Infliction 14: The Possessive’s Own Tragedy – 00 #1

Ipinalibot ni Arkon ang tingin sa loob ng gymnasium ng Upper Side High School kung saan ginaganap ang Inter High School Competition. Liga ito ng basketball para sa kanilang mga nasa high school pa lamang.

Kasama niya sa team si Arkin—ang kakambal nya—pati na ang mga pinsan nilang sina KM at KC. Pare-pareho naman silang hindi seryoso sa paglalaro at ginagawa lang din nilang pamatay ng oras. Bukod kasi sa pag-aaral, wala silang ibang ginagawa.

Pagkatapos ng high school, pare-pareho na rin silang magseseryoso at nakikita nilang si KC lang ang posibleng mag-pursue ng basketball career.

“Arkon! Pasok!” sigaw ng coach nila.

Nagmadaling tinanggal ni Arkon ang towel na nasa ulo dahil siya na ang papalit kay KM. Inayos niya ang shorts habang tumatakbo at sinigurong hindi madulas ang sapatos niya.

Arkon and Arkin did the high five. Nasa iisang floor silang dalawa.

Madalas na hindi tumitingin si Arkon sa mga nanonood. Ayaw niyang makita ang kahit na sino na nakatingin sa kaniya. Kahit na nahihiya dahil sa bàlat niya, gusto rin naman niyang maging normal.

Some stares were annoying; some were curious.

Ten points ang lamang nila sa kalabang school, na siyang may-ari ng gymnasium, nang tumunog ang buzzer para sa time out.

Naupo si Arkon at inabutan ng tubig. Nang akmang iinom na, dumako ang tingin niya sa isang cheerleader ng kalabang school dahil kumakain ito ng popcorn habang nakasuot ng cheering uniform, pero pabalagbag kumain.

And it made Arkon chuckle.

Hindi niya namalayang matagal na siyang nakatitig sa babae nang bigla siyang akbayan ni Arkin. “In love ka na ba?” seryosong tanong nito. “Is she the lucky girl who’s gonna steal your heart?”

Arkon shrugged his twin.

He pretended not to be aware of the girl’s presence, but he was secretly checking her out. Itinatago lang niya ang mukha sa towel habang nakikinig sa sinasabi ng coach nila para matalo ang kalaban.

Tinawag din ang cheering squad ng school para mag-perform.

Pinanoood ni Arkon na sumayaw ang babae. Sa likuran ito nakapuwesto at sa bawat paggalaw, nahahalatang hindi pa ito masyadong makasabay dahilan para ikatawa niya. Paminsan-minsan pa itong napapakamot sa buhok dahil nagkakamali.

. . . and Arkon found it super cute.

Natapos ang laro at nanalo sila. Lahat ng players, nagpunta sa quarters para maligo at magpalit ng damit bago magsiuwian. Naiwan si Arkon habang nakatingin sa salamin at isinuot ang itim na hoodie.

Nakapasok sa bulsa ng hoodie ang kamay niya at nakayukong naglalakad kasabay si KC na panay ang kuwento tungkol sa napanood nitong basketball game.

May ilang babaeng nagtitilian na ikinailang niya. Wala siyang pinapansin dahil nakayuko lang siya at ang mga pinsan niya ang paminsan-minsang nakikipag-usap sa mga ito—maliban kay KM na kasama si Maya, ang girlfriend nito.

Huminto sila sa isang hallway dahil nakikipag-usap sina Arkin at KC sa mga nakalaban nila sa basketball. Sumandal naman si Arkon sa pader habang hinihintay ang mga kasama.

Nakarinig si Arkon nang malakas na paghalakhak at sinundan niya iyon ng tingin.

It was the girl with lots of mistakes while dancing, wearing a pink hoodie paired with shorts while talking to her colleagues.

Their eyes met and the girl smiled at him. Nilingon pa ni Arkon ang gilid baka may iba pala itong nginignitian, pero siya lang ang naroon. He responded with a subtle nod, that was it.

That was the best he could do. Hindi siya katulad nina Arkin at KC na magaling makipag-usap sa mga babae.

Inilabas ni Arkon ang earphones para hindi makaramdam ng pagkailang. Hindi sumama si Hellery sa kanila dahil may kailangan itong puntahan. Malamang na kung kasama nila ito, hindi siya mukhang tangang naghihintay.

“Hello!”

Arkon frowned and removed one of his earphones. “Hi?”

“Nice game!” The girl cheerfully smiled at him. “Kimberly pala. Ikaw?”

“Arkon.”

Nakaramdam si Arkon ng pagkailang nang makita ang titig sa kaniya ng babae. Kaagad niyang inayos ang hoodie para maitago ang bàlat niya sa leeg papunta sa kanang pisngi. Isa iyon sa insecurities na madalas niyang itinatago.

“You can call me Kim kung gusto mo,” sabi nito.

Arkon just nodded and didn’t say anything . . . until she started talking to him like they were old friends or something. Tuloy-tuloy ang pagkukuwento nito tungkol sa school, nag-offer pa na i-tour siya dahil wala namang klase.

Game naman sina KC at Arkin dahil kausap din ng mga ito ang ibang basketball player ng school, samantalang siya, si Kim na inabutan pa siya ng bananacue galing daw sa cafeteria ng school.

Ever since that day, they exchanged numbers until they couldn’t stop talking. He liked Kimberly’s positivity and humor, too.

Arkon stared at Kim while she talked about her classes. Nasa labas sila ng school nito dahil pinuntahan niya para lang bisitahin.

Simula noong magkakilala silang dalawa, hindi na sila tumigil sa pag-uusap.

He would call Kimberly or text her daily and she did the same. Ilang beses na rin silang nagkikita sa labas, pero mas madalas siyang nagpupunta sa school nito after class.

Nanligaw siya kay Kim at kahit na naiilang pa rin siya sa tingin ng mga estudyante sa kaniya, hindi na niya iyon pinapansin lalo na kapag kasama niya ito.

Kimberly was jolly and a simple conversation could lead into something funny. Her wittiness was one of the things he loved about her. Kung makapagkuwento pa, madalas na may action o may hand gestures o hindi naman kaya ay facial expressions na nakatatawa.

“Pinagtitinginan ka pa rin nila!” sabi ni Kim habang tumutusok ng fishballs. “Bakit nga ba naman kasi nasa USHS na naman ang isang Felix Arkon Laurent?” Ngumiti ito at hinarap siya. “But thanks for the fishballs!”

Naniningkit ang mga mata ni Kim habang nakatingin sa kaniya. Nanatili siyang seryoso.

“I wanna see you,” diretsong sagot ni Arkon.

“Ikaw talaga!” natawa si Kim. “Ano’ng gusto mong drink? Ako na ang manlilibre nito.”

“Gulaman na lang,” sagot ni Arkon habang hawak ang fishballs at kumakain. “Uuwi ka na ba after this? Or may klase ka pa?”

Umiling si Kim at pilit na pinakakalma ang sarili dahil mainit at umuusok pa ang fishballs na kinain. Natawa si Arkon dahil panay ang paypay nito sa bibig at pilit na ibinubuga ang mainit na pakiramdam.

“Wala na akong class.” Huminga nang malalim si Kim at tiningnan siya. “Ikaw, nag-cut ka na naman ba ng class para lang pumunta rito?”

Hindi nakasagot si Arkon dahil totoo naman. Hindi siya pumasok sa panghapong klase para lang makita si Kim.

It had been three months since they met.

Arkon loved talking to Kimberly. She had a bubbly personality which was the opposite of him. He liked talking to her even if he hated someone outgoing. Hindi niya kasi masabayan ang trip ng mga ito, pero hindi niya naramdaman kay Kim iyon.

Kim was patient with his one to two-word replies. She would always make sure he was confident.

. . . but one thing stood out.

Hindi ipinaramdam ni Kim kay Arkon ang pagiging Laurent niya. Simple lang ang trato ni Kim sa kaniya, hindi katulad ng ibang babae na halos sambahin siya dahil sa pagiging kilala o mayaman o dahil sa last name niya.

“Makatitig naman!” Kimberly teased Arkon. Inabot din nito ang gulaman na binili sa tindero. “Bakit naka-hoodie ka na naman? Sabi ko sa ’yo, okay lang naman na hindi, e. Don’t tell me, nahihiya ka na naman sa birthmark mo? You should be proud of it! Ang cool kaya, instant tattoo,” sabi nito at kumagat ng fishball.

Mahinang natawa si Arkon sa sinabi ni Kim. Parang wala lang, parang pabiro, pero malaki ang epekto sa kaniya noon.

Nakayuko si Arkon nang mapaatras bigla dahil hinawakan ni Kim ang pisngi niya na kaagad namang humingi ng sorry. It was his automatic response.

“Sorry.” Kim bit her lower lip with a worried face.

“No, no, it’s okay!” Arkon assured Kim it was really okay. “Sorry, I’m not used to someone touching me, lalo na riyan sa part na iyan. I’m sorry.”

Naningkit ang mga mata ni Kim habang nakatingin sa kaniya dahil ngumiti ito. Inaya pa siyang maupo sa isang plant box na nasa harapan ng school.

“Alam mo, you should be confident. That birthmark is your identity. Hindi mo dapat iyan itinatago,” sabi nito na muling hinaplos ang bàlat niya. “Pero do whatever’s making you comfortable. Parang gusto ko pa ng squid balls.”

Napatitig ni Arkon sa mukha ni Kim. Nakahawak pa rin ang kamay nito sa pisngi niya. “A-Amoy suka ‘yung kamay mo, Kim.”

It was to lighten up the mood.

Malakas na natawa si Kim at binawi ang kamay. “Sorry naman, ’di ba?” sabay amoy sa sariling kamay. “Oo nga, ang asim!”

Natahimik si Arkon, ganoon din si Kim, pero nakatingin sila sa isa’t isa. Yumuko siya dahil nailang siya sa pagkakatitig nito sa kaniya. Hindi pa rin siya nasasanay kahit na sabihin nitong okay lang naman ang bàlat niya.

“Uuwi ka na?” tanong ni Arkon nang itapon nila ang mga pinagkainan.

“Oo, e. Ikaw? Thank you ulit sa pagpunta mo rito. Nawiwili ka, ha? Sa susunod, huwag ka nang mag-cut ng classes! Puwede naman kasi sa weekends, e,” sabi ni Kim habang naglalakad sila.

“Ikaw pa ba?” Arkon gazed at Kim who was holding some folders. “Malakas ka sa akin.”

Natawa si Kim habang nakatingin sa kaniya. “Ikaw rin naman, e. Malakas ka rin naman sa akin.” Mahina nitong sinuntok ang braso niya. “So, uuwi na ako, ha? Message na lang ulit tayo?”

Arkon nodded, but remembered something. “P-Puwede ba kitang ihatid?” tanong niya. “Kung okay lang naman sa ’yo.”

Kim nodded and smiled at him. “Oo naman, walang problema.”

Dumiretso sila sa kotse ni Arkon na naka-park malapit sa mismong school ni Kim. Ito ang unang beses na ihahatid niya ang dalaga sa bahay nito. Maingat siya dahil hindi siya mag-isa.

Habang nasa daan, pareho silang tahimik, pero naunang bumasag ng katahimikan si Kim. “’Di ba, sixteen ka pa lang din? Bakit puwede ka na mag-drive? Eighteen ang puwede, right?”

“It’s a forbidden privilege I don’t wanna talk about.” He smiled. “Ikaw, marunong ka na bang mag-drive?”

Umiling si Kim. “Hindi pa, e.”

“Gusto mo turuan kita?” Arkon asked.

Nakita niya kung paanong ngumiti si Kim at para pa itong excited na umayos ng upuan habang nakatingin sa kaniya. “Puwede? Talaga? Totoong-totoo?”

Arkon nodded. “Oo naman.”

Nagulat si Arkon nang bigla na lang siyang yakapin ni Kim. Napa-break siya nang malakas dahil sa gulat at ipinagpapasalamat na malapit na sila sa subdivision nito na walang masyadong tao.

Nilingon niya si Kim na medyo nagulo ang buhok. “Okay ka lang?” Hinawi niya ang buhok nito. “Sorry.”

“Oo, okay lang ako. Sorry, nabigla ako.” Ngumuso si Kim. “Ayaw kasi akong turuan ni Daddy mag-drive kasi raw baka mabangga ako. S-Sorry, I hugged you.” She stuttered.

Arkon smiled and gazed at Kim. Nagsimula na rin siyang magmaneho ulit at mas kailangan niyang ingatan. Privileged siya, pero hindi exempted.

“You can, anytime you want to,” sabi niya na ikinabigla rin.

He wasn’t supposed to say that especially when he felt the awkwardness between them. Parang hindi nagusutuhan ni Kim ang sinabi niya kaya hindi na niya ulit ito tiningnan. Ayaw niyang makita na disappointed ito, ayaw niyang makita iyon.

Hindi sinasadya, pero awtomatikong itinago ni Arkon ang sarili at isinuot ang hoodie para iwasan si Kim.

They were quiet until they reached Kim’s house.

Bahagyang nilingon ni Arkon ang dalaga na tahimik at maingat na tinanggal ang seatbelt.

“Thank you sa paghatid, Arkon,” nakangiting sabi ni Kim. “Ingat ka sa pagda-drive, ha?”

Arkon nodded, and when Kim was about to get off his car, he immediately held her hand. Both of them were staring at it, and he didn’t know what to do. It was all or nothing.

“Kim.”

“Hmm?”

Sinalubong ni Arkon ang tingin ni Kim. “C-Can you be my g-girlfriend?” He stuttered. He saw the shock on her face, so he immediately withdrew his hand from hers. “Kung ayaw mo, I would understand. I’m sor—”

“Yes,” Kim responded. “Hindi ko alam kung bakit ako ang itinatanong mo para maging girlfriend mo, pero yes ang sagot ko kasi I like you, too . . . so much.”

Tumitig si Arkon sa mukha ni Kim at hindi nakapagsalita dahil sa totoo lang, hindi siya makapaniwala. He asked, yes, but he wasn’t expecting.

Hinawakan ni Kim ang hoodie ni Arkon at tinanggal iyon. Muli nitong hinaplos ang pingi niya kung nasaan ang bàlat na pilit niyang iniiwas dahil nakaramdam siya ng hiya.

“Don’t hide from me, Arkon.” Kim sweetly smiled at him. “This, I like this so much. Feeling ko nga, ang bad boy mo rito, e.”

Arkon bit his inner cheek, trying to contain his smile, but couldn’t. He failed, and it was the failure he would only accept because Kim had just kissed his birthmark.

Hinawakan niya ang kamay ni Kim at hinalikan ang likuran noon bilang sagot sa ginawa nito.

“Hindi ko alam kung bakit ako ang tinatanong mo kung puwede mong maging girlfriend. Maraming may gusto sa ’yo, Arkon, kung alam mo lang. Thankful ako na ako ang napili mo at hindi na ako mag-iisip kasi gusto rin naman talaga kita,” diretsong sabi ni Kim at muli siyang hinalikan sa pisngi. “Thank you sa paghatid sa akin, ha? Mag-iingat ka.”

“A-Are you for real?” Arkon nervously asked. Gusto muna niyang malaman bago siya umalis. Naramdaman niya ang bara sa lalamunan dahil sa kaba. “A-Are you really my girlfriend now?”

Kim nodded and held his hand. “Yup. Ipagdamot mo ako, ha?”

error: Content is protected !!