Fairytales.
People were in love with the idea of fairytales. Prince charming and happy ever after always sounded so perfect. The media fed people with lies . . . that was what Irina thought.
Hindi naman sa bitter si Irina. Naniniwala pa rin naman siya sa fairytale. Siguro sa iba, nangyayari iyon. May iba na kahit walang effort, buo ang pamilya. May iba naman na kahit ano pa ang gawing effort, hindi na nabubuo ang minsang nasira.
Huminga nang malalim si Irina habang nagbabasa. Bigla siyang napaisip sa katagang happily ever after.
Sandaling tumigil si Irina sa pagbabasa at itinuon ang pansin kay Carlos na tumakbo para habulin ang bola.
It was a Saturday.
Nasa loob sila ng court ng Arthens habang nagbabasa siya ng fairytale book para sa English subject dahil kailangan ng reaction paper. Malalim siyang huminga at sinapo ng palad ang sariling baba.
“Babe?” Tumingin kaniya si Carlos na magkasalubong ang kilay. Hawak nito ang bola at basang-basa na ang jersey na suot pati na ang may kahabaang buhok nito na naka-headband lang. “Are you okay?”
Tumango si Irina at mahinang natawa. “Oo. Nag-iisip lang ako kung ano ang puwede kong ilagay sa reaction paper,” aniya.
“Gusto mo nang umalis?” Kinuha ni Carlos ang bote ng tubig sa gilid niya. “We can go if you want to.”
“Kung tapos ka na, okay lang naman.” Tinanggal ni Irina ang pagkakaipit ng buhok para ayusin. “Sa condo ko na lang naman itutuloy ‘to, e.”
Carlos smiled widely at Irina. “Okay. I’ll just take a bath. Hintayin mo na lang ako sa garden?”
“Sige lang,” ani Irina.
Naupo na muna sandali si Carlos sa bleacher habang inaayos ni Irina ang mga gamit niyang nakakalat sa sahig.
It was their routine—her reading and him practicing.
Palagi siyang kasama sa private trainings ni Carlos dahil madalas na iyon ang bonding nila. They were doing their own thing together.
Naunang lumabas ng court si Irina para hintayin si Carlos sa labas. Naghanap siya ng puwede niyang upuan. Weekend naman kaya walang masyadong tao, pero mayroong ibang estudyante at ilang nagpapractice na softball player.
May isang bakanteng lamesa sa harapan ng field at doon siya mismo naupo. Nag-indian sit siya at ipinatong ang baba sa kamay.
Sa tuwing ipinalilibot ni Irina ang tingin sa buong campus ng Arthens, bumabalik sa kaniya ang unang pagkikita nila ni Carlos sa lugar. Sinamahan lang niya si Krizia, ang bestfriend niya, para mag-enroll at doon niya nakilala si Carlos.
Dalawang taon na at halos hindi na nila namamalayan ni Carlos iyon. Wala rin naman silang naging issue o problema bukod sa ilang UAAP fans na ayaw sa kaniya bilang girlfriend nito.
It was one of the downsides of being a varsity girlfriend. Kapag hindi pasok sa standards, maraming nasasabi. Isa ring rason iyon kung bakit mas pinili niyang hindi bumisita sa mga social media.
Mayroon siyang accounts, pero hindi siya active.
Noong panahong bago-bago pa lang sila ni Carlos, madalas itong mag-upload ng pictures niya o nila. Ngunit nagbago ang lahat nang makatanggap si Irina ng mga masasakit na salita galing sa iba.
Irina had been low-key ever since.
Nakilala na niyang varsity si Carlos at nagsisimula palang noon sa seniors league. Nagsimula silang dalawa na hindi pa naman ganoon kaingay ang pangalan nito sa basketball.
Pero nagbago iyon sa nakaraang season dahil nagsimulang mapansin si Carlos at saksi naman si Irina sa hirap ni Carlos sa training.
Alam niya ang hirap ni Carlos sa lahat kaya masaya siya na sa wakas, unti-unti nang natutupad ang kagustuhan nitong makilala lalo sa larangan ng basketball.
“Ang lalim naman ng iniisip.” Pumalibot ang isang braso ni Carlos sa baywang ni Irina at hinalikan ang tuktok ng ulo niya. “Ano’ng meron?”
Nilingon ni Irina si Carlos. Tumutulo pa ang butil mula sa buhok nitong bagong ligo. Amoy rin niya ang pamilyar na panlalaking pabango nito nang mas lalo pang idikit ang katawan sa kaniya.
“Bakit?” tanong ni Carlos habang nakatitig sa kaniya at naupo sa bench sa harapan niya.
Nasa pagitan ng legs ni Irina si Carlos at pareho silang nakaharap sa field na may mga naglalaro ng softball. Dumampi ang may kalakasang hangin sa kanila na naging dahilan para lumipad ang buhok ni Irina.
Mula sa likuran, niyakap niya si Carlos. Ipinatong niya ang baba sa tuktok ng ulo nito at naamoy ang minty na shampoo na siya rin mismo ang bumili.
“Gusto mong magpagupit?” tanong ni Irina. “Ang haba na ng buhok mo.”
Tumingala si Carlos at nagdikit ang ilong nilang dalawa. Nakakuha pa ito ng pagkakataon para halikan siya sa gilid ng labi sabay ngiti. “Puwede naman. Samahan mo ‘ko? Okay lang sa ‘yo na medyo ma-late umuwi?”
“Sige lang,” sagot ni Irina at hinalikan ang pisngi ni Carlos.
Mas humigpit din ang yakap ni Irina mula sa likuran bago niya ipinatong ang baba sa balikat ni Carlos na hinalikan ang kamay niya.
“Magpapalinis naman ako ng kuko,” ani Irina. “Tara na?”
“Wait, babe,” Carlos rested his back on Irina. “I like this,” he murmured and shut his eyes.
Naramdaman ni Carlos ang paghaplos ng kamay ni Irina sa buhok niya kasunod ng paglandas ng suklay. Banayad lang iyon at sandali siyang nakaramdam ng antok.
“Bukas na lang kaya tayo magpagupit?” tanong ni Irina.
Umiling si Carlos. “Now na so we can just rest tomorrow. Can I stay at your condo? Please?”
Irina nodded. “Tara na? Daan na rin muna tayo ng groceries. Wala akong masyadong stock and medyo gusto kong kumain ng cornflakes and milk.”
Tumayo si Carlos at inalalayan si Irina na bumaba sa lamesang inuupuan. Siya na rin ang nagbitbit ng bag nito at hawak kamay silang naglalakad sa campus papunta sa parking area ng Arthens.
Their hands were intertwined as they talked about the campus.
Naalala ni Irina na ilang beses siyang kinumbinsi ni Krizia at Carlos na mag-transfer sa Arthens, pero hindi niya ginawa. Gusto naman niyang palaging nakikita ang dalawa, pero gusto rin niya ang Eastern University kaya roon siya nag-stay.
Nang makarating sa mall, dumiretso na muna silang dalawa sa isang salon. Naging kaugalian na rin nila iyon na kapag magpapagupit si Carlos, sa salon na pangbabae imbes na sa barber’s shop para kay Irina.
Habang ginugupitan siya, nagpapa-footspa o nagpapalinis naman ng kuko si Irina o hindi naman kaya ay nagpapagupit din.
Noong una, kabado si Carlos sa gupit ng mga babae sa salon na pinupuntahan nila hanggang sa nasanayan na lang din niya. Naging routine na nila ni Irina iyon at minsang kasama si Krizia at Jeof, ang boyfriend nitong ka-team din niya.
Mula sa salamin, nagkatinginan sina Irina at Carlos na parehong nangunot ang noo, dumila pa, at sabay na natawa.
Ibinalik ni Irina ang atensyon sa phone dahil nagbabasa siya ng libro ngunit paminsan-minsang tinitingnan si Carlos at nahuhuli itong nakatingin sa kaniya. Minsan ngingiti, madalas na kikindat.
Ilang beses na siyang nagsabi na kahit sa barber’s shop na ito magpagupit, okay lang at sasama siya. But Carlos would always insist na magkasama na lang sila sa salon para may sarili raw siyang pamper time.
Pagkatapos naman sa salon, dumaan sila sa grocery para bumili ng stock ni Irina sa condo. Carlos decided to stay until Monday morning. Sa condo na raw niya kasi ito manggagaling bago pumasok sa school.
Nagluto si Carlos ng pesto pasta at steak para sa dinner nila. Pinag-usapan nila ang tungkol sa semester dahil pareho silang medyo nahihirapan.
Kasisimula pa lang ng first semester, pero may subjects nang hindi nakatutuwa. Third year college na siya, dalawang taon na lang din. Pareho sila ni Carlos at sabay silang ga-graduate.
“Magda-draft ka ba kaagad sa professional league?” tanong ni Irina habang nakatingin kay Carlo.
Pabagsak na sumandal si Carlos sa dining chair at uminom ng tubig. “Nakausap na rin ako ni coach about it. Mayroon pa kasi akong three years.”
Tumango si Irina at hindi sumagot.
“Sinabi sa ‘kin ng management na puwede pa ako mag-enroll ng second course sa university para makuha ko pa ‘yung remaining one year.” Umiling si Carlos. “But I’m planning to draft next year, after the last season before my graduation. Ayoko nang mag-extend.”
“Whatever you think is best,” Irina said. “Ready ka bang iwanan ang team, if ever?”
Carlos looked down. “I think, yes? I’m not sure yet. Wala pa rin ako sa situation, babe, kaya hindi rin ako makapag-decide talaga. I still have two seasons to think about it. Mag-e-enjoy na muna ako.”
Irina reached for Carlos’ cheek and caressed it without saying anything. Carlos kissed the back of her hand and asked if the food was okay. As always, it was. Masarap naman talagang magluto si Carlos.
Nag-insist si Irina na siya na ang bahalang maglinis sa kusina, pero sinamahan pa rin siya ni Carlos. Siya ang nagbabanalaw, si Carlos ang nagtutuyo.
“By the way, babe,” Carlos breathed. “If I’ll do well this year, magiging team captain ako next season.”
Pinatay ni Irina ang faucet at nilingon si Carlos. Malapad siyang ngumiti dahil alam niyang pangarap iyon ng boyfriend niya.
“I know you’ll do well this season,” Irina cheered. “Sobrang proud ako sa ‘yo.”
Carlos leaned and kissed Irina’s temple. He whispered I love you and she did the same.
Masaya nilang pinag-usapan ang tungkol sa mga posibleng plano nila sa hinaharap. Information technology ang course ni Irina, pero wala pa siyang naiisip na gagawin after graduation. Si Carlos naman ay naka-focus sa professional league.
Sumandal si Irina sa counter ng lababo. “Hindi ko pa alam kung ano ang gagawin ko. Maybe I’ll wo—“
“What if we’ll open a business you can manage?” Carlos suggested. “Anything you want while I play. Para hindi ka na mamasukan sa iba.”
Napaisip si Irina. “I don’t know. Let’s see. We still have years to decide, so bahala na.”
Carlos agreed.
After dinner, Carlos decided to watch some movie while Irina was busy with her reaction paper. Pareho naman na silang sanay sa ganoon at pareho nilang hindi pinakikialaman ang isa’t isa.
Kung sa practice, busy si Carlos. Sa school works, busy si Irina.
Gusto rin kasing tapusin ni Irina ang reaction paper para kinabukasan, time nila ni Carlos. Kung aalis man sila o mag-i-stay lang sa condo, wala nang pending task na kailangang tapusin.
Nasa dining table si Irina na nakaharap sa laptop, nasa sala naman si Carlos at nakaharap sa TV. Sandali niyang nilingon ang girlfriend niyang seryosong nag-iisip at minsang nagta-type.
It wasn’t love at first sight, but Carlos became attracted to Irina the first time they met that he had to ask Krizia, her bestfriend, for her number. Nasa iisang university sila kaya madali niya iyong nagawa.
Carlos always loved Irina’s expressive eyes—dark brown, almond-shaped, but a little downturned and dopey. It actually depends on Irina’s emotions.
Napakaamo ng mukha ni Irina na kahit siya mismo, hindi alam kung paano ba niya ito naging girlfriend. He would sometimes stare at Irina and would question himself like ‘what the heck happened?’
Irina loved tying her long hair into a messy bun with a few covering her face.
“Babe?” Carlos called Irina’s attention.
“Yes, baby?” Irina responded in a low voice without looking at him.
Carlos didn’t respond. He stared at Irina, who scratched her eye, fixed her bangs, sipped some tea, and sniffed before crossing her arms as if thinking.
“Babe, why?” Irina was focused on the screen.
Wala ulit sagot si Carlos na nanatiling nakatingin kay Irina na nagpatuloy sa pag-type, binuklat ang libro, sandaling nagbasa, bago nag-type ulit.
“Babe?”
Finally, Irina looked at him.
“Why?” Irina’s brows furrowed. “Hmm?”
Carlos didn’t say anything. He shook his head, stared at Irina for a second, smiled widely, and continued watching.
“Carlos Lester Villaluz.” May diin ang pagtawag ni Irina at lumingon si Carlos na may nakalolokong ngiti. Hindi niya alam kung ano ba ang problema nito, kung bakit ayaw sabihin sa kaniya. She became curious. “Ano ‘yon?”
“Wala.” Umiling si Carlos. “You’re so serious.”
Irina frowned. “Ano nga ‘yon?”
Carlos shook his head and chuckled. “It’s nothing. I was just looking at you. So pretty.”
“Ano ba ‘yan!” Irina blushed. “Now, I’m conscious.”