KC stared at himself in the mirror inside the elevator, thinking about what he would do after college. Hellery had asked everyone this question earlier while they were having drinks. They all thought the question was simple, but after some deep thought, it wasn’t.
Last year na rin nila sa college at pare-pareho silang hindi sigurado sa kung ano ang gustong gawin. Magtatrabaho ba sila sa kumpanya ng mga magulang nila? Susubukan muna sa iba? Magda-draft ba siya para sa professional league? O aalis ng bansa para simulan ang training niya para sa agency?
Hindi pa niya alam.
Pagbukas ng elevator, nagsalubong ang kilay niya nang makita si Macie na nakasandal sa pinto ng unit niya. Tumunog ang elevator dahilan para tumingin ito sa kaniya. Hindi siya puwedeng magkamali, lasing ito.
Lasing na lasing na halos sumusuray habang papalapit sa kaniya.
“Macie.” Hinawakan niya ito sa braso nang makalapit sa kaniya. “It’s two a.m. What are you doing here?”
“KC.” Tumingala si Mace sa kaniya. “Please. I want us back. Please? I’m sorry I asked for that break. Please, take me back.”
Ito na naman sila. Halos dalawang linggo na nilang pinag-uusapan ito ngunit hindi ito nakikinig. Napapadalas ang pagpunta nito sa unit niya, disoras pa minsan ng gabi para lang makipag-usap sa kaniya.
Maingat niyang binuksan ang pinto at dinala si Macie sa kwarto niya.
Macie was about to kiss his lips, but he was quick to dodge it. He saw how Macie’s brows furrowed, and eyes started pooling with tears.
“I’m sorry,” KC apologized. “You can sleep here.”
Macie didn’t move and was staring at him. He then carefully carried her bride-style. Kaagad namang isinubsob ni Macie ang mukha sa leeg niya at humikbi. Ipinalibot pa nito ang braso sa batok niya.
Sandali niyang hinayaan na ganoon ang posisyon nila hanggang sa siya na mismo ang maingat na naglapag kay Macie sa kama niya mismo. Binuksan niya ang lampshade na nasa bedside table at inayos ang kumot nito.
“Matulog ka na muna rito.”
“KC.” Nakita niya ang panginginig ng baba nito. “A-Ayaw mo na ba talaga?”
Malalim siyang huminga. “Napag-usapan na natin ‘to, ‘di ba?”
“Ayoko,” umiling si Macie. “Please? Sorry kasi naging unfair ako. Please. I’m sorry.”
Ngumiti siya at hinaplos ang buhok nito. “Sabi ko naman sa ‘yo, wala namang dapat ika-sorry, eh. Tama naman na hindi na tayo naging aligned nitong mga nakaraan. We both had differences. I think we’re better off this way.”
Pumikit si Macie pagkasabi niyon at niyakap ang kumot. Tumayo siya at pinatay ang ilaw para hayaan na rin muna itong makatulog at magpahinga. Mag-uusap ulit sila bukas kinakailangan.
Paglabas ng kwarto, sakto namang tumunog ang phone niya. It was his coach. Nagulat siyang madaling araw itong nag-message sa kaniya ngunit naalala na nasa US pa nga pala ito.
His suspension was finally lifted. Isang buwan din siyang nasuspende sa basketball team dahil sa pag-uwi niya sa Pilipinas noong nakipag-break si Macie. That training in Miami was important, but he had to leave to talk to Macie.
That was almost three months ago. Of course, he didn’t want to break up, but Macie was an influencer, and it was a prank gone wrong.
Nagalit siya dahil sa naging resulta, pero wala na siyang nagawa. Pinag-awayan nila ang nangyari and it resulted to breaking up. Macie thought it was a harmless prank, but for him . . . it wasn’t. Breaking up shouldn’t be a part of pranks.
Umalis din kaagad siya at bumalik sa Miami, pero doon sinabi sa kaniya ang suspension niya bilang player at walang pakialam kung pamilya nila ang may-ari sa university.
He wasn’t exempted.
Naupo siya sa sofa at inihiga ang ulo sa backrest. Walang ilaw na nakabukas. Malamig ang buong kwarto dahil sa aircon at medyo inaantok na rin siya dahil nakainom din siya.
He remembered how Macie said sorry, and he forgave her. They fixed it, and they got back together. He was still in Miami. They talked about it, but it wasn’t the same anymore.
He was happy with Macie, that was for sure. Pero may kulang. May mga bagay na hindi siya masabi dahil madalas itong mayroong sariling mundo. Sa tuwing nasa video call sila, madalas na hindi ito interesado sa sinasabi niya dahil mas maraming topic na binubuksan kaysa makinig sa kaniya.
That breakup and time away from Macie made him realize something.
Gusto niya ng taong makakausap niya na ultimo dumi sa bintana, puwedeng gawan ng topic at iyon ang hinahanap niya kay Macie. May mga pagkakataon na gusto niyang makipagkuwentuhan dito, pero occupied ito sa ibang bagay at doon siya napagod.
Literal na umikot ang mundo niya kay Macie sa loob ng tatlong taon. Umikot din ang mundo nilang dalawa sa social media.
Macie was an influencer. A vlogger and model, and would sometimes appear on television. May mga pagkakataong kailangang kasama siya sa videos kahit na ayaw niya. Kakain na lang sila sa labas, minsan naka-video pa. Maglalakad sa kung saan, may video.
Lahat.
—
Another week passed and Macie still tried talking to him. Madalas ito sa tambayan nilang magpipinsan kahit na break na sila dahil bestfriend nito si Kim na girlfriend ni Arkon at si Maya na girlfriend ni KM, ang kakambal niya.
Imbes na tumambay sa school pagkatapos ng klase, umuwi na muna siya para magpahinga. Balak niyang umuwi sa bahay ng parents niya kinabukasan dahil nami-miss na rin niya ang mommy niya.
Habang nakahiga sa sofa, nag-browse siya sa social media at nakita ang isang bagong video ni Macie sa news feed niya. Pinanood niya ito. It was her making breakfast and just telling her viewers about her fitness routine. Binuksan niya ang comment section at mayroong mga nagtatanong kung bakit hindi na siya nakikita sa videos nitong mga nakaraan o sa posts.
Medyo halata iyon kung tutuusin dahil walang araw na hindi nagpo-post si Macie na hindi siya kasama. Nababasa niya rin sa comments na mayroong nagtatanong kung break na ba silang dalawa, kung nasaan na siya, at ultimo mata ni Macie, tinanong kung bakit malungkot.
KC scrolled and accidentally clicked an ad. It was a dating app. Nabanggit na sa kaniya ng isang teammate niya ang tungkol doon. Ginamit nito iyon noong nasa Miami sila dahilan para makakilala ng ilang American na nagpunta pa sa practice nila.
Out of curiosity, he installed the application and made an account. Wala siyang picture na inilagay. It was just a plain black image from Google; that was it.
While making the profile, he squinted. He thought of a name that wasn’t his but was close to him until a name clicked.
Ritzo, 21, Metro.
Iyan ang pinangalan niya sa sarili. It was from his name Christopher. Hindi naman niya iyon nickname at walang tumatawag sa kaniyang ganito. It was made up. Walang makakikilala sa kaniya for sure at safe dahil walang picture. He just wanted to browse. Gusto lang niyang makita kung paano ba ito.
Nakita niyang kailangan din niyang maglagay ng bio kaya nag-isip siya ng ilalagay niya.
‘I don’t care who you are, and I just need someone to talk to about life, someone I can be comfortable with talking about the lizard and still feel okay. I just need someone weird.’
That made him chuckle, but everything was true. May mga pagkakataong gusto lang niyang maging weirdo, pero hindi niya alam kung paano.
Nang matapos na niya ang profile niya, nagsimula na siyang mag-swipe. Sobrang daming babae at magaganda ang mga ito, pero swipe left lahat dahil hindi siya interesado sa itsura ng mga ito. Based on their bio, some were even looking for hookups, pero hindi din siya interesado. He wanted someone he could talk to.
Until he saw a beautiful sunset as a profile photo.
Mori, 21, Metro
Bio: Let’s talk about life—I’m weird.
KC bit his lower lip and smiled. Of all the women he saw, ito ang mayroong kakaibang picture. The bio was interesting, too . . . so he swiped right. He stopped browsing and thought of ordering food.
Kinuha na rin niya ang laptop niya para tingnan ang online exams na naka-upload na para next week. Balak na niya iyong sagutan ngayong gabi para hindi na niya problemahin habang nasa bahay ng parents niya.
Dumating ang order niyang pagkain. Madilim na rin. Binuksan niya ang TV para manood habang kumakain at pinaplano ang gagawin niya sa buong magdamag.
While eating, his phone beeped, and he was shocked to see a notification from that dating application.
You and Mori liked each other – send message.
KC frowned, thinking if he should send a message. He squinted and started typing.
‘Hey, Mori.’
—
Leave a Reply
View Comments