Sweets was not Laurel’s best friend. Bukod sa hindi niya masyadong gusto ang lasa, hindi niya gusto na dumidikit sa ngipin niya ang mga chocolate lalo na ang caramel na minsan niyang natikman.
At the age of five, Laurel was into something sour, spicy, and savory.
Nakatingin si Laurel sa papa niya na kausap ang mga ate niya. Nasa compound sila ng bahay ng mga ate niya. Siya naman ay nasa loob pa rin ng kotse dahil naghihintay siya kung isasama ba siya palabas o katulad noon, sa kotse lang at maghihintay dahil ayaw ng mga itong makita siya.
To Laurel’s shock, her papa walked toward the car and smiled. “Gusto mo bang lumabas, Aly?” tanong nito. “Gusto ka raw maka-play nina Ara. Gusto mo ba?”
Nanlaki ang mga mata ni Laurel. It was one of her dreams to play with her older sisters. Wala siyang ibang kalaro bukod sa mga anak ng helper nila sa hacienda kaya naman ang marinig na gusto siyang makalaro nina Ara at Arisa, gusto niya. Gustong-gusto.
Malayo na ang agwat niya sa mga ito, pero gustong-gusto ni Laurel na makalaro ang mga ate niya. Ara was seven years older than her and Arisa was ten years older.
“Sure, papa?” Laurel excitedly asked. “Sure gusto nila mag-play with me?”
Her papa nodded. “Yup! Ara said you can play with her dolls daw sa taas. Gusto mo ba? We can stay for a while so you can play with your ate.”
“Okay, papa.” Nakangiting bumaba si Laurel sa kotse at hinawakan ang kamay ng papa niya.
Hindi inaalis ni Laurel ang tingin sa mga ate niyang naghihintay sa balcony katabi ang mommy ng mga ito. Hindi niya alam kung bakit ayaw ng mga itong makalaro siya noon, pero sinabi sa kaniya ng mama niya na dahil magkaiba sila ng mama.
“Hello.” Kumaway si Laurel sa mga ate niya pati sa mama ng mga ito. “Good afternoon po.”
“Let’s play sa room ko,” nakangiting sabi ni Ara. “I have a lot of dolls. Gusto mo ba mag-play ng dolls pati ng mga doll house? Marami ako.”
Laurel nodded without hesitation. Marami rin naman siyang dolls and doll houses. Nagpatayo pa ang mama niya ng life-like doll house sa paligid ng hacienda na malapit sa coffee table ng parents niya, pero hindi niya iyon sinabi.
Hinawakan ni Ara ang kamay niya at pagpasok sa bahay, dumiretso ang tingin ni Laurel sa malaking chandelier bago sila umakyat sa second floor na may magandang hagdan.
Nagkukuwento si Ara sa mga doll niya at kasabay nilang naglalakad si Arisa na tahimik lang at minsang tumitingin sa kaniya.
Big girls na ang ate niya and they were so pretty! Laurel always liked her Ate Ara’s straight long hair and her Ate Arisa’s doll-like face.
Pagpasok sa room ni Ara, napangiti si Laurel. It was all in pink. Marami nga itong dolls, maraming laruan, at may mga damit din na nakakalat. Naisip ni Laurel dahil bawal iyon sa mama niya dahil palagi nitong nililinis ang room niya.
“You can sit there.” Itinuro ni Ara ang tea set. “Gusto mo ba ng chocolates? Marami kaming chocolates sa baba. Gusto mo ba?”
“These are pretty, Ate Ara!” Laurel excitedly said. “You’re a big girl na, but you’re still playing with dolls. I will be like you.”
Her Ate Ara frowned and asked her to sit.
Kahit ayaw ni Laurel, tumango siya at nagsimulang makipaglaro sa ate niya na nagpakuha ng mga pagkain sa baba. Chocolates, sweet bread, pati chocolate drink na hindi niya iniinom.
Napilitan si Laurel na kumain ng mga bagay na ayaw niya dahil gusto niyang matuwa sa kaniya si Ara. Si Arisa, hindi ito nagsasalita at nakatingin lang sa kaniya.
“This, kainin mo ‘to.” Nakangiti si Ara sa kaniya. Inaabot nito ang isang wrapper. “Magiging favorite sister kita kapag kinain mo ito.”
Napatitig si Laurel sa inaabot ni Ara. “W-What’s this po, Ate?”
Ara smiled sweetly. “That’s a gum. Masarap ‘yan. All you have to do is chew and chew until wala ng lasa. Huwag ka mag-stop hangga’t sinasabi ko, deal? After that, you’ll be my favorite sister na.”
Laurel wanted that. She wanted Ara’s approval, she wanted her attention, and she wanted her sisterly love. She craved for it kahit na sapat naman ang love sa kaniya ng parents niya.
Again, Laurel hated sweets but still ate the chewing gum.
It was too sweet for her. Sa chocolate pa lang na kinain nila, nahirapan na siya, what more sa chewing gum na kaagad niyang nalasahan ang nakapalibot na sugar? She almost threw it up, but Ara was watching her chew the gum.
Ara looked so happy, and she was smiling, Laurel thought.
Laurel wasn’t enjoying it, but trying. Gusto niyang makuha ang approval ng mga ate niya.
Tumayo si Ara at sinundan ng tingin ni Laurel ang ate niya. Kumuha ito ng suklay sa vanity at dumiretso sa study table. Kumuha ito ng gunting bago naupo ulit sa harapan niya.
Nagulat si Laurel nang bigla na lang nitong gupitan ang buhok ng isang manika.
“You have a really nice hair,” sabi ni Ara habang ginugupitan ang buhok ng doll at nakatingin kay Laurel. “Stop chewing, Alyssa, and put that gum on your hair.”
Laurel stopped chewing. “Ha? Why? Hindi ito didikit?”
“Didikit.” Ngumiti si Ara. “Pero that’s okay. We can style your hair after. Dali na para you’ll be my favorite sister na. Stop chewing that gum and put it on your hair now, Alyssa.”
Huminto sa pagnguya si Laurel at tiningnan si Arisa na nakaupo sa kama ni Ara at nakatingin lang sa kaniya bago ito yumuko at Ibinalik niya ang tingin kay Ara na sinusuklayan ang bagong maikling buhok ng doll habang naghihintay sa kaniya.
“Go on, lagay mo na sa hair mo, Aly. Tapos tatanggalin din natin.” Ara smiled.
Kahit labag sa kalooban, inilagay ni Laurel ang gum sa buhok niya. Sinabi ni Ara na taasan pa niya hanggang sa tainga na sinunod naman niya.
Her hair was long up the waist area and wavy.
Dumikit ang gum sa buhok niya at nang subukan niya iyong tanggalin, hindi na puwede. Tumingin siya kay Ara na nakangiti.
“Don’t worry, we can cut your hair.” Ara stood up with scissors in her hand. Pumwesto ito sa likuran niya at sinuklay ang buhok niya gamit ang daliri. “Imagine her mom’s face, Ate Arisa. I’m gonna ruin her daughter’s hair.” Kausap nito si Arisa na nakatingin lang sa kanila.
Naramdaman ni Laurel ang paghila ni Ara sa buhok niya. It was rough until she saw her hair on the table. Ginupitan ni Ara ang buhok niya at hindi siya makapag-react.
Laurel wanted to be the favorite sister, so she let Ara cut her hair until the door opened and her papa’s eyes widened in shock after seeing what was happening.
Nagmadali itong buhatin siya at hindi niya maintindihan kung bakit. Inilabas siya sa kwarto, iniwan sa gilid ng hagdan, pero kaagad itong bumalik papasok. Naririnig ni Laurel na nagagalit ang papa niya sa loob ng kuwarto, sumisigaw naman si Ara. Naririnig niya ang galit ni Ara sa mama niya, sa kaniya, at sinabing huwag na silang babalik.
Hawak ni Laurel ang buhok niyang may chewing gum dahil iyon ang unang ginupitan ni Ara. She knew what was happening. She then realized that Ara tricked her so she could ruin her hair.
Naghintay si Laurel sa labas ng kwarto hanggang sa lumabas ang papa niya, binuhat siya palabas ng bahay, at isinakay sa kotse pauwi sa bahay nila.
Nakatingin siya sa may bintana hanggang sa makarating sila sa hacienda. Mula sa loob ng kotse, nakita nila ng papa niya ang mama niya na nagdidilig ng mga bulaklak. Nakangiti ito at mukhang masaya nang makitang papalapit na sila.
Laurel heard her papa sigh multiple times before opening the door. Ito muna ang kumausap sa mama niya.
She saw how her mama ran toward the car, opened her door, and started sobbing when she saw her hair. Binuhat siya nito pababa at itinakbo papunta sa bathroom ng kwarto ng parents niya.
Alaga ng mama niya ang buhok niya simula pagkapanganak. Ito lang ang gumugupit dahil gusto nitong palaging maayos ang buhok niya. She was used to wearing headbands and ponytails. Her mom also loved braiding her long hair.
Nakita ni Laurel ang sarili sa salamin. Ang dating hanggang baywang na buhok ay hanggang balikat na lang. Hindi pantay-pantay ang pagkakagupit, may parteng makapal ang pagkakagupit, at naalala niyang ganoon ang itsura ng manikang pinanood niyang gupitan ni Ara.
“Mama, are you mad?” tanong ni Laurel habang hawak ang buhok niyang may chewing gum. “My hair is gone.”
“I’m not mad.” Her Mama smiled, but a lone tear dropped. “Kahit naman anong hair, bagay sa ‘yo, e. Let me fix this hair and cut it, okay?” She could hear how her Mama’s voice changed.
Tumalikod si Laurel at nakaharap siya sa salamin, pero nakayuko sa buhok niyang may chewing gum. She was betrayed using a chewing gum.
Naririnig ni Laurel na humihikbi ang mama niya habang inaayos nito ang buhok niya. Humarap siya sa salamin at nakita ang pagbagsak ng luha ng mama niya habang ginugupit nito ang natitira niyang buhok, kung paano nito maingat na sinusuklay ang bawat hibla, at kung paano maingat na hinahaplos ng mama niya ang buhok na sinira ng iba.
“I hate this gum,” bulong ni Laurel. “This would be the last chewing gum, mama.”
●○●○●○●○●
It was a simple Sunday family date, and Laurel wore her new, dark green, casual dress. Binili iyon ng mama niya noong nagpunta sila sa New York at nagandahan siya roon. She was excited to wear it finally.
Nasa Manila sila dahil katatapos lang ng isang conference ng parents niya at isinama siya dahil tapos naman na ang home classes niya.
“You’re so pretty,” nakangiting sabi ng mama niya habang palabas ng kwarto dahil naghihintay na ang parents niya sa living room ng hotel. “Dalaga na ang Alyssa ko.”
Mahinang natawa si Laurel at umiling. She was always the shy one lalo na at sanay siyang nasa bahay lang o hindi naman kaya ay nagta-travel sa ibang bansa kasama ang mga magulang.
Her papa automatically smiled when he saw her. Kaagad itong lumapit sa kaniya at hinawakan siya sa kamay. “My bunso is now a lady,” her papa murmured. “Bakit ba kasi napakabilis ng oras? You were just this little baby na isinasayaw ko noon, e.”
Laurel giggled and walked toward her mama. Inayos nito ang headband at buhok niya.
Amoy ni Laurel ang pabango ng mga magulang niya, pero malamang na yumakap na naman ang papa niya sa mama niya dahil pareho na ng amoy ang dalawa. Parehong amoy pambabae.
Her mama was wearing a dark blue long-sleeved dress. Above the knee iyon at signature na ng mama niya ang plain, satin fabric dahil iyon ang madalas na isuot nito. Dumako rin ang tingin ni Laurel kamay ng mama niya na may suot na isang singing galing sa papa niya.
Her papa was wearing a black long-sleeved polo that hugged his ripped body. Kahit na may-epapa na ang papa niya, alaga pa rin nito ang katawan. Governor ito ng Baesa kaya naman kilala ang buong pamilya nila, pero bihira siyang ilabas.
Habang nasa kotse, tahimik lang si Laurel tulad ng dati. Madalas niyang iniisip na sa mga ganoong pagkakataon, sana mayroon siyang kapatid para naman hindi boring ang car rides papunta sa kung saan.
Kung close lang siguro sila ng mga kapatid niya sa magkabilang side, masaya, kaso hindi. Pare-parehong galit sa kaniya ang mga ito dahil sa mga magulang niya.
Laurel was still young, but she already understood the situation she was in. Bata pa lang siya, sinabi na sa kaniya ng mga magulang ang sitwasyon, na hindi sila normal na pamilya, na hindi kasal ang mga magulang niya, na may mga iniwan ang mga ito para sa isa’t isa.
Noong una, hindi maintindihan ni Laurel kung bakit, pero habang nagkakaisip siya, mas naiinitindihan niya ang galit ng mga kapatid niya.
Masaya siya dahil kasama niya ang mga magulang niya. Nakatutulog siya nang maayos dahil pagkagising niya, maayos ang dalawa, magkasama ang dalawa, kumakain siya na kasama ang mga magulang, na hindi nararanasan ng ibang kapatid niya.
Laurel remembered what Philipp told her, that she was a mistake. Sinabi naman sa kaniya ni Ara na wala siyang karapatang sumaya dahil anak siya sa kasalanan. Philippe was her Mama’s son and Ara was her Papa’s.
Both of her siblings thought she was a mistake and Laurel was secretly embracing it. Hindi niya sinabi sa mga magulang ang tungkol doon dahil ayaw na niyang umiyak ang mama niya.
Pagdating sa restaurant na ipina-reserve ng mga magulang, excited na naupo si Laurel kung saan sila iginiya ng attendant, at binigyan ng menu para sa o-order-in. Nakakita kaagad siya ng buttered corn at mashed potato na paborito niya at sinabi iyon sa mama niya sa waiter.
Her mom was smiling while picking up some order when a woman approached their table. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa mga magulang niya nang bigla itong magsalita at galit na galit ang boses.
“Ang lakas talaga ng loob ninyong lumabas sa publiko, ‘no?”
Tahimik na nakatingin si Laurel sa babae nang tumayo ang mama niya. “Trinity, not here.”
“E saan, Rica?” tanong nito. “Iniwan mo na nga ang kuya ko para sa lalaking ‘yan, ang lakas pa talaga ng loob ninyong lumabas sa public na parang ang saya-saya ninyo kasama ‘yang anak ninyo? E ‘yong mga anak ninyong iniwan, hindi kayo naaawa?”
Tumingin sa kaniya ang mama niya. “Aly, ano ang palagi nating ginagawa? Cover your ears, baby.”
Laurel looked down and read the menu while her ears were covered. Naririnig niyang nagsasagutan pa rin ang mga ito. Hindi niya naiintindihan ang mga sinasabi, pero alam niyang galit ang babae habang mahinahon namang nagsasalita ang mama niya.
Binasa ni Laurel lahat ng nasa menu. Na-realize niya, ang mahal pala ng mga pagkain sa restaurant na iyon. She even read some of the French words until she saw her papa kneeling in front of her, smiling.
“Let’s go?” Her papa held her hand. “Sa hotel na lang tayo kumain, gusto mo? We can order anything, cakes, whatever you want, Aly. Okay lang ba sa ‘yo sa hotel?”
Laurel nodded and smiled. Tinanggap niya ang kamay ng papa niya na hinawakan na rin ang kamay ng mama niya palabas ng restaurant.
It wasn’t the first time. Alam ni Laurel na hindi naman gusto ng parents niya na makita niya ang mga ganoon, pero nagkakataon na biglang may eskandalo dahil mayroon silang nakasalubong o mayroong nakita sa isang lugar na posibleng maging cause.
Hindi pumapatol ang parents niya, pero habang nasa sasakyan naririnig ni Laurel ang bawat hikbi ng mama niya na itinatago sa kaniya. Nilakasan pa nito ang kanta sa kotse, pero hindi siya tanga at hindi siya manhid.
Laurel had always been quiet at sa tuwing nagsa-suffer ang mga magulang niya, tahimik niyang tinatanggap ang lahat at iniitindi.
Pagdating sa hotel, tumawag kaagad ang papa niya para mag-order ng pagkain nila. Tinanong siya kung ano ang gusto niya at tulad ng dati, pasta ang in-order niya, garlic bread, maanghang na soup, pizza, at donut.
Naupo si Laurel sa living area ng hotel habang naghihintay nang marinig niya ang mahinang tugtog na nanggagaling sa kwarto nila. It was her parents’ theme song.
Dahan-dahan siyang sumilip nang makita ang mama niya na nakahawak sa kamay ng papa niya at mahinang umiiyak para siguro hindi niya marinig. Nakahalik ang papa niya sa noo ng mama niya, habang mahinang sumasayaw at sumasabay sa tugtog.
Laurel was too young to understand, but she already knew that love was hard and painful.
“Mama, why do we need to cry when we’re in love?”
Her mama smiled. “You’re still a baby, Laurel. You’re just seven so . . .”
“I know, I just wanna know.”
Laurel waited but it was her papa who answered, “Dapat hindi . . . pero minsan, hindi natin maiwasan. Love shouldn’t be as painful, but the pain is inevitable, Aly.”
Mukhang mabigat pa sa susunod na chapter.
Ihahanda ko ba mga tissues? Q.Q Hugs for you, Aly.