Skip to content

The Heiress: Laureen Juliana – Chapter 10

Habang binabaybay ang daan papunta sa Laurent Medical Center, tahimik na nakatingin si Laureen sa daan. Inoobserbahan niya ang siyudad. Maraming tao, traffic, at hindi natatahimik ang kalsada. Maraming tumatawid, maraming sasakyang nag-uunahan, at puro busina ang naririnig niya.

Aston already set an appointment. Na-send na rin sa mismong doctor ang hospitalizaton background ni Laureen kaya pagdating nila sa ospital, kaagad silang pinapunta sa X-ray room. Nasa VIP room na rin ang doctor na titingin kay Laureen para doon nila mapag-usapan ang mga kailangang gawin.

Ramdam pa rin ni Laureen ang sakit, pero hindi na katulad noong mga unang araw na halos hindi siya makagalaw. Pumayag na rin ang doctor na alisin na ang arm brace dahil naigagalaw naman na niya ang braso, pero may limitasyon pa rin sa paggalaw.

Nagbigay rin ito ng bagong pain reliever na hindi na kasinlakas noong una.

Umalis sila sa ospital na nakangiti si Laureen dahil kahit papaano, mas nakagagalaw na siya. Wala nang nakaiiritang arm brace, mas kaya na niyang kumilos at hindi na rin siya mukhang pasyente.

“Someone’s happy.” Aston held Laureen’s hand while walking towards the parking lot.

“I am.” Laureen giggled. “Ano pala ang dadalhin natin para sa lunch? Daan tayo ng cake or anything.”

“Don’t worry about it. Nagsabi naman si Mommy na wala na tayong dapat bilhin. She cooked. Hindi siya pumasok sa work.” Aston smiled. “Wala si Audi ngayon. Nagpunta siyang UK. I’m not sure kung kailan siya babalik.”

Laureen nodded. Upon entering the car, she messaged Julien that she would be coming over, and her brother responded immediately. Wala ito sa village dahil nasa school, pero puwede silang magkita pagkatapos ng lunch o pupunta na lang sa condo kung saan siya lalagi para magkita sila. Mabuti na lang din at wala na ang arm brace niya.

They decided to buy a cake. Kahit na ayaw ng mommy ni Aston, hindi komportable si Laureen na wala silang dala. Kahit isang cake lang, puwede na.

The entire village was very, very, very private and secure. Naalala niya na noong unang beses niyang pumasok, pinahinto siya at pinapasok sa building malapit sa entrance. She had to submit her information—including her identification card, picture taken as if she was being detained, blood sample which she didn’t expect; iris recognition, and hand print. Ganoon kahigpit.

Na-explain naman sa kaniya kung bakit, pero amazed pa rin siya. Aside from Aston’s family, cousins, and brother Julien, Keanna Karev also lived here.

Walang gate ang bahay ng parents ni Aston. Dumiretso kaagad sila sa parking lot. Kaagad naman silang sinalubong ng isang babaeng helper para kunin ang box ng cake kay Laureen. Tumanggi man siya dahil kaya na niya, hindi pa rin ito nagpapigil.

Lumabas din ng bahay ang mommy ni Aston na kaagad lumapit sa kanila at niyakap siya.

“It’s nice to see you again,” bulong ng mommy ni Aston habang hinahaplos ang likuran niya. Humiwalay ito sa kaniya. “Galing na ba kayo sa hospital? Sinabi ni Aston kung ano ang nangyari sa ‘yo. Okay ka na ba?” Muli nitong hinaplos ang pisngi niya pati ang buhok niyang nakabagsak lang.

“Yes po, Tita.” Ngumiti siya at nakagat ang ibabang labi. “Thank you pala sa pag-invite sa lunch.”

“It’s nothing! It’s an honor na you’re here! Pasok na tayo sa loob. Medyo mainit ngayon, ‘no? Nahihirapan ka pa rin ba rito sa city? I don’t blame you. Kahit ako naiinis lalo sa traffic,” sabi ng mommy ni Aston habang papasok sila sa loob ng bahay.

Hindi ganoon kalakihan ang bahay ng parents ni Aston, pero halatang mas lamang ang mga lalaking nakatira. The house was very masculine. It was what Laureen observed from the very first time she stepped foot inside the house. Kung sabagay rin naman, walang kapatid na babae si Aston at tanging si Brie—mommy ni Aston—ang nag-iisang babae sa buhay ng mga ito.

Lumabas mula sa kusina ang daddy ni Aston at kapag nagtabi ang tatlo, naiisip ni Laureen na parang magkakapatid lang ito. Lumapit ito sa kaniya, nakipagkamay at kinumusta ang pagpunta nila sa doctor.

Maaga pa naman kaya inaya na rin muna siya ng parents ni Aston na magpunta sa likurang garden ng bahay. Kahit na nasa gitna ng city ang village, napalilibutan pa rin ito ng mga puno. Hindi rin ganoon kalala ang ingay at masarap din ang simoy ng hangin.

“Kumusta ka naman, LJ?” tanong ng mommy ni Aston. “How’s Baesa?”

“Okay naman po. Nagsisimula na po ulit silang magtanim. Natapos na rin po kasi a month ago ang harvesting kaya po focused na ulit sa iba.” Ngumiti si Laureen. “We’re good naman po. Hindi rin naman po kami masyadong naapektuhan noong may bagyo.”

Naupo siya sa komportableng sofa at katabi niya ang mommy ni Aston. Nagkukuwento ito tungkol sa university dahil isa itong photography professor. Nakita na niya ang shots at nakapunta na rin siya sa exhibit nito dahil isinama siya ni Aston. Busy naman ang daddy ni Aston sa Zothas kung saan din ito nagtatrabaho.

Kahit noong kumakain sila ng lunch, marami silang napag-usapan dahil ito lang din naman ang unang pagkakataon na nabuksan ang mga topic na hindi nila napag-usapan noon dahil kulang sa oras o walang pagkakataon.

“Hindi ka naman nahirapan noong nag-aral ka sa Paris? Ang layo mo kasi sa family, e.” Seryoso ang pagkakatanong ng mommy ni Aston. “Pero ang ganda rin naman kasi roon.”

“Maganda po, pero there’s another side of Paris na hindi talaga nakikita ng iba. Medyo marami pong daga.” Natawa si Laureen dahil iyon naman ang totoo, pero na-realize niyang kumakain sila. “I’m sorry po.”

“It’s okay.” Aston’s mom laughed. “Pero totoo nga?”

Tumango si Laureen. “Opo. Medyo makalat po kasi ang basura kaya no wonder po talaga na maraming rats. It’s the side of Paris na hindi ipinakikita, but when you’re there as a tourist and living there . . . makalat po talaga. But living there naman po is okay. Nandoon po kasi ang kapatid ng mommy ko and I have cousins, too.”

And she started talking about college. Maraming na rin ang nagtanong sa kaniya kung bakit mas pinili niyang mag-aral sa ibang bansa hindi tulad nina Vaughn, Julien, at Luana na lahat ay nagtapos sa Eastern University na pag-aari ng mga Laurent at ang palagi niyang sagot, gusto niyang mag-explore. Gusto niyang subukan ang independence, gusto niyang makakuha ng degree sa ibang bansa.

It was true, but she would never mention the main reasons why.

Walang nakakikilala sa kaniya sa Paris. Hindi tulad sa Pilipinas na kilala siyang anak ni Atlas Legaspi. Her photos when she was young was on the internet, too. She didn’t like the possible attention so she decided to go somewhere she was unknown.

“How about your parents? Mabuti at hindi sila nahirapan na malayo ka?” tanong naman ng daddy ni Aston.

Laureen smiled. “They understood naman po. Supported naman po nila ang decisions ko and I was so thankful na kahit saan naman noon, puwede akong mag-aral. It was just my personal decision to stay in Paris kasi I am familiar with the place na rin naman po since I literally grew up there. It was my home.”

Laurents had properties in France, too. May dugong French ang pamilya ni Aston kaya hindi na iyon nakagugulat.

Nag-enjoy si Laureen sa lunch dahil masarap magluto ang parents ni Aston. Both loved cooking together and it became the bond. Si Aston ang nagsabi sa kaniya niyon. They ate steak with mashed potato on the side. Mayroon ding pesto pasta, fried chicken, and broccoli with beef na paborito niya. Gumawa rin ng buko pandan ang mommy ni Aston na matagal na niyang hindi natitikman.

“Sana maulit ‘to. Alam mo, gustong-gusto ko talaga ng anak na babae noon kaso nag-decide kami ni Chase na okay na kami sa dalawang lalaki. Gusto rin kasi talaga ni Chase noon na gawin ko na kung ano ang gusto ko. Ayaw niyang matali ako sa bahay.” Natawa ang mommy ni Aston. “Minsan kasi iba ang girl talk.”

Ngumiti si Laureen at naalala ang mga girl talk nila ng mommy niya. They would shop together, too!

Hinanap niya si Aston na nasa garden kasama ang daddy nito. Naiwan naman sila ng mommy nito na nagligpit ng pinagkainan dahil ayaw niyang pumayag na wala siyang gagawin. Pinakikinggan lang niya ang mga kuwento ng mommy ni Aston. Pumasok sa loob ng kusina sina Aston at ang daddy nito na parehong nakatingin sa kanila.

“Aalis na ba kaagad kayo?” tanong ng mommy ni Aston. “Dito na lang kaya kayo matulog? Overnight lang so we can have dinner naman mamaya. Please? Just one night.”

Laureen gazed at Aston, and he immediately knew that his girlfriend was uncomfortable.

“Mom, we’re not prepared. Maybe next time? Walang damit na dala si Laureen,” sagot ni Aston.

“Pahiramin mo na muna siya. Just one night? Baka hindi na kasi namin maabutan ulit si Laureen sa susunod. I’ll be very busy and hindi na ‘ko puwedeng mag-absent sa univ kasi may exams na next week,” sabi ng mommy ni Aston. May lungkot sa boses nito. “Just one more night?”

Hindi alam ni Aston kung ano ang isasagot. Tiningnan niya si Laureen at alam niyang hindi ito komportableng nakikitulog sa ibang bahay. Hotels were a torture to Laureen already, what more if sleeping in another house. He was ready to protest when Laureen smiled at him.

“Sure po, Tita. What if I’ll cook dinner po mamaya? Me and Aston?” Tumingin si Laureen kay Aston. “What do you think?”

“S-Sure,” nag-aalangang sagot ni Aston.

Pagkatapos nilang mag-lunch, inaya na muna ni Aston si Laureen na magpahinga muna sandali sa kuwarto niya. Nakaupo ito sa dulo ng kama, nakatingin sa picture frame na ipinagawa niya noon pa. It was their first picture together kaya medyo awkward pa silang dalawa.

“Sure ka bang okay lang sa ‘yong matulog dito mamaya?” Naupo si Aston sa tabi ni Laureen. “Puwede namang sa susunod na lang para hindi ka mailang and we can prepare. I know—”

“It’s okay.” Ibinaba ni Laureen ang hawak na frame. “Nandito na rin naman tayo, pero kailangan mo ‘kong pahiramin ng mga damit mo mamaya. Pupunta na rin muna ako kina Julien mamayang hapon pag-uwi nila kaya win-win na rin naman sa ‘kin.”

Hindi na muling sumagot si Aston na nahiga sa kama. Sinabi nitong magpahinga na rin muna siya at puwedeng matulog lalo na at umiinom pa rin siya ng pain reliever, pero hindi siya dinadalaw ng antok kaya kinuha niya ang kindle sa bag para mabasa habang nakaupo sa gilid ng kama.

Laureen loved to read like her mom. Kung tutuusin nga nabasa niya ang stories na nasulat nito noong panahong writer pa. May mga pagkakataong naiiyak siya dahil alam niyang pinagdaanan mismo iyon ng mommy niya, pero proud siya dahil nailabas nito lahat ng hinaing sa pamamagitan ng pagsulat. Her mom was indeed a fighter, a survivor, and she grew up knowing that.

But unknown to everything Laureen also suffered because of her mom’s decisions and traumas. Hanggang sa kasalukuyan, dala niya ang mga pinagdaanan nila noong bata pa siya.

Nang mapansin ni Laureen na mahimbing nang natutulog si Aston, maingat siyang bumaba ng kama. Nakadapa ito yakap ang isang unan. Sakto rin naman na nag-message na sa kaniya si Julien pauwi na ito kaya maghihintay na lang siya.

While waiting, she observed Aston’s room. Bukod sa picture nilang dalawa na nasa bedside drawer, mayroon din sa shelves na mayroong libro, DVDs, vinyls, at action figures. Sa gilid ng kama, mayroong malaking bintana. Sa kabilang side naman ang office table na mayroong computer, speakers, at gitarang nakasabi sa pader. Mayroon ding iba’t ibang drumsticks at saka poster ng ilang banda.

The room was white, dark gray, and dark blue. It was very manly, too. Sa loob ng kuwarto, mayroong walk-in closet na konektado sa bathroom. Maayos din ang mga gamit at nakasalansan. Ultimong damit na pinaghubaran, maayos na nakatupi sa lalagyan ng maruming damit.

Laureen came back to her senses when she received a message from Julien. She kissed Aston’s cheek before turning off the lights and leaving the room. Naabutan naman niya sa living area ang parents ni Aston na nanonood ng TV at mukhang nagkukuwentuhan. Nagpaalam siyang pupuntahan muna ang kapatid niya.

Habang naglalakad, inoobserbahan ni Laureen ang buong lugar. Natutuwa siyang nakatira sa secured na lugar ang kapatid niya. The land was a gift from Asia’s parents while the house was a gift from their parents.

Pagliko niya sa street kung saan nakatira si Julien, nakita kaagad niya itong nasa labas ng bahay kasama si Asia at Lucien. Nandoon din ang dalawang pinsan ni Aston. Namumukhaan niya ang dalawa. They were Suri and Heather whom she met a few times already.

Mukhang kararating lang at hinihintay siya. Kalmado lang ang paglakad niya at ipinagpasalamat niyang wala na siyang arm brace para at least na rin mag-alala ang kapatid niya.

“Ate!” Kumaway si Julien at lumapit sa kanya. “Si Aston?”

“Naka-sleep,” sagot niya at niyakap ang nakababatang kapatid. “Did Luana tell you?”

Tumango si Julien. “Bakit hindi ka nagsabi? Umuwi sana kami. Hindi pa rin ba alam nina Mommy?”

“Hindi pa. Wala na rin naman akong balak ipaalam since I’m all good. Galing kami ni Aston kanina sa LMC and tinanggal na rin nila ang arm brace ko. I had another X-ray and same result din naman. I’m all good.” Laureen smiled.

Nakarating sila sa tapat ng bahay nina Julien at Asia. Lumapit si Asia sa kaniya at maingat siyang niyakap, mukhang aware na rin sa naging sitwasyon niya. Hinalikan naman siya ni Lucien sa pisngi bago bumalik sa paglalaro sa motor na pambata.

Laureen looked at Heather and Suri to say hi, but neither looked at her. Naka-focus ang dalawa kay Asia.

“Good afternoon,” Laureen greeted Aston’s cousins regardless.

Suri looked at her, smiled, and then frowned. Heather did the same. Lips smiled, eyes rolled . . . and it was not subtle at all. She heard Asia shush, and Suri scoffed as if she wasn’t there to see and feel everything.

Imbes na pagtuunan ng pansin ang dalawa, naglakad si Laureen papunta kay Lucien na pinaandar ang laruang motor. Nagkunwari siyang nagtatanong at interesado sa parts ng motor. Inisa-isa naman iyon ni Lucien, pero may mga pagkakataong pasimple niyang nililingon sina Suri at Heather at napapansing nakasimangot ang mga ito habang nakatingin sa kaniya.

Laureen wasn’t stupid. She had already seen enough reactions from different people, so Heather and Suri’s looks weren’t new to her. Sanay na siya sa mga ganoong tinginan. Umpisa pa lang naman, alam niyang hindi na siya gusto ng ilang pinsan ni Aston dahilan kaya siya na mismo ang umiiwas sa mga ito. She tried reaching out, but she had no time to always make sure was well liked. It was just a little painful knowing they were Aston’s cousins.

“Tita LJ, are you okay?” Lucien whispered. “Why are you sad?”

She forced a smile. “I’m not sad!”

“You’re lying.” Lucien pouted but kissed her cheek. “Let’s go, Tita! Let’s go to the park!”

Pasimpleng nilingon ni Laureen ang kapatid niya. Busy itong nakikipag-usap kina Asia, Suri, at Heather kaya siya na ang sumama kay Lucien. Oo, malungkot siya . . . pero sigurado naman siyang magiging okay lang ulit mamaya.

Ganoon naman palagi at wala siyang ibang magagawa.


T H E X W H Y S

www.thexwhys.com

Subscribe
Notify of
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments