Skip to content

The Heiress: Laureen Juliana – Chapter 4

“Ate?” Kumatok si Julien sa kuwarto ni Laureen. “Nasa labas na sila. Kakain na raw.”

Bumangon si Laureen at binuksan ang pinto. “Susunod ako. I’m in a call.”

Tumango si Julien at tinalikuran siya. Isinara ni Laureen ang pinto ng kuwarto at bumalik sa kama para muling harapan ang laptop niya dahil naka-videocall sila ni Aston. Halos isang oras na rin at nagkukuwentuhan lang sila tungkol sa biyahe niya papuntang Baler.

“We’ll eat lunch na raw,” sabi niya habang nakatingin kay Aston na nasa opisina. “May meeting ka rin naman in an hour, ‘di ba? You should prepare na rin. If you’re not busy, punta ka here? I’ll stay here for a week.”

Nakita ni Laureen ang pagsuklay ni Aston sa sariling buhok gamit ang sariling daliri at saka ngumiti. “I can’t, Love. Full ang calendar ko this week. Babawi na lang ako sa susunod o pupunta na lang ako sa Baesa. I’ll finish my job as soon as I can to see you.”

“No worri—” Huminto si Laureen nang muli siyang makarinig ng boses. “Love, I’ll call you later, ha? Tinatawag na nila ako.”

“Sure, love. Enjoy your day with your family,” sabi ni Aston. “I love you. See you soon.”

“I love you.” Kumaway si Laureen at ngumiti bago nila sabay na pinatay ang tawag.

Sandaling humarap si Laureen sa salamin para tingnan ang itsura niya. Inayos lang niya ang pagkakaipit ng buhok niya bago lumabas at mula sa pinto, narinig kaagad niya ang boses ni Amira, ang best friend ng mommy niya, na isa sa nagpalaki rin sa kaniya.

Upon seeing each other, Amira immediately ran towards Laureen for a hug. They hugged tightly while everyone looked at them. Alam ng mga kasama nila na si Laureen ang unang anak na babae ni Amira.

“I miss you so much,” Amira whispered while hugging Laureen. “Buti naman naisipan mong umuwi! Napaka-busy mo and it’s annoying! I miss my first daughter.”

“I miss you more, tita ko!” Laureen pulled away. “Damn, girl. No changes at all? Mukha ka pa ring bagets na bagets! Parang mas mukha pa akong matanda sa inyo ni Mommy, e!”

Nagtawanan silang lahat nang hampasin ni Amira si Laureen sa braso. “You know I love you. Hindi mo naman ako kailangang bolahin, but I do agree that me and your mom looks good pa rin. We love walking kaya every morning since hindi na kami masyadong makapag-jog.”

Sabay na naglakad sina Amira at Laureen papunta sa mahabang lamesa na mayroong mga pagkain. Natulala si Laureen dahil na-miss niya iyon. Puro hipon, seashells, crabs, inihaw na bangus, at mga nilagang gulay. May mga bagoong, alamang, toyo at calamansi, at maraming kanin.

Tulad noon, naupo si Laureen sa gitna nina Atlas at Laurel. Natatawa ang mga ito sa sinasabi ni Amira dahil naiinis itong hindi na raw siya madalas na umuuwi sa Baler. Nagtatampo ito na hindi na sila nagkakaroon ng sleepover at hindi na sila nakakapagkuwentuhan.

May katotohanan naman iyon dahil bilang na bilang ang araw na umuwi siya sa lugar. Mas napapadalas na rin kasi ang pagkikita nila ng mga magulang niya sa Manila o hindi naman kaya ay sa Baesa kapag naiisipan ng mga itong bumisita.

Amira became a huge part of Laureen’s life. Growing up, si Amira ang nagturo sa kaniyang mag-ayos tulad ng makeup at sa hairstyling. Kay Amira niya natutuhan kung paano maglagay ng fake lashes at kung ano ang dapat na kulay ng buhok niya base sa skin tone niya.

Laureen remembered that during her teenage years, she almost suffered breaking out due to sun exposure. Tinuruan siya ni Amira ng tamang skincare dahil hindi naman maalam ang mommy niya tungkol doon. Si Amira din ang nagturo sa kaniya kung paano manamit nang maayos lalo noong mga panahong aalis na siya papuntang Paris para mag-aral.

Malaki ang parte ni Amira sa buhay niya dahil ito ang nagturo sa kaniya kung paano aalagaan ang sarili physically. Napakaraming tips, pero ipinagpapasalamat niya iyon.

“Nagpakuha ako ng leche flan for you.” Ngumiti si Amira at ibinaba ang isang llanera sa harapan ni Laureen. “Pumapayat ka. You should eat more!”

“I’m not payat!” pagmamaktol ni Laureen. “I’m fit, Tita. Nag-lose talaga ako ng fats ‘cos I wanna be leaner.”

Umirap si Amira at saka ibinaba sa harapan niya ang tutong na paborito niyang kinakain noon. Ibinigay naman ng mommy niya sa kaniya ang isang foil ng inihaw na bangus dahil alam nito na sa kaniya lang iyon. Nilingon naman niya ang daddy niya na nagsisimulang magbalat ng hipon. Sigurado siyang para iyon sa kaniya dahil ganoon naman palagi.

Everyone knew that Laureen loved seafoods so much, pero tamad magbalat kaya si Atlas ang gumagawa niyon.

Koa used to do it, especially with crabs, but it was different now.

“Princess treatment pa rin!” sabi ni Julien na nagbabalat naman ng hipon para kina Asia at Lucien. “Tanda mo na, Ate, hindi ka pa rin marunong.”

Nang-aasar na ngumiti si Laureen at dumila. “Marunong ako, ayaw ko lang.” Inihiga niya ang ulo sa balikat ni Atlas. “Thank you, Daddy ko!”

Atlas smiled and used his right cheek to caress Laureen’s head. “No problem. Kahit araw-araw pa.”

“For sure na hangga’t hindi ka nag-aasawa, ganiyan ang gagawin ng daddy mo,” sabi ni Laurel kay Laureen. “And I think even though you’re married, he’ll still do that.”

Nagsimulang magbiruan ang lahat habang kumakain. Laureen missed the place, that was for sure, but she didn’t want to get used to this again. Hindi siya puwedeng masanay dahil baka magbago ang isip niya. Hindi niya puwedeng iwanan ang hacienda.

Pasimple niyang ipinalilibot ang tingin sa mga kasama niya sa lamesa. Magkatabi sina Amira at Jude na nakikipaglokohan sa mga magulang niya kaya naman tawa sila nang tawa. Sayang at wala sina Job at Patrick na nasa ibang bansa dahil nataong mayroong tour ang dalawa kaya hindi nakasama sa kanila.

Wala rin si Vaughn, ang nakatatanda niyang kapatid dahil hindi basta-basta makauuwi at maraming ginagawa sa Manila.

Everyone looked happy, and Laureen felt contented. Her heart was glad for everyone, that was for sure.

Sinusubuan ni Koa si Gali ng kanin na kumakain naman ng manggang hinog. Natatawa si Laureen dahil naalala niya ang mga panahong nag-aalaga silang dalawa ng mga kapatid nila dahil may-edad na silang dalawa noon at nauutusan na. Ngayon naman, busy na si Koa na mag-alaga ng sariling anak.

Julien was also busy with Lucien while Asia talked to Jude about surfing.

“Are you okay?” Laurel whispered when she noticed Laureen was quietly observing everyone.

“Yes, Mom.” Laureen smiled. “Natutuwa lang po ako now. I’ve been eating alone since I can remember, and sa office lang ako or a room, and it feels nice to eat like this again. Thank you for the lunch, Mom.”

Her mom warmly smiled and started talking about their childhood.

Kung tutuusin, masaya naman ang naging buhay niya sa Baler. Naging choice lang talaga niyang umalis dahil gusto niyang mag-aral sa ibang bansa. Paris ang napili niyang lugar dahil na rin mayroong property roon ang mommy niya na inaasikaso ni Rohanna, ang half-sister ni Laurel.

Wala namang problema kay Laureen kung mag-aaral siya sa Pilipinas, pero mas pinili niya sa lugar na walang makakikilala sa kaniya. Hindi naman kasi sikreto sa publiko ang tungkol sa pamilya niya at sa unang pagkakataon, gusto niyang lumayo. Wala rin namang naging problema sa mga magulang niya dahil supportive ang mga ito sa naging desisyon niya.

It was the hardest, though. She had to leave the country, her family, her friends, and everything she was used to for a little freedom. Her parents had no idea about her real reasons. Sinabi lang niyang gusto niyang subukan, walang iba.

Pagkatapos mag-lunch, bumalik ang lahat sa kaniya-kaniyang ginagawa. Naiwan naman si Laureen sa labas ng bahay nila at inilabas ang laptop para tingnan kung mayroon ba siyang email, pero mukhang na-handle na iyon ni Hannah.

Anak ni Manang Tess si Hannah at naging matalik niya itong kaibigan simula pagkabata. Sa tuwing nasa Baesa sila, naging magkalaro silang dalawa hanggang sa makabalik siya sa hacienda para pamunuan ito. Si Hannah ang kinuha niyang secretary na umaayos sa lahat ng kailangan niya at si Hannah lang din ang pinagkakatiwalaan niya.

Kinahapunan, naisipan ni Laureen na mag-swimming. Hindi na tirik ang araw, pero mainit pa rin. Sakto rin naman na nagsu-swimming sina Julien, Lucien, at Asia. Nag-e-enjoy ang mga ito sa malakas na alon at mukhang na-miss ang Baler.

The two were surfers. Ang alam niya, nagsu-surf pa rin minsan, pero hindi na masyado dahil busy sa anak. Both used to compete, especially Asia who became a champion, but had to stop due to pregnancy.

Laureen chose to wear the usual two-piece swimsuit in black. Wala naman siyang balak lumayo. Gusto lang niyang magbabad sandali at magtampisaw sa tubig.

Nang makaahon, tumayo si Laureen sa tapat ng dalampasigan at pinanood si Asia na mag-surf habang nakalublob lang sina Julien at Lucien.

At habang pinanonood ito, may kaunting panghihinayang sa parte ni Laureen dahil siguro kung hindi ito maagang nagkaroon ng pamilya, lumalaban pa rin sa ibang bansa. Napag-usapan naman na puwede pa, but there were limitations . . . and Laureen felt bad. Asia could’ve done more.

Natutuwa siya dahil responsableng mga magulang sina Julien at Asia, pero hindi siya natuwa sa parteng marami sanang puwedeng magawa, pero iyon ang inuna. It was just her thinking.

“LJ?”

Lumingon siya at nakita si Mariam na papalapit sa kaniya. Suot pa nito ang uniform.

“Hello! Sorry, hindi kita ma-hug. Basa ako!” natutuwang sabi ni Laureen. “Kumusta ka na? It’s nice to see you!”

“Okay naman ako. Magluluto ako mamaya ng kakanin, ha? Sabi ni Koa, magtatagal ka raw mga one week kaya magluluto ulit ako bago ka umalis. Kumusta ka na? Ang tagal mo ring hindi nakauwi rito.”

“I’m okay naman! Medyo busy kasi talaga ako last time kaya hindi ako nakauwi. Uy, you don’t have to cook, ha? Itong si Koa! Nabanggit ko lang naman, nakakaloka! But hindi ako tatanggi. Your kakanin is still the best I’ve ever had,” pagmamalaki ni Laureen. “Oh, okay wait. Magpapaluto ako sa ‘yo ‘tapos dadalhin ko sa Baesa para matikman nila. No one can do it like you do!”

Nakagat ni Mariam ang ibabang labi at natawa. “Sige, ako’ng bahala. Dumaan lang talaga ako rito para mag-hi. Galing pa rin akong school, e. Kapag wala kang ginagawa, punta ka sa bahay, ha? Kuwentuhan tayo!”

“I would love to!” Tumango si Laureen. “Sige na. Baka Gali’s looking for you. I’ll hug you ‘pag hindi na ako basa. It’s nice seeing you!”

Nagpaalam sa kaniya si Mariam at habang papalayo ito sa kaniya, naisip niya na sobrang suwerte ni Koa dahil maalaga si Mariam at mabait. Napakalambing nito at napakasimple. Isa pa, saludo siya kay Mariam na pinili nito ang simpleng buhay dahil iyon ang hindi niya kaya para sa sarili.

Laureen wanted more and couldn’t just live simpler. Alam niya sa sariling marami siyang kayang gawin, marami siyang gustong makuha, at may mga bagay na inaasam pa para sa sarili niya.

Her thoughts got deeper when her mom called her. Ipinakita nito sa kaniya ang meryendang nakahanda. Nasa likuran nito si Luana, ang bunsong kapatid nila ni Julien. Kadarating lang nito pagkatapos ng lunch galing sa Manila dahil doon nagtatrabaho.

Luana was two years younger than Julien. Niloloko nga nila ang parents nila na humabol pa talaga. Tulad niya, career oriented si Luana at ito ang tumutulong sa pagma-manage ng real estate ng mga magulang nila sa Manila.

Lumapit siya sa dalawa. Isinuot niya ang oversized shirt at naupo sa reclined chair kaharap ang mommy at kapatid niya. Naupo naman si Luana sa lamesa at nagsimulang kumain ng melon.

“Ayaw kitang i-hug kasi basa ka.” Sumimangot si Luana, pero kaagad na ngumiti. “I miss you, Ate!”

“I miss you, too!” Humarap siya kina Julien, Asia, at Lucien na nasa beach pa rin. “Akala ko sasabay ka sa kanila. Hindi ka nakasabay sa lunch kanina.”

“Ang excited kaya ng mga ‘yan! Ang cute talaga nila kapag nasa beach.” Natawa si Luana. “Grabe, Lucien’s getting bigger na, Mommy! Hindi na rin shocking if that kid will be a surfer someday.”

Natawa ang mommy nila na nakatingin sa mag-anak. “Sabi ko nga sundan na nila, e. Nagkakaroon ako ng baby fever lately. Kung puwede nga lang na mag-baby ulit ako, ginawa ko na! Wala naman na kayo here.”

Nagkatingnan sina Laureen at Luana sa sinabi ng mommy nila. Pareho silang nangunot ang noo dahil sa sinabi ng mommy nila na mukhang hindi naman nagbibiro.

“Mom!” Luana’s mouth dropped open. “Sabihan mo na lang the panganay na girl na mag-baby na!”

“What the heck?” Laureen shook her head.

“What the heck ka riyan! You’re already thirty-one, and you’re in a relationship, naman! Why don’t you get married na?” sabi ni Luana. “Go get married na kaya!”

Umiling si Laureen at ininom ang juice na nasa lamesa. “Hindi pa siya part ng plans, okay? I still have to do things. Marriage isn’t part of my plans just yet.”

“And marriage isn’t something na dapat pinipilit n’yo dahil sa age. If you’re not ready, that’s okay! If you have more things to do, just do it,” sabi ng mommy nila habang nakatingin sa kanilang dalawa. “Just enjoy your life. Huwag n’yo lang pababayaan ang sarili n’yo. No one’s pressuring you both to be anything, okay?”

Luana and Laureen nodded simultaneously. Alam nilang magsisimula nang magtanong ang mommy nila. Kilala nila ito. Marami itong words of wisdom, pero palagi silang takot sa tanong.

“But . . .” Their mom paused. Ito na ‘yon. “What do you really want ba for yourself?”

Tahimik na nakatingin si Laureen sa mommy niya dahil diretso itong nakatitig sa kaniya. Si Luana sa gilid nito, nakangisi. Alam nitong siya ang iha-hotseat at mukhang makikinig ito sa sagot niya.

“How do you see yourself five to ten years from now?” tanong ng mommy niya. “Alam mo, you don’t have to answer that kasi. I hate that question as well, but ask yourself, LJ. That question will lead you somewhere you really want to be.”

Sandaling napaisip si Laureen sa tanong ng mommy niya.

“Ate, ano nga?” Luana raised her brow and chuckled. “Gusto ko marinig.”

“Why would I tell you? I don’t even know the answers yet,” Laureen said truthfully. “Aston’s still young.”

Luana laughed. “Kaya ba siya ang ginawa mong boyfriend, Ate, para matagal ka pang single?” she said then did the peace sign.

In response, Laureen rolled her eyes at Luana. Sakto namang lumabas ang daddy nila bitbit ang pakwan at manggang bagong hiwa.

“Bakit ba kayo nagmamadaling mag-asawa si LJ?” Hinalikan nito ang tuktok ng ulo niya kahit basa. “I’m not ready to walk down the aisle for LJ and Luana. Please, don’t get married yet.”

Naupo ang daddy niya sa tabi niya.

“Are you and Aston planning to get married soon?”

Marahas na umiling si Laureen. “Nope. We haven’t talked about that and won’t soon. We’re both busy, and yes, he’s still young, so it’s an advantage on my part na hindi siya nagmamadali.”

“I know Travis asked you before . . .” Sabi ng daddy niya. “Nagmamadali ba siya?”

Tumaas ang dalawang balikat ni Laureen.

“Siyempre, Dad! Inalok na nga si Ate, e,” sagot naman ni Luana. “The mayor needed his first lady kaso the lady is an heiress who doesn’t need someone.”


T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Subscribe
Notify of
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments