chairs, and art displays. Every item screamed luxury and elegance. Some were black, and some were even lined with gold.

“Yes, ma’am?” Nakangiti ang babaeng naka-formal attire at may pangalang Lory sa badge nito. “Are you looking for some chairs or sofa?”

“No, ma’am,” Klaudine smiled to hide the nervousness. “I actually have a job interview with Mr. Avila.”

Kaagad itong ngumiti at iginiya sila papunta sa elevator. Nakasunod sa kanila si Richie at nang makapasok sa loob, pinindot ng babae ang third floor. Inoobserbahan ni Klaudine ang babaeng kasama. Malamang na ganoon din ang magiging suot niya kung sakaling makapasok siya sa Metrovilla.

Malamang na pormal din, pero bigla siyang nailang lalo na at matangkad ito at maganda ang mukha. Mukhang isang requirement dahil iyon ang napansin niya pagpasok nila dahil mukhang mga modelo ang mga nag-iikot at kumakausap sa mga kliyente.

“Sir, you can stay here.” Itinuro ng babaeng kasama nila kay Richie ang waiting area na may magarang kulay puting sofa. Ibinalik nito ang tingin sa kaniya. “Let’s go?”

Klaudine followed the woman while observing the entire third floor. Employees were walking around, carrying papers, talking with co-workers, and some were making coffee. There were cubicles for each employee, rooms for some private offices, and a huge, open cafeteria with vending machines.

They both stopped in front of the corner office. A woman around her forties stood up when Lory said something about her before leaving. Kaagad itong tumingin sa kaniya at ngumiti. Maamo ang mukha nito na parang hindi man lang sumisigaw. Naningkit pa ang mga mata nito nang ngumiti at bahagyang inayos ang buhok na naka-ponytail nang mahigpit.

“Good afternoon, Miss Gamboa.” Nakipagkamay ito at nagpakilala. “I’m Girta, secretary of Mr. Avila. Puwede ka nang pumasok sa loob para sa interview.”

Bahagyang tumango si Klaudine at nilampasan si Girta. Panay na rin ang buntonghinga niya para lang mailabas ang kaba bago buksan ang pintuang kulay itim na may pangalan ng daddy ni Harriet. Hawak niya sa kanang kamay ang envelope ng mga papeles na posibleng hingin sa kaniya.

Pagbukas na pagbukas ng pinto, kaagad niyang naamoy ang pamilyar na pabango nito. Hindi matapang, hindi masakit sa ilong, at parang matagal nang kumapit iyon sa bawat sulok ng opisina.

Naabutan niya ang lalaking nakatayo ngunit nakayuko at parang may binabasa sa lamesa. Hindi niya alam kung paano kukuhanin ang atensyon nito nang mag-angat ng tingin at ngumiti.

“Good afternoon, Klaudine.” Naglakad ito palapit sa kaniya at inilahad ang kamay. “Welcome to Metrovilla.”

“Good afternoon din po.” Sinalubong niya ang tingin nito sa kaniya. “Thank you po ulit sa opportunity na ma-interview po ako. Maraming salamat po talaga.”

The man gave her a subtle nod and smiled. “It’s nothing. Come.” Iginiya siya nito papunta sa lamesa at itinuro ang visitor’s chair sa harapan nito. “Upo ka. Can I have your resume?”

Nang tuluyang makaupo, inilabas ni Klaudine ang resume na inihanda niya mula sa folder na nasa loob ng envelope at iniabot iyon sa lalaking nasa harapan. Hindi ito mukhang intimidating, wala itong bahid ng pagiging mayabang o mataas. Kapag tumitingin ito sa kaniya, nakangiti pa kaya naman hindi rin niya maiwasang hindi ngumiti kahit na ninenerbyos na siya.

“Ang . . . dami mo nang naging trabaho,” nakayukong sabi ni Henry habang nakatingin sa resume niya. “Why? Tell me something about yourself na hindi ko mababasa rito sa resume mo . . . kung bakit kailangan mo ng summer job.” Nag-angat ito ng tingin, magkasalubong pa ang dalawang kilay at tumingin sa kaniya.

“Bukod po kasi sa scholarship and allowances na natatanggap ko sa Metrovilla, sa kaunting salary ko bilang student assistant, kailangan ko pong magtrabaho para din po may maipadala sa family ko sa probinsya. Kailangan ko rin po kasi ng pang araw-araw kaya sa totoo lang po,” Klaudine smiled to hide the nervousness while playing with her fingers, “malaki po ang naitulong talaga sa akin ng academic commissions na nakukuha ko lalo kay Harri.”

Henry stared at Klaudine intently without saying anything. He was observing her . . . how the girl struggled to hide her obvious nervousness by looking down, biting the side of her lower lip, fixing her hair behind the ear, and even subtly pinching the side of her palm.

It wasn’t his intention to observe, but he couldn’t help but stare at the girl. There was something about how Klaudine moved, the way she spoke, and how she talked about her personal life.

“Huwag po sana kayong magagalit kay Harri tungkol sa academics niya. Malaki po ang naitutulong sa akin ng mga pinapagawa ni Harriet, pasensya na po kung nagiging makasarili ako.” Lumunok si Klau nang maramdaman na parang may nakabara sa lalamunan niya dahil sa nerbyos lalo na at titig na titig ito sa kaniya. “Sir, to be honest, kahit anong trabaho po, tatanggapin ko. Kahit mag-janitress po ako, pandagdag na rin naman po ‘yun sa credentials ko and sa savings ko.”

Natahimik si Henry, nagpatuloy lang siya sa pakikinig. Magkasaklop na rin ang sariling kamay niya habang tinititigan ang babaeng kaharap.

“All around naman po ako, sir, hindi po ako namimili ng work. Sa university po, kahit anong work po ang ginagawa ko. Pumapasok din po ako sa gabi sa isang fast-food chain malapit sa school, bukod po sa mga academic commission ko.” Tipid na ngumiti si Klaudine nang magtama ang mga mata nila. “Kung hindi naman po ako tanggap, ayos lang din po.”

Henry didn’t say anything. He started reading Klaudine’s resume. At the age of twenty, Klaudine already had a list of employment. She became a BPO employee, a saleslady for a huge clothing brand, and worked the night shift at a fast-food chain.

As much as he could, Henry avoided eye contact. Ayaw niyang makita nitong nag-iisip siya at baka ma-misinterpret na naaawa siya, when in reality, he was admiring her for being a hard worker at a very young age. Ayaw man niyang i-compare, pero sobrang layo nito sa anak niya. Whatever Harriet wanted, he would give it to his daughter, no questions asked . . . while this girl in front of him had to work hard to get what she needed.

“Very commendable,” bulong ni Henry. “So, ilan ang trabaho mo ngayon?”

“Bukod po sa university, isa lang po . . . ‘yung pagiging crew ko lang po. Kaya naghahanap po ako ng pang-extra na rin po since medyo marami akong time lalo po na wala namang magpapagawa ng academic commissions,” nakangiting sagot ni Klaudine.

Henry nodded. “What if you give up the night shift job and just focus here at Metrovilla?” he asked. “You can work based on your preferred time, even at home if hindi naman kailangan na nandito ka sa office? Kung magkano ang salary mo sa pagiging crew, idadagdag natin sa base salary mo rito sa office. How’s that sound?”

Confused, Klaudine didn’t say anything. She was just staring at the man in front who was seriously looking at her as if waiting for an answer. Para na siyang napako sa kinauupan, hindi rin alam kung ano ang sasabihin.

“Okay, ganito, above average ang pay grade ng mga employees dito sa Metrovilla depende rin sa job description. We’re fair and I made sure of that. Ayaw ko rin na pumapasok lang ang mga empleyado ko para magtrabaho, I want them to enjoy their job. Hindi naman ako mahigpit na boss. Kung wala ng trabaho, puwede nang umuwi. Against ako sa overtime ‘cos I value work-life balance,” seryosong sambit nito nang hindi inaalis ang tingin sa kaniya.

Klaudine smiled and felt at ease. “Ang suwerte naman po ng employees ninyo.”

“Ako ang masuwerte sa kanila dahil kung hindi sila nagtatrabaho nang maayos, kung hindi sila masaya sa ginagawa nila, hindi rin naman magiging successful ang Metrovilla. It’s a give and take process.” Nagbago ang ekspresyon ng mukha nito lalo nang ngumiti. Nawala lalo ang kaba ni Klaudine dahil nakagagaan iyon ng pakiramdam sa pagkakasabi nito.

Hindi nagsalita si Klaudine.

“So, since you’re a student, I want to offer a job that won’t take too much time. Aside from that, you’ll also benefit from it since you’ll learn about businesses, office works, and it’s not too physical. You can focus on your studies. Kahit na hindi na summer, puwede mo pa ring ituloy ang trabaho mo rito.” Huminga nang malalim si Henry. “You will be helping Girta, my secretary. Ikaw ang magiging kanang kamay niya. You will work directly to her or me. How’s that sound? May mga task na puwedeng hindi ka na pumunta sa office, pero may mga task din kailangan mong pumunta sa factories.”

Klaudine was listening, trying to grasp every piece of information from Henry. She was intently staring at the man talking about the business, how the company worked, and everything about the job.

“You won’t have to work two jobs to sustain your needs since your pay grade will include allowances na hindi kasama sa base salary mo. Clothing, transportation, and food allowances. Puwede rin nating lakarin na sagutin ng company ang apartment mo, possible na full or half,” dagdag pa nito. “Just think about it, hindi kita pipilitin. But if you’re interested, then you’re hired.”

Klaudine gulped upon hearing the last words from the man. She tried to process every word especially upon hearing about the allowances. Parang kahit hindi iyon ganoon kalaki, malaki ang maitutulong noon. Makadadagdag iyon sa savings at sa ipadadala sa pamilya niya.

“Kung qualified po ako sa work, hindi na po ako aarte, sir. I will accept the job without thinking twice. Hindi po ako mangangako na magiging magaling kaagad ako, pero pagtatrabahuhan ko po nang maayos lahat at pag-aaralan ko po ‘yung mga hindi pa ako pamilyar. Kung bibigyan n’yo po ako ng opportunity, tatanggapin ko po.” Klaudine smiled, gone the nervousness because the man in front made her feel at ease.

Henry slightly nodded and smiled. “Then see you tomorrow, Klaudine.”

Loading spinner
Responses (0)
cancel