“Why would I wanna marry you?” Tristan said seriously. “We haven’t seen each other in years, and you’re asking me to marry you out of nowhere. Did dark world mess your head that bad?”
Garrie stared at Tristan, who made himself busy by reading some papers. She took a moment to roam her eyes around the basement, and everything was an eyesore. Wala man lang bintana. Puro gamit, puro papel, bakal, at mga tool na hindi siya siguro kung para saan. Thankfully, the place was cold and didn’t smell foul. Though it kind of smells like fireworks? She couldn’t point a finger on it.
Tristan’s question was valid. But she had no other choice.
“I’m desperate,” Garrie relaxed her arms.
“Saan? Last I heard, nakatira pa rin naman kayo sa school ng mom mo, right?” Tristan stared at her. “Ano’ng nangyari?”
She took a deep breath. “I need your help.”
“Kung kailangan mo ng tulong, bakit kailangan kong magpakasal sa ‘yo? Why don’t you just ask for help instead of straight up asking me to marry you?” Tristan asked curiously. Naningkit pa nga ang mga mata nito habang nakatitig sa kaniya na para bang pinag-aaralan ang bawat sasabihin niya.
Again, another valid question.
“Dad asked me to ask you. Hindi ko rin naman gusto, but he suggested I talk to you and propose something like this,” Garrie said truthfully.
Kita niya kung paanong tumaas ang gilid ng labi ni Tristan bago inalis ang tingin sa kaniya. Kinuha nito ang isa pang papel, binasa iyon at mahabang katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa.
Kung tutuusin, hindi rin alam ni Garrie kung ano ba ang pumasok sa isip niya para gawin ito, pero ito na lang ang nakikita niyang solusyon para sa kanila. Ares was unavailable. Isa pa, hindi sila talo. She heard Jakob was married. Martin was with someone, too. Hindi naman niya puwedeng pakasalan si Ice. Hindi sila talo.
Garrie bit her lower lip. “I need to protect my daughter, Tris. Hindi puwede si Ares, si Jakob, at Martin. Dad suggested na makipag-usap ako sa ‘yo, subukan ko kung puwede.”
Tristan didn’t say a word and continued reading a piece of paper.
“Dad’s weak at alam niyang bilang na lang din ang araw niya. I asked Ares if we can stay in Olympus, he was okay with the idea, but dad still insisted I talk to you,” pagpapatuloy ni Garrie.
Patagilid na tumingin sa kaniya si Tristan. “Nasa magulong mundo na tayo, sunod-sunuran ka pa rin talaga kay Tito Eldrick? Bata pa lang tayo hanggang bago magulo ang lahat, sinusunod mo ang gusto niya kahit hindi mo gusto.”
Natahimik si Garrie sa sinabi ni Tristan.
“Naging rebelde ka na nga noong college dahil sa kaniya ‘tapos hanggang ngayon, sumusunod ka pa rin talaga? Margarette, we’re in the dark world. You can already say no,” ani Tristan sa mababang boses. “Besides, wala akong planong mag-asawa.”
Pumikit siya at sandaling nag-isip ng sasabihin kay Tristan. Halos bumaon na ang kuko niya sa sariling palad bago tumalikod dahil ayaw na niyang makipagtalo. Alam niyang imposible itong pakiusap niya. Alam niyang malabo dahil kahit noon pa man, mahirap na itong kausap. Magkakilala sila, isang circle of friends, pero hindi close. She couldn’t even remember any conversation between them aside from hi and hello.
Akmang hahakbang na siya paakyat ng hagdan dahil ayaw na niyang ituloy ang pakikipag-usap na ito kay Tristan nang maalala si Meredith, ang anak niya. Nakaramdam din siya ng hiya kung bakit ba kailangan niyang humatong sa ganito, pero gagawin din niya ang lahat para kay Mer.
“Tristan.”
“What?” pabalang ang pagkakasagot nito na tumingin sa kaniya. “Margarette, it’s a no. If you’re after safety, you can easily talk to Jakob or Ares or Martin. Puwede kayong tumira sa grupo nila. Your daughter will be safe. You don’t have to marry me or anyone else just to—” Tumigil ito sa pagsasalita. “Is Tito Eldrick still verbally abusing you?”
Napansin ni Tristan ang panlalaki ng mga mata ni Garrie dahil sa sinabi niya.
“My dad told me about how cruel your dad is towards you,” pag-aamin ni Tristan. “Ang gulo na ng mundo. Matuto kang humindi sa kaniya. Explain to him tha—”
“Never mind, Tristan,” pinilit ni Garrie ang ngumiti para lang matapos na ang usapan. “Sorry I asked. Sinunod ko lang ang sinabi niya sa ‘kin and I’m sorry.”
Mahinang natawa si Tristan at umiling. Bumalik na rin ito sa pagbabasa ng mga papeles mula sa lamesang maraming gamit. Nakita niya ang ilan sa mga baril, kutsilyo, at mga bala. Marami siyang gustong sabihin ngunit para siyang napipi at hindi alam kung saan magsisimula. Nagmadali na siyang lumabas ng basement para huminga. Sigurado siyang wala pa si Ares kaya maghihintay na lang siya sa balcony ng bahay ni Tristan.
Bungalow ang bahay ni Tristan na mayroong basement. Nakatayo ito sa sulok ng kampo, sa parteng maraming puno. Tanaw niya ang isang building na sigurado niyang headquarters noon ng national police at ginawang tahanan ng mga tauhan sa kampo. Maraming naglalakad na lalaki. Ang iba naman ay nag-e-ensayo sa training field na mukhang oval. There was even a stage and people were also training on it.
Malaki at malawak ang buong lugar. Halos lahat ng parte ay mayroong mga bantay na may malalaking armas. Literal big guns. Naka-park din sa kanang parte ng kampo ang mga sasakyan, truck, motor, at sirang helicopter na wala na ring elesi. Naupo siya sa isang baitang ng balcony para obserbahan pa ang kampo na ipinagmamalaki palagi ng daddy niya.
“Walang babae sa kampo. Walang bata at walang mga babae.”
Nilingon niya si Tristan na nakapamulsang lumabas ng bahay.
“Kaya hindi puwede ang gusto mo,” anito na naupo sa tabi niya ngunit mayroong sapat na espasyo sa gitna nilang dalawa. “Hindi pa rin ba nagbabago si Ninong?”
Mahinang natawa si Garrie. “Malabo. Mas naging worse pa nga. Actually, hindi ikaw ang choice niya. Ako mismo ang namili sa ‘yo. Ako mismo ang nagsabi sa kaniyang ikaw ang pakakasalan ko kung puwede ba.”
“Bakit?” nagsalubong ang kilay ni Tristan. “Merong iba?”
Yumuko si Garrie at kinuha ang tuyong dahon na nasa sahig. Sandali siyang natahimik. “That old man wanted me to go and live with Admiral Suaverdez. Fuck,” umiling siya at mahinang natawa. “They’re almost the same age, Tristan. Kamamatay lang ng asawa ni Admiral, gusto kaagad ng tatay kong sa kaniya na ‘ko?”
“Can’t you just say no?” Hindi inalis ni Tristan ang tingin sa kaniya. Mukhang hindi rin nagulat sa sinabi niya.
“Sa bawat no, yes lang ang naririnig ng tatay ko,” mahinang natawa si Garrie. “Kung ako lang siguro, papayag naman ako, eh. Mas maraming tauhan si Admiral kaysa sa daddy ko. Mas mapapakain niya ‘ko, pero si Meredith ang inaalala ko. Kung ako lang naman, papayag na lang ako. Sa gulo ng mundong ‘to, sinusugod pa kami minsan ng mga rebelde, papayag na lang ako. Pero si Meredith. I can’t trust my daughter with anybody else, Tristan.”
Tristan was subtly observing Margarette, who was staring at nowhere. She was no stranger to him. Noong normal pa ang mundo, hindi secret sa kanilang magkakaibigan ang pagtakas nito para sumama sa mga kaibigan. Kung paano ito magtago sa tuwing mayroong ibang makakakita at kung paano magbago sa tuwing kaharap ang mga magulang. Kung paano pagtakpan nina Ice, Ares, at Jakob si Margarette kapag sumasama sa kanila.
Margarette’s hair was long but tamed. Silky straight, just like before. He then wondered how this woman could maintain her hair.
“You are so thin,” Tristan uttered while looking at Margarette’s arms. “But I am sorry, this isn’t part of my plans, nor have I even thought about this. Maybe you can convince Ares. He’s single.”
Humalakhak si Tristan nang makita kung paanong nangasim ang mukha ni Margarette dahil kahit noon pa man, madalas na ring magbangayan ang dalawa dahil may pagkapikon ito, alaskador naman si Ares.
“Baka pagtawanan lang din ako no’ng asong ‘yon,” umiling si Garrie at tumayo. “Anyway, at least I tried. Tingin mo, magtatagal ba si Ares sa Beta? Gusto ko na ring umuwi para kay Mer.”
Tumayo na rin si Tristan. “I’ll just get my keys. I’ll bring you home.”
Garrie protested, but Tristan didn’t listen. Wala siyang nagawa kung hindi maghintay at dinama ang malakas na simoy ng hangin ng kampo. Naririnig din niya ang mga tuyong dahon na nililipad at tumatama sa mga damo.
The entire place was neat but not ideal for kids. Tristan was reasonable.
Hindi nagtagal, lumabas ito ng bahay at hindi niya sinasadyang pasadahan ito ng tingin. Sobrang tindi ng glow up. Hindi naman niya maikakailang gwapo na rin talaga si Tristan noon pa. Matangkad kasi ito at maputi. Mukhang mabango. The straight nose, defined jaw, and cleft chin also made him look like a boy-next-door.
But now, it was different. From boy-next-door to action star real quick.
Suot nito ang dark jeans, dark blue hoodie, at combat shoes. The hair was in a loose, slick back making Tristan had a messier look.
“Why are you looking at me like that?” Tristan gazed sideways.
Ipinaiikot din nito ang susi sa index finger habang naglalakad sila papunta sa parking lot na nasa ilalim ng malaking puno malapit sa bahay nito.
“Puwede bang ikaw na lang?” pagbibiro ni Garrie. “Just kidding. I might really end up with an old man. Tutal sinabi mo naman na old maid ako, I think I’m bagay naman kay Admiral.”
Tristan rolled his eyes. “Stop gaslighting yourself. Say no if you have to.”
“Ang daling sabihin ‘pag wala ka sa situwasyon, ‘no?” Garrie smiled widely, making her eyes chinkier.
—
Inside the car, silence dominated them. Kumportableng nakaupo si Garrie habang nilalaro ang kuko niya dahil ayaw niya sanang umuwing luhaan. Alam niyang sa susunod na araw, kukunin siya ni Admiral kahit na humindi siya sa tatay niya.
Pasimple niyang nilingon si Tristan para sana kausapin ulit ito, pero mas lalo siyang nahiya. Ibinaba na nga niya ang sarili niya para dito ngunit aware din naman siyang hindi basta-basta ang hinihiling niya.
Pero hindi rin niya maiwasang hindi titigan ang malaking braso ni Tristan dahil kung itatabi iyon sa braso niya, siguro mga three to four times.
“Feeling ko wala kang ginawa kung hindi mag-workout,” pagbibiro ni Garrie at hinawakan niya ang sariling braso. “Grabe the arms. The biceps. Mahihiya ang mga ginagawa mong baril sa sarili mong baril.”
Walang naging reaksyon si Tristan na patagilid lang tumingin sa kaniya bago ibinalik ang tingin sa daan. Isang kamay lang ang nakahawak sa manebela at iyon pa nga ang kanan kaya kita niya kung paano mag-flex sa tuwing liliko sila.
Halata namang ayaw nitong makipag-usap kaya nanahimik na lang din siya. Ayaw niyang biglang ibaba sa daan na hindi pamilyar sa kaniya. Isa pa, dinama na lang niya ang malamig na aircon ng Land Rover ni Tristan. It had been long since he rode this kind of car. Naka-Hummer naman si Ares, pero iba rin naman ito.
Nakarating sila sa isang subdivision. Mayroon pa ring ilang nakatira sa lugar na ito ngunit bilang na bilang dahil na rin ilang beses nang napasok ng mga rebelde. Sa loob ng mismong subdivision, mayroong montesorri na pag-aari ng mommy ni Garrie. Iyon ang ginawa nilang sanctuary simula nang magulo ang mundo at ilan sa mga tauhan ng daddy niya sa militar ang nagsilbing bantay nila.
Naging alerto ang mga bantay nang makita ang sasakyan ni Tristan kaya pinahinto niya ito.
“Okay na. Thank you sa paghatid.” Tinanggal ni Garrie ang seatbelt habang nakatingin kay Tristan. “Thank you and sorry rin sa biglaang punta. Pati na rin sa will your marry me.”
Muling tumaas ang sulok ng labi ni Tristan ngunit isang tango lang ang naging sagot nito. Nagpaalam ulit siya bago tuluyang bumaba habang nanatili ito sa sariling sasakyan.
The moment she closed the car door, Garrie exhaled. She would face the old man again with nothing and would have to agree about being Admiral’s new wife. Iniisip pa lang niya, kinikilabutan na siya. Isa sa ninong niya si Admiral kaya noong nalaman niya ang tungkol sa naging pag-uusap tungkol sa kaniya, diring-diri siya sa sarili niya.
Pagpasok sa loob ng school, naabutan niya si Meredith na nakikipaglaro kay Johanna, isa sa dating nursery teacher ng montersori at siyang nangangalaga kay Mer kapag kailangan. Mabait ito. Ito pa nga ang nagturo sa kaniya kung paano mag-alaga ng bata.
Mer was playing by the swing and laughing. Hindi muna siya lumapit sa anak at lumapit sa tatay niyang nasa wheelchair.
“Dad.”
Tumingin ito sa kaniya, salubong ang kilay, at parang iritableng narito na naman siya. “Ano? May napala ba ‘yang pag-alis mo? Matigas kasi masiyado ‘yang ulo mo. Ayaw mong makinig sa ‘kin. Hindi ka marunong makinig.”
Deretsong nakatayo si Garrie at katabi ang daddy niya habang pareho silang nakaharap kay Meredith na humahalkhak dahil malakas ang pagkakatulak sa swing.
“Walang napapala ‘pag matigas ang ulo, ‘di ba?” pagpapatuloy nito. “You’re letting your stupidity ruin your life again. You’re stupid during the normal world, bobo at tatatanga ka pa rin ngayon. Start packing your things. Ricardo will pick you up the day after tomorrow. Please, Margarette. Paganahin mo naman ang utak mo ngayon. Alam kong hindi ka matalino, pero huwag mo naman akong ipahiya ngayon.”
By hearing the man’s name, Garrie wanted to throw up, and all he said was, “Okay po.” Ganiyan naman palagi dahil kung hindi, isusumbat na naman lahat sa kaniya.
Unknown to Garrie and Eldrick, Tristan was behind them, listening.
“Long time no see, Ninong.”
Both faced Tristan, and shock was written on Garrie’s face.
“T-Tristan. A-Ano’ng ginaga—”
Tristan gave Garrie a look that made her shut up. He faced Eldrick. “Ninong.”
—
Leave a Reply
View Comments