Literal na nanlaki ang mga mata ni Garrie nang makita si Tristan. Nagmano pa ito sa daddy niya nang makalapit sa kanila. Saglit itong tumingin sa kaniya bago ibinaling ang atensyon sa ama niyang malapad ang ngiti nang makita ito.
“Akala ko mamamatay akong hindi kita nakikita, eh!” masayang sambit ng daddy ni Garrie. “Hinatid mo ba ‘tong si Margarette?”
Tumango si Tristan. “Yes, Ninong. How are you? Looking good!”
“Bolero ka talagang bata ka! Ito, hindi na ‘ko makalakad. Mahina na,” mahinang natawa ang matandang hindi maitago ang tuwa nang makita si Tristan. “Ikaw ang kumusta? You changed a lot! How are you?”
“I’m good,” ani Tristan at sinalubong ang tingin ni Garrie. “Busy ako sa kampo and we’re doing okay.”
Ipinalibot ni Tristan ang tingin lugar. Maayos at malinis naman. Mukha pa rin school maliban na lang sa mga hydroponics na nasa dulong parte ng school. Napansin din niya na hindi ganoon karami ang tao sa loob kumpara sa grupo nila, pero mayroon pa ring mga dating militar.
“Mabuti naman at inihatid mo ‘tong si Margarette para naman makita ulit kita. Nabanggit nga sa ‘kin ni Ares na maayos ang lagay n’yong lahat. Mabuti ‘yan. Hindi kayo nagpatalo sa magulong mundo,” mahinahong sabi ng matanda. “Mahirap ang buhay, pero mabuti at nakakayanan n’yo.”
Samantalang pasimpleng inobserbahan ni Garrie ang pag-uusap ng dalawa at hindi naiwasang nakaramdam siya ng inggit. Her father was vocal about the disappointment of having just a daughter when all he wanted was a son. Hindi na nabiyayaan dahil nahirapang magbuntis ang mommy niya noon kaya siya ang sumalo ng disappointment ng daddy niya.
Pinakikinggan niya ang kamustahan ng dalawa. Her father was asking Tristan about Kampo Laurier and how he was doing. Kinamusta na never namang ginawa sa kaniya. Narinig pa niyang nag-offer ng pagkain kay Tristan, pero kapag siya, parang sumpang kumakain siya dahil pabigat na lang siya.
“By the way, I came here to talk to you about something, Ninong,” pagputol ni Tristan sa sasabhin ng daddy niya tungkol sa mga armas. “Margarette and I talked. She told me you’re planning to marry her to Admiral Suaverdez?”
Ice gasped and her chin literally vibrated from nervousness. Wala naman sa usapan nila ito! Ipapahamak pa siya at malamang na oras na makaalis ito, siya na naman ang raratratan ng daddy niya. Malamang na kung ano-ano na namang salita ang maririnig niya.
Hindi siya nagkamali nang masamang tumitig sa kaniya ang daddy niya at halatang hindi nagustuhan ang ginawa niya.
“Admiral’s your age, right?” Tristan frowned.
Garrie’s father nodded without a word.
“First option?” Tristan asked.
“Wala namang ibang puwede. I was thinking about her safety. I’m not getting any younger and—”
Mahinang natawa si Tristan at umiling. “Nakakatampo ka, Ninong.” Tumingin ito sa kaniya. “Bakit hindi ako ang first option? You knew me and I already know Margarette.”
Mas nagulat si Garrie sa lumalabas sa bibig ni Tristan dahil firm ito sa pagsabi sa kaniya kanina na hindi ito papayag sa alok niya at wala rin naman sa usapan nilang magpapakita ito sa daddy niya. Gusto niya itong hilahin palayo para kausapin dahil ayaw niyang mag-expect ang daddy niya sa wala lalo na at siya ang malilintikna.
“Why?” Her father frowned. “Why would you even want her?”
And there was a painful stab in her chest after hearing those words. Ilang beses na niyang narinig iyon sa daddy niya.
“You are a single man,” pagpapatuloy nito habang nakatingin sa kaniya. “Ricardo doesn’t mind her having a child. He was okay with Margarette. He just wanted a companion.”
“What do you mean?” Nagkrus ang mga baso ni Tristan at tumingin kay Garrie na nakayuko.
“No one wants a woman with a child,” Garrie’s dad confidently said in a higher tone making her look down. Sanay na siyang marinig ito. Halos araw-araw simula nang ipagbuntis niya si Mer, naririnig na niya ito.
There was silence until she met Tristan’s gaze.
“What’s wrong about being a single mother?” mababa ang boses ni Tristan ngunit kaagad na napalitan nang mahinang pagtawa. “Ninong naman. Magulo na nga ang mundo, ganiyan pa rin ang mindset mo. Why would you ask her to marry someone she doesn’t even like?”
Natahimik ang daddy niya sa sinabi ni Tristan ngunit masama ang tingin sa kaniya kaya umiwas siya. Ihahanda na lang niya ang sarili sa marami pang salitang puwede niyang marinig mamaya at gusto niyang sisihin si Tristan sa pagkakataong ito. She knew it was a bad idea to even come and ask him, but she didn’t expect it would be this worst. Pinag-iisipan na rin niya ngayon kung paano na naman hindi maririnig ni Meredith ang lahat.
“Bakit? Are you even willing to take her in?” Her dad asked shamelessly.
Garrie wanted just to stop the conversation because she already knew the answer when Tristan’s brows moved as if asking her to keep quiet.
“Why not? If only you asked me first. But I need to talk to Margarette first if she wants me,” Tristan said while staring at her.
Her mind was screaming at this point. Gusto niyang sabihin kay Tristan na kung puwede lang, sabihin na nito lahat sa daddy niya dahil sa makalawa, kukunin na siya ni Admiral. Alam niyang hindi na siya makakaalis doon kung sakali man.
Umiling at malalim na huminga ang daddy niya sa sinabi ni Tristan. “Or she’s stupid enough to turn you down. I’m sorry, Tristan. As much as I want you, may usapan na kami ni Ricardo at hindi ako puwedeng mapahiya sa kaibigan ko. He’s helping me secure this place at si Margarette ang gusto niyang kapalit. Para din naman sa kanila ng anak niya ang ginagawa ko. I’m making them safe.”
Tristan observed Margarette, who tried to look away. Both hands were fisted, eyes were wandering around, shoulders were slumping, and chin was vibrating.
Hindi na rin siya nagulat sa lumalabas sa bibig ng daddy ni Margarette dahil noon pa man, problema na ito ng daddy niya. Mga maling desisyon, kumakampi sa hindi naman dapat, at madalas na nagkakasagutan ang dalawa tungkol sa trabaho.
Wala lang sa isip niya na ultimong anak, magagawa nitong ipamigay sa iba para sa safety na binabanggit.
Tristan was about to say something when a little girl ran towards them. The girl was a spitting image of Margarette—long straight, silky hair, upturned phoenix eyes, and pale skin.
“Hi, Mommy.” The little girl hugged Margarette’s right leg. “Meron ikaw dalang cupcake? Sabi mo magdala ikaw cupcake.”
Margarette gazed at him before the little girl. “Wala, eh. Hindi kami nagkita ni Tita Ice. Tomorrow na lang. Busy kasi ako kanina,” she said happily, contradicting the current situation.
The little girl shrugged and gazed at him, her little eyes squinting as if examining him. “That’s a nice dragon sa arms mo. Can we color it red? Black looks pangit.”
Sa sinabi ng batang babae, tiningnan ni Tristan ang dragon tattoo niya sa right arm. Hindi naman pangit. Masyado lang yatang judgemental ang batang babae.
He observed how Margarette called out the little girl and asked to apologize. The girl gazed at her and said sorry. Hindi naman mukhang sincere dahil inirapan pa nga siya bago tumakbo palayo sa kanila. Sumakay ito sa swing na tinutulak ng isang babaeng parang mas matanda lang kay Margarette nang ilang taon.
Sumunod si Margarette na hindi na nagpaalam sa kanila kaya nakakuha siya ng pagkakataon para lapitan ito. Iniwan niya ang daddy nito dahil ayaw na rin niyang makarinig pa ng kahit na ano.
“How’s the living situation here?” aniya nang magpantay sila ni Margarette. “Ilan kayong babae?”
“Most of the guards have their families here. Okay naman kami. Madalas na nagdadala si Ares dito ng sobrang pagkain galing sa Olympus,” salaysay ni Margarette. “But recently, two of the guards passed away. Hindi ko alam kung bakit, pero mukhang may sakit.”
Isang tango ang naging sagot ni Tristan bago ipinalibot ang tingin sa dating school building na naluluma na. Mayroong vines at mga lumot sa bawat sulok ng pader. Nabanggit din ni Margarette na ang mga classroom ang nagsilbing mga kwarto ng mga naninirahan sa lugar.
“Ano palang naisipan mo’t pumasok ka rito?” nagpatuloy si Garrie sa paglakad. “Akala ko umalis ka na.”
“I was curious about the place, and unfortunately, I heard everything,” pag-admin ni Tristan. “You’re not stupid. I actually thought you were brave enough to ask me to marry you.”
Mahinang natawa si Garrie at naupo sa plant box. Nanatili namang nakatayo si Tristan na pinagkrus ang dalawang braso habang pinanonood si Meredit sa pag-slide.
“Sabi ko nga sa ‘yo, desperada na ‘ko,” ani Garrie sa mababang boses. “Kung ako lang sana, okay lang, eh. Pero merong Meredith. Babae rin ang anak ko at mas natatakot ako para sa kaniya sa mundong ‘to.”
Tristan didn’t say anything and listened to the little girl’s laughter.
“Mommy, look!” Meredith laughed. “Push me, Ate Mikay!”
Garrie sniffed, but a smile crept into her lips while watching her daughter enjoy. “Okay na kung ako lang. Pero hindi ko alam kung ano ang madaratnan namin ni Mer doon. Wala rin namang pakialam si daddy kay Mer umpisa pa lang. He hated Mer’s dad to his guts.”
“Hmm.” Tristan looked at Garrie. “The same man during college? The varsity boy na palagi mong kasama?”
She nodded. “Naalala mo siya? Yup. He’s the dad.”
Tristan didn’t want to ask more questions. Garrie looked uncomfortable. Pinanood na lang nila si Meredith na mag-swing o minsang mag-slide habang humahalakhak. Minsan itong lalapit sa ina bago muling tatakbo.
“Kelan sinabi sa ‘yo ng daddy mo ang tungkol kay Admiral?” tanong ni Tristan.
“Last week lang,” sagot ni Garrie. “Grabe, ‘di ba? Kamamatay lang din last week ng asawa ni Admiral ‘tapos biglang ganito ang desisyon. Kinilabutan talaga ako kasi kilala ko naman siya mula pagkabata. Tito nga ang tawag ko sa kaniya ‘tapos bigla niya akong magiging asawa,” umiling ito. “That same day, I started thinking about a possible alternative. Ang goal kasi ni daddy, mas maprotektahan ‘tong lugar niya.”
Nagsalubong ang kilay ni Tristan. “Then why don’t you just runaway with Meredith?”
“Ipahahanap ako ni daddy at ni Admiral. Sinabi na ‘yan sa ‘kin ng daddy ko. He won’t stop until I’m married to someone he approves. Funny, right? We’re already here in this world, but he’s still so controlling,” Garrie laughed bitterly. “He messed up with my head for so long that fear consumed me, and I couldn’t get out. Bakit may ganiyang magulang? I don’t want Meredith to suffer the same.”
Tristan exhaled. “You can just live with Ice, or maybe we can talk to Jakob. Puwede kayo sa Escarra, that’s for sure.”
“I know,” Garrie nodded. “But Admiral won’t stop looking for me. Dad was firm about that,” she exhaled. “May ibang plano naman ako. I formulated multiple possibilities this entire week.”
Hindi gusto ni Tristan na natawa si Garrie kahit na alam niyang wala namang nakakatawa. Isa pa, kita niya ang pamumuo ng luha sa parehong mata habang nakatingin kay Meredith.
“During the normal world, I had to hide and rebel just to have fun. At least noon, kahit paano may mommy pa ako,” Garrie’s voice cracked. “Ngayon kasi parang wala na akong karapatang mamili? But at least making Meredith safe will give me peace of mind.”
“What do you mean?” Tristan asked lowly.
Garrie met his eyes. “Balak kong kausapin si Jakob na kung puwedeng sa Escarra na lang si Meredith while I stay with Admiral. Babae ang anak ko, Tristan.” Tears fell uncontrollably. “W-Wala akong tiwala sa kahit sino pagdating sa kaniya and . . . hindi ko na alam ang gagawin ko.”
Tristan looked down and heard Garrie try to suppress the wails.
“Ayokong mahiwalay sa kaniya. Si Meredith na nga lang ang meron ako, eh. Pero malakas ang pakiramdam ko na maipapahamak ko ang siya ‘pag sinama ko siya sa grupo ni Admiral,” Garrie murmured with heavy breathing. “Feeling ko, bobo talaga ako, eh. Hindi ako makaisip nang paraan. Parang blangko na lahat. Parang—”
Tumigil si Garrie sa pagsasalita, tumalikod, at mabilis na pinunasan ang luha. Lumingon siya at nakitang papalapit sa kanila ang daddy nito na masamang nakatitig sa anak. Naobserbahan ni Tristan na sa tuwing malapit sila sa ama nito, nanginginig ang kamay ni Garrie at kung paano ito umiwas ng tingin.
“Gusto mo bang ilibot kita rito sa maliit na grupo namin?” tanong ng daddy ni Garrie. “Ipapakita ko sa ‘yo ‘yong mga ibinigay ni Ares sa ‘min. Ang laking tulong sa pagkain namin ng gulay.”
Walang naging sagot si Tristan.
“Ayan ang sinasabi ko riyan kay Margarette. Matutong kumain ng gulay para hindi maging pabigat,” humalhak ang matanda na para bang may nakakatawa sa sinabi nito. “Ikaw, siguro malaking-malaki na ang grupo mo. Wala akong balita sa ‘yo, eh.”
Tipid na ngumiti si Tristan at dumiretso ng tayo. “Maayos naman, Ninong. Hindi na rin ako magtatagal. Pupunta pa ako kay Martin. It’s nice to see you alive and well, Ninong Eldrick.”
“Ako rin. I’m happy to see you. Kung puwede lang, dalasan mo naman ang pagpunta rito para may makausap akong maayos!” mahina itong natawa at nilingon si Margarette bago ibinalik ang tingin sa kaniya. “Mag-iingat ka sa pagmamaneho.”
Isang tango ang naging sagot niya bago nilingon si Margarette na nakayuko. Nakatago ang dalawang kamay nito sa likuran at hindi tumitingin sa kanila.
“Margarette, ihatid mo muna siya sa gate,” utos ng daddy nito. “Nang magkaro’n ka naman ng pakinabang.”
Garrie noded, looked at Tristan and forced a smile. Sandaling nilingon ni Tristan ang buong lugar bago nagpatuloy sa paglakad palabas at sabay silang naglakad hanggang sa labas ng gate.
“Thank you ulit sa paghatid,” ngumiti si Garrie. “Ingat ka riyan. Huwag kang magbubukas ng bintana sa highway. Minsan kasi may biglang nambabato. Medyo maraming rebelde sa area na ‘yon.”
Tumango si Tristan at hinarap si Garrie. “I’m sorry this is happening to you and your daughter, but I can’t help you, Margarette. Pupunta ako kay Martin mamaya and I might comeby Jakob’s place to tell him about Meredith.”
Nakita niya ang pamumuo ng luha sa mga mata ni Margarette at paulit-ulit na nagpapasalamat. Paulit-ulit.
Isang tango ang naging sagot niya bago naglakad papalapit sa sasakyan niya. Nakatalikod siya ngunit dinig niya ang sunod-sunod na pagsinghot ni Garrie. Hindi siya lumingon at pagsakay sa sasakyan, mas nakita niya ang situwasyon nito.
Nakatayo sa harapan ng kotse niya, nakayuko, at panay ang galaw ng balikat. He then remembered the last words his mom told him before the dark world. It was one of their previous conversations. Maybe it was one of the quotes his mom read somewhere he didn’t know.
“A mother’s love endures through all.”
—
Leave a Reply
View Comments