Nagising si Laureen at ang buong akala niya, namamalikmata lang siya nang makita ang pamilyar na bulto ng lalaking nakatalikod sa kaniya. Nakaharap ito sa bintana, nakatingin sa kung saan.
Pasikat na ang araw at hindi na naman niya alam ang gagawin sa maghapon.
Sinubukan niyang bumangon ngunit napaigik siya dahil masakit pa rin ang katawan niya. Kaagad namang lumingon si Aston nang marinig siya at lumapit sa kaniya para alalayan siya, pero napansin niyang hindi ito tumitingin sa kaniya.
“Kailan ka dumating?” tanong niya.
“Kaninang madaling-araw,” sagot ni Aston habang inaayos ang kumot niya at ina-adjust ang kama para makasandal siya. “Nagugutom ka na ba?”
Umiling siya at hindi inalisan ng tingin si Aston na nanatiling nakayuko. Salubong ang kilay nito at halatang mabigat ang bawat paghinga. Halata rin sa mga mata ang antok. Hindi siya puwedeng magkamali roon.
“B-Bakit ka nandito?”
Patagilid na tumingin sa kaniya si Aston at may talim ang titig nito. She even saw how his jaw tightened. “You’re seriously asking me that? Ako kasi ang maraming tanong, Laureen. Hindi ko kasi alam kung bakit sa ganitong kaimportanteng bagay, hindi ako kasali?”
Hindi nakapagsalita si Laureen na nakatingin kay Aston.
“Hindi pa rin ako kasali,” dagdag ni Aston na naglakad paatras. “Sorry, I didn’t tell you I’d come. Sasaglit lang sana ako, bibisita lang. Hindi ko naman inaasahang ganito ang madaratnan ko.”
“I didn’t wanna bother you,” diretsong sagot ni Laureen. “I did—”
“Bother me?” Aston frowned and sounded frustrated. “You could—”
Aston immediately stopped talking when they both heard a knock. The door opened, it was Hannah and Gabriel. May dalang lalagyan ng mga pagkain ang mga ito. Sabay na tumingin ang mga ito sa kaniya at bumati. Umatras si Aston at naupo sa sofa habang nakatingin kay Laureen na nakikipag-usap kay Hannah.
“Gusto ko nang lumabas dito,” sabi ni Laureen. “Pakisabi mo kay doc na sa bahay na lang ako. I don’t wanna stay here na.”
“Sigurado ka ba?” tanong ni Hannah.
Tumango si Laureen at nilingon si Aston na nakatingin sa phone. Nakapatong ang dalawang siko nito sa sariling tuhod. Ibinalik niya ang tingin kay Hannah at tinanguan ito na kaagad namang naintindihan. Kahapon pa sana niya gustong magpalabas, ayaw lang pumayag ng doctor, pero uuwi na siya ngayon.
Si Gabriel na ang kumausap sa doctor. Inayos naman ni Hannah ang pagkaing dala. Arroz caldo iyon na niluto ni Manang Tess para sa kanilang dalawa ni Aston. Iniabot din ni Hannah ang mga damit na bilin daw ni Aston.
Naputol na rin ang pag-uusap nila at hindi na nagkaroon muli ng pagkakataon dahil sunod-sunod na pumasok ang mga doctor ni Laureen. Sinisiguro ng mga itong maayos na ang lagay niya at hindi na namamaga ang braso niya.
Habang nasa bathroom si Aston para maligo, naupo si Hannah sa gilid ng kama ni Laureen.
“Mukhang galit siya kaninang pagdating,” sabi ni Hannah.
Tipid na ngumiti si Laureen at tumango. “I understand him. Kasalanan ko naman talaga.”
“Sabi ko naman kasi sa ‘yo, sabihin mo pa rin, e. May karapatan naman talaga siyang malaman. Masyado ka rin kasing maano, LJ!” Umiling si Hannah. “Mali ka talaga sa part na hindi mo sinabi. Nagkaroon ka na ng chance kagabi.”
Laureen was aware. Hindi lang niya inasahang pupunta si Aston sa kaniya. Balak naman niyang sabihin, pero kapag maayos na ang lagay niya para hindi na rin ito mag-alala sa kaniya.
“Aayusin ko lang ang bills,” paalam ni Hannah. “Hindi na rin umalis si Gab. Nasa baba na lang siya in case magkaroon na tayo ng go signal. Mabuti na lang pala may dala akong extrang damit para sa ‘yo.”
Nagpasalamat si Laureen kay Hannah. Sabay nilang nilangon ang pinto nang bumukas iyon. Bitbit ni Gabriel ang isang bouquet ng bulaklak at iniabot iyon sa kaniya. Sabay na lumabas ng kuwarto ang magkasintahan kaya naiwan siya.
“From who?” tanong ni Aston habang tinutuyo ang buhok. Katatapos lang nitong mag-shower.
Kinuha ni Laureen ang card mula sa envelope na nakaipit sa bulaklak at binuksan iyon. Napalunok siya at alam niyang magiging dahilan na naman ito ng discussion nila ni Aston.
“From Travis.” Laureen showed Aston the card. “It’s a get well soon card.”
Aston let out a loud sigh. He brushed his hair using his fingertips and walked towards the sofa. Muli nitong kinuha ang phone, komportableng naupo, at saka ipinatong ang binti sa sariling tuhod. Hindi na ito muling humarap sa kaniya.
“Did your parents even know about what happened to you?” Aston asked without looking at Laureen. “O pare-pareho kaming walang idea?”
Laureen couldn’t respond, giving Aston a clear answer that no one knew what had happened except the people inside the hacienda and, of course, Travis. The bouquet said it all. Every inhale and exhale felt heavy, and Aston couldn’t utter anything. Gustuhin man nilang mag-usap, hindi nila magawa
“Are you sure you wanna go home?” the female doctor asked. “Sigurado ka bang kaya mo na? Kaya na ba ng oral pain reliever?”
“Yes, doc. I can manage.” Laureen smiled.
The doctor smiled. “Okay. Kung hindi na kita mapipilit na mag-stay rito, pakakawalan na kita. Just make sure to rest. Huwag ka munang magtrabaho. Kilala kita, LJ. Alam kong hindi ka mapapakali.”
Nakatayo si Aston sa gilid ng kama ni Laureen at nakasandal sa may pader habang pinakikinggan ang instructions ng doctor.
“Hannah, hide her laptop and any papers. Huwag na huwag mong pagtatrabahuhin ‘to,” dagdag na bilin ng doctor bago muling humarap kay Laureen. Ngumiti ito. “No horses muna, please. Laureen, take care of yourself. We’re lucky na hindi ka napuruhan. Please.”
Pasimpleng nilingon ni Laureen si Aston nang marinig niya ang malalim na paghinga nito bago tumalikod at nagpunta sa sofa. Muli itong komportableng naupo habang nakatingin sa kanila ng doctor. She knew that everyone could feel Aston’s aura. Damang-dama niya iyon. Hindi ito nagsasalita, pero nararamdaman niya sa tingin, sa paghinga, at paggalaw na may galit ito sa kaniya.
In no time, they were inside the car. It was too quiet. Kahit na sina Hannah at Gabriel na nasa harapan, tahimik. Pasimpleng nilingon ni Laureen si Aston, pero nakatingin ito sa bintana at mayroong malaking space sa gitna nila.
Nang makarating sa hacienda, bitbit nina Hannah at Gabriel ang mga gamit. Naghihintay sa may pintuan sina Manang Tess at ilang kasambahay para tumulong kung ano man ang kailangan.
Akmang bababa si Laureen nang pigilan siya ni Aston. Ito na rin mismo ang nagbukas ng pinto at saka maingat na lumebel sa kaniya.
“I can walk,” Laureen said in a low voice.
“I know, but I don’t want you to,” Aston responded.
Laureed gave Aston a nod and he carefully carried her bridestyle. Naramdaman din niya na parang walang bumabati sa kaniya, malamang na ramdam din ang aura ni Aston. Siya mismo, hindi makapagbukas ng conversation dahil sa unang pagkakataon, hindi niya alam kung paano.
May ingat ang bawat hakbang ni Aston sa hagdan.
“I can walk,” bulong ni Laureen. “Para hindi ka mahirapan.”
“Just let me do this one thing,” sagot ni Aston sa mababang boses.
Nakarating sila sa kuwarto at maingat siyang ibinaba sa kama. Tinanong siya ni Aston kung gusto ba niyang nakabukas ang kurtina ng bintana o nakasara. Kung gusto ba niyang magkumot, manood ng TV, o magbasa ng libro. Kung ano ang pagkaing gusto niya para sa lunch, sa dinner, hanggang kinabukasan.
Laureen answered everything, and Aston was attentive.
When Hannah entered the room, Aston laid everything to Hannah. Sinabihan din ni Aston si Hannah na walang usapang business at work. Both Hannah and Laureen agreed. Si Hannah muna ang bahala sa office at sa lahat.
Nagsabi na rin si Laureen sa lahat na hindi muna siya tatanggap ng bisita. Gusto muna niyang magpahinga. Gusto niya ang pakiramdam na nasa bahay na siya at walang inaalala na mayroong papasok sa kuwarto niya anytime dahil kailangan.
“You should sleep,” sabi ni Aston na naupo sa gilid ng kama. Hinaplos nito ang kamay niyang mayroong pasa dahil sa IV. “I will stay here until you’re okay.”
Nanlaki ang mga mata ni Laureen kasabay ng pag-iling. “Hindi puwede. You have a life in Manila. You’re hand—” Tumigil siya sa pagsasalita nang tumayo si Aston at tumalikod sa kaniya. “Maraming tao rito, Aston. Pupuntahan ako ng mga doctor ko araw-araw, iyon ang usapan namin. I have helpers. You don’t have to worry about me.”
Humarap si Aston sa kaniya at seryosong nakatingin. “What am I to you, really?” tanong nito sa mababang boses, halos pabulong. “Ano ba ‘ko sa ‘yo?”
“Love.”
“You’ll message me whenever you want to. You’ll reply after hours. Minsan, hindi ka nakakasagot sa tawag and I understand the boundaries, love. Naiintindihan kita. Iniintindi kita. As much as I want to call you, message you, I try not to kasi alam kong busy ka.” Aston paused. “But this is too much. Not letting me know about this? This is life and death.”
“This is making me question myself if I’m being dramatic. Am I overreacting for feeling this way? Am I being childish?” Aston shook his head and breathed. “I deserve to know this, Laureen.”
Laureen looked down. “I didn’t wanna burden you.”
Aston sighed and stared at Laureen. He kneeled in front of his girlfriend and met her gaze. “Laureen naman. Hindi naman ako kung sino lang. Ang layo-layo na nga natin, ganito pa. May mga pagkakataon, may mga araw na hindi tayo nagkakausap. It wasn’t okay for me, pero may tiwala naman ako sa ‘yo. Hindi okay sa ‘kin na minsan halos kausapin mo na lang ako bago ka matulog. I get that you also have a life, pero ano mo ba ako?”
“We’re in a relationship, for fuck sake, Laureen!” Aston uttered in frustration. “Huwag mo naman akong gawing optional dito. Hindi puwedeng magkasama lang tayo ‘pag masaya, ‘pag magaan. Sa ganitong pangyayari, paano? Kasi . . .” He stared at her and shook his head. “Kasi sa nangyari ngayon, nawalan ako ng tiwala sa ‘yo.”
“I’m sorry,” Laureen murmured. “I’m really sorry.”
Nang makatulog si Laureen dahil na rin sa gamot, naisipan ni Aston na hiramin ang isang sasakyan para mag-ikot. Hindi niya alam kung saan siya magpupunta, pero naramdaman niya ang bigat sa dibdib. Hindi niya inasahang masasabi niya lahat iyon, pero kailangan dahil naiipon na.
Tinawagan niya ang secretary niya habang nagmamaneho na hindi muna siya papasok. Sinabihan na rin muna niya ang parents niya tungkol sa nangyari kay Laureen, pero sinabihan ang mga itong huwag ipagsasabi kahit na kanino.
Ngayon, si Audi ang kausap niya. Hindi nito gusto ang desisyon niyang huwag pumasok hangga’t hindi maayos si Laureen, pero wala naman itong magagawa sa desisyon niya.
Hindi siya aalis hangga’t hindi maayos si Laureen, iyon ang desisyon niya.
Pagbalik sa hacienda, tulog pa rin si Laureen. Wala siyang ibang magawa kaya nagpunta siya sa stable para itanong kung ano ang eksaktong nangyari. Itinuro sa kaniya ni Kuya Danny ang kabayong sinasakyan ni Laureen noong mangyari ang aksidente.
It wasn’t the same horse Laureen used to ride. The horse recently lost its mate due to illness and wasn’t doing very well when Laureen decided to go for a walk.
“Noong una, okay naman. Ako ang may hawak sa tali niya,” salaysay ni Manong Danny. “Nagulat na lang kami bigla siyang nagwala habang nakasakay pa si Ma’am Laureen. Nakahawak pa naman si ma’am, pero bigla ulit siyang nagwala, doon na nahulog si Ma’am Laureen.”
Tumango si Aston at hinaplos ang buhok ng kabayo. Losing a mate surely hurts. Sa mga pagkakataon pa lang na naiisip niyang mawawala si Laureen sa kaniya, alam niyang mahihirapan din siya.
Paulit-ulit na humingi ng tawad sa kaniya si Manong Danny dahil hindi raw nito napigilan ang kabayo, pero hindi naman siya galit. Ngumiti lang siya at sinabing wala siyang alam sa pag-aalaga sa kabayo at maayos naman na si Laureen.
Wala naman sa ibang tao ang issue kung hindi sa kanilang dalawa lang.
Buong maghapong tulog si Laureen dahil sa mga gamot nito lalo sa pain reliever. Hindi naman makatulog si Aston kaya wala siyang ginawa kung hindi ang manood ng movie sa mismong kuwarto ni Laureen o hindi naman kaya ay minsang magbasa ng libro.
The doctor came to check on Laureen. Maitim pa rin ang mga pasa ni Laureen sa braso, masakit pa rin ang katawan nito, at sigurado silang tatagal pa ng mga isa o hanggang dalawang linggo.
Aston bit his lower lip, knowing he had things to do, too, but he was firm about staying.
Sabay silang nag-dinner sa mismong kuwarto ni Laureen. Katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa dahil ayaw na munang makipag-usap ni Aston. Mukhang wala rin namang balak sabihin si Laureen.
. . . and even after dinner, both remained quiet until Aston opened a topic. It was almost ten in the evening and Aston had been yawning multiple times.
Nakahiga na si Aston, pero nakaupo si Laureen sa kama at nakasandal sa headboard habang nagbabasa ng libro. Hindi siya inaantok dahil malamang na maghapon siyang tulog dahil sa gamot.
“Wala ka bang balak sabihin sa parents mo?” tanong ni Aston.
“I don’t want them to worry.” Tumingin si Laureen kay Aston. “I hope you won’t tell them. Please.”
Tumalikod si Aston at pinatay ang ilaw sa bedside table nito. “As much as I wanna tell them, it’s not my story to tell. But your family deserves to know what happened to you. Wala na rin naman silang magagawa tulad ko. At least let them know you’re okay and healing.”
Walang naging sagot si Laureen dahil hindi niya alam kung gagawin ba niya ang sinabi ni Aston. Ayaw niyang mag-alala ang mga magulang niya. Sigurado siyang isang tawag lang niya, pupunta ang mga ito sa Baesa. There would even be a possibility of them staying longer and she didn’t want to make it hard for her mom.
Her mom could only tolerate Baesa for a short period of time, and she knew that. She wouldn’t risk anything.
Matagal na tinitigan ni Laureen si Aston. Hindi siya sigurado kung tulog na ito, pero mayroon siyang bagay na napag-isipan matapos nitong sabihin ang hinaing sa kaniya.
“Aston?”
Humarap sa kaniya si Aston. Halata ang antok sa mga mata nito na ikinangiti niya. “Do you need something? Nagugutom ka? Coffee?”
Umiling si Laureen. “We should break up.”
Napatitig sa kaniya si Aston, may katagalan bago siya tinalikuran. Niyakap nito ang unan, at saka kinumutan ang sarili.
“Aston,” pagkuha niya sa atensyon nito.
“What?” Hindi tumingin sa kaniya si Aston. “Love, kung nasasaktan ka sa binabasa mo, ‘wag mo ‘kong idamay. Itigil mo na kababasa niyan.”
Mahinang natawa si Laureen dahil ang binabasa niya ay tungkol sa business.
“Bukas na lang, please,” pakiusap ni Aston sa mababang boses. “Please.”
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com