Dark World 3: Puwede Pa Ba Tayo – 03

“Mommy, where tayo mag-go?” tanong ni Meredith nang ilabas ni Garrie ang mga damit nilang mag-ina. “Are we going to Disneyland?”

Ngumiti siya at nilingon ang anak na nakasalampak sa sahig habang nilalaro ang lumang manika. Sinusuklay nito ang buhok ng baby doll at inaayos pa ang kunwaring diaper na gawa sa lumang basahan.

Garrie told Meredith Disneyland is the happiest place on earth. Ikinuwento niya ang tungkol sa mga prinsesa at base na lang lahat sa imagination niya dahil wala naman siyang litratong mapakita sa anak. May mga libro naman sa montesorri, but everything was educational.

“Hmm. Hindi sa Disneyland, but we’re going somewhere na maraming people!” masayang sambit niya sa anak kahit na naramdaman niya ang paninikip ng dibdib niya. “May mga book sila roon and bigger playground.”

She was unsure, of course. Hindi pa naman siya nakakapunta sa Escarra, pero nagbase siya sa mga kuwento nina Ice at Ares sa kaniya. Kung sakali mang madala si Meredith sa Escarra, sigurado rin siyang mas magiging maayos ang buhay ng anak niya lalo na at mayroong ibang bata roon. Mayroon pa nga raw school sabi ni Ice.

Jayne—also known as Ice—was one of her closest friends. Hindi naman sila bestfriends noong normal pa ang lahat. Magkaibigan sila dahil nasa iisang circle ang mga magulang nila at ito ang madalas na tumutulong sa kaniyang magpaalam sa mga magulang niya.

Her parents used to trust Ares, Jakob, and Ice kaya naman naisasama siya sa mga bar o kung saan pang puwede. Malaki kasi ang tiwala ng parents niya lalo ng daddy niya sa first and second family. Isa pa, para na rin sumipsip at baka sakaling magkaroon ng parangal tulad ng daddy ni Tristan.

Tristan and Garrie have known each other since they were kids. Their family would sometimes celebrate occasions together, but as far as she could remember, her parents were just acting for connection.

Yes, her father was good friends with General Laurier—Tristan’s father—but her father would bad mouth General occasionally because of envy. Malayo naman kasi ang connection ni General Laurier sa first family. General Laurier and President Montaner were literally best of friends since college. It was the connection her father wanted.

Nagkatinginan sila ni Mikay nang mapansin nito ang pananahimik niya habang tinutupi ang mga bagong labang damit. Alam nito ang mangyayari sa mga susunod pa at si Mikay ang pinagkakatiwalaan niyang titingin sa anak niya kung sakali mang sumama na siya sa grupo ni Admiral.

Sa tuwing naiisip niyang kinabukasan na iyon, naduduwal siya. Hindi niya maintindihan kung bakit, pero baka tama ang daddy niya. Her mind was too small for her to handle the information and to understand the situation.

Garrie was in deep thought when someone knocked. It was her father’s caregiver.

“Pinapatawag ka ng daddy mo,” sabi nito.

Tumango siya at hinarap si Mikay. “Mikay, baba muna kayo ni Mer. Paglaruin mo muna siya sa playground,” ngumiti siya. “Bababa rin kaagad ako.”

Tipid na ngumiti si Mikay dahil naintindihan nito ang ibig niyang sabihin. It was their usual routine whenever her father would call her. Ayaw kasi niyang marinig ni Meredith na sisigawan siya ng daddy niya. Ayaw niyang lumaki itong naririnig ang mga sinasabi sa kaniya ng daddy niya at ayaw niya na masanay ito sa bahay na mayroong sigawan. As much as she could, she would protect Meredith from this.

Siniguro muna niyang nasa ibaba na si Meredith bago pumasok sa katabing kwarto. Naabutan niya ang daddy niya na nakaharap sa bintana kung saan kita ang bakanteng lote sa likod ng montesorri na ginawa nilang taniman. Hindi naman ganoon kalaki ang ground, pero sapat na para tamnan ng mga makakain nila.

“Maayos na ba ang gamit mo?” tanong nito nang marinig siya. “Baka bukas ng umaga ka susunduin dito. Please lang, Margarette.”

Nakatayo lang siya sa tabi ng wheelchair nito habang hinahayaan magsalita dahil wala naman siyang ibang magagawa kung hindi ang makinig. Hindi rin kasi siya bibigyan ng pagkakataong magsalita o rumason at magiging sanhi pa ng pagkagalit na malamang ay hahantong na naman sa pagbalik sa nakaraan.

“Asikasuhin mo. Huwag kang tatanga-tanga.” May diin ang pagkakasabi nito. “For once, be a good daughter and listen to me. Huwag nang matigas ang ulo mo.”

Tumigil sa pagsasalita ang daddy niya nang kumatok ang isa sa bantay sa ibaba. Tumingin ito sa kaniya bago sa daddy niya.

“Dumating si Tristan Laurier, Boss,” sabi nito na ikinagulat ni Garrie. “Pinapasok na po namin siya.”

Nakita rin niya ang gulat sa mukha ng daddy niya. Salubong ang kilay nitong nakatitig sa kaniya. “Ano’ng sinabi mo kay Tristan?”

“W-Wala po.” Naramdaman niya ang panginginig ng kamay niyang nasa likuran. “N-Nabanggit ko lang naman po ‘yong tungkol kay Admiral. W-Wala po akong ibang sinabi. I p-promise, Dad. I did nothing wrong.”

Garrie wanted to justify that she had done nothing wrong, but her father’s expression made her shut up. Eyes glared, jaw tightened, and both hands fisted.

“Ayaw kong mapahiya kay Ricardo, Margarette,” sabi ng daddy niya bago pabalang na nag-utos na itulak niya ang wheelchair nito. “Don’t make me angry, Margarette.”

Sa tuwing sinasabi ng daddy niya ang katagang “Don’t make angry”, natatakot siya na baka si Meredith ang balikan nito. Hindi niya alam kung ano ang nasa isip ng daddy niya at kung hanggang saan ang kaya nitong gawin, masaktan lang siya.

Maingat ang bawat pagtulak niya sa wheelchair ng daddy niya kahit na lumilipad ang isip niya kung bakit nandito si Tristan. Akala niya ay tapos na ang usapan nila kahapon o baka dahil nakausap na nito si Jakob tungkol sa pagkuha kay Meredith. Ito ang gusto niyang marinig. Ito ang kailangan niya ngayon.

Naabutan nila si Tristan na nasa plantbox at katabi si Meredith. May hawak na cupcake ang dalawa at mukhang nag-uusap.

Her heart pounded knowing Meredith had been asking for cupcakes and cookies for months. Nakikita kasi nila iyon sa mga libro at pina-describe sa kaniya ng anak kung ano ang lasa. She tried so hard to explain and her daughter badly wanted to taste some. Hindi lang din siya makahingi kina Ice dahil nahihiya siya.

Nagtama ang tingin nila ni Tristan na tumayo at basta na lang iniwan ang cupcake kay Meredith at Mikay.

The man was oozing authority and confidence while walking towards them. Suot nito ang itim na T-shirt at medyo hapit na pinarisan ng tactical cargo pants na kulay dark brown, at ang combat shoes na suot din nito noong nakaraan. Salubong ang kilay nitong diretsong nakatitig sa kaniya bago bumaba ang tingin sa daddy niya.

“What brings you here, Tristan?” Her dad asked, frowning, but immediately smiled.

Tristan slightly bowed. “I wanna talk to you and Margarette privately. Is there any room we can use?”

Garrie eyed Tristan, and both of them followed her father to his “office.” It was actually her mom’s former office at doon tumatanggap ng mga tauhan o bisita ang daddy niya—kung mayroon man. Madalas na si Admiral ang kasama nito sa kwartong iyon dahil wala namang ibang nagpupunta.

Pagpasok sa loob ng opisina, kaagad na pumuwesto ang daddy niya sa bandang lamesa na para bang boss pa rin ito o parang mataas pa rin ang awtoridad. Pareho naman silang nakaharap ni Tristan dito. Kung si Tristan, mukhang walang kabang nararamdaman, si Garrie naman ay halos may mamuong pawis sa noo dahil sa kaba.

“B-Bakit ka pala nandito?” mahinang sambit niya kay Tristan na saglit tumingin sa kaniya bago ibinalik ang tingin sa daddy niya. “Tristan.”

“I’m here for Margarette and Meredith,” said in a serious tone. “I am here to tell you that I’m taking them in. Bibilhin ko sila sa ‘yo.”

“W-What?” Garrie’s dad looked surprised.

Nagulat si Garrie sa sinabi ni Tristan lalo sa term na ginamit nito. Bibilhin. Naramdaman niya ang sikip sa dibdib dahil sa terminong iyon, pero mas nasaktan siya nang tumaas ang sulok ng labi ng daddy niya.

“What’s in it for me?”

Kahit mismong si Tristan, nagulat sa sinabi ng daddy ni Garrie. It was just a test. Kung hanggang saan aabot para lang mawala na sa paningin nito ang anak.

He had a long talk with Martin and Ares last night and opened up about Garrie’s proposal and situation. Nagulat siya dahil walang alam si Ares. Wala naman daw kasing sinasabi si Garrie. Wala rin naman daw nababanggit si Ice dahil kung mayroon, malalaman nilang lahat.

And the entire night, he thought of a plan.

“Solar power enough to give you the light, a car, and guns,” aniya sa mababang boses.

Nakikita ng peripheral niya si Garrie, pero ayaw niya itong tingnan. Deretso siyang nakatitig sa matandang tumaas ang gilid ng labi dahil sa alok niya.

“Ten big guns, Tristan.” Ipinaglandas nito ang hintuturo sa labi. “They’re yours after that.”

“Deal.” May diin sa boses ni Tristan bago nilingon si Garrie. “Pack your things. Isasama ko na ka—”

“No.” Garrie’s dad said firmly. “No solar power, car, no guns… they’ll stay here. Makukuha mo lang sila kapag meron na and Ricardo will take Margarette tomo—”

Tristan chuckled and looked down. “Still a negotiator, Ninong?” he shook his head. “It’s a no. I’m taking them now, Ninong, with or without your approval. Either you let me take them, and all you requested will be delivered tomorrow, or I’ll take them, and you’ll get nothing. You choose. Either way, I’m taking them.”

Annoyance was visible on the old man’s face, and Tristan was dead serious.

“Why would you even want them?” The old man curiously asked.

“I need a wife. That’s the only answer you’ll get from me,” he gazed at Garrie. “Pack your bags, Margarette. We’ll leave as soon as you’re done.”

Hindi na kailangang ulitin ni Tristan ang sinabi dahil nagmadali na si Garrie na lumabas ng opisina ng daddy niya. Nakita kaagad niya si Meredith na masayang kumakain ng cupcake kasama si Mikay bago nagmadaling umakyat papunta sa kwarto nilang tatlo. Wala na siyang pakialam sa posibleng maging kapalit nito kay Tristan. Ang mahalaga, kasama niya si Meredith na aalis sa lugar na ito at kung saan man sila dalhin ni Tristan, tatanggapin niya kaysa mapunta sila kay Admiral.

Meanwhile, Tristan sat in front of the old man and chuckled. “Bigla akong nahiyang naging ninong kita pagkatapos mong pumayag na bilhin ko ang anak mo sa ‘yo. We’re in the dark world and maybe the situation fucked up our minds, right, Ninong?”

The old man didn’t say a word but was glaring at him.

“You’re actually lucky you still have Margarette. Halos lahat kami, walang pamilya. You still have your daughter, and you’re treating her like shit,” he exhaled. “My dad would be so ashamed he’s even friends with you.”

“That’s the thing.” Eldrick shook his head. “Iyan ang pinagkaiba namin. He’s dead and…” he smirked. “And I’m still here.”

Tristan hmmed. “Not for long.”

Nakaramdam siya ng inis at galit sa sinabi nito, pero ayaw niyang ipakitang naapektuhan siya. He wanted to let the old man see that his emotions or anything he would use against him.

Tumayo siya at muling hinarap ang matanda. “You’ll get everything you asked by tomorrow. You can trust me, Ninong. Don’t worry. But I have conditions.”

Walang naging sagot ngunit bakas ang iritasyon sa mukha at hindi gusto ang ginagawa niya.

“You’ll never find them again. Kakausapin ko si Ares na hindi na siya magpapadala ng mga pagkain dito at hinding-hindi na kayo magpaparamdam sa aming lahat lalong-lalo na kay Margarette.”

Umiling ito. “Why would I even talk to her again? I do—”

“I’m not yet done,” pagputol niya sa sasabihin nito. “No more rations from Ares. No nothing. You’ll die here alone or with Admiral. Magsama kayong dalawa. Both of you are disgusting old man who’ll soon meet their graves.”

Malalim itong huminga dahilan para ngumiti siya.

“’Yan ay kung malilibing pa ba kayo o hahayaan na lang kayong mabulok sa kung nasaan kayo,” aniya na kaagad nagpawala sa nakagagong ngisi ng matanda. “Anyway, I’ll get going, Ninong. It’s nice to talk to you.”

Tristan didn’t let the man say a single word and just left the room. He immediately saw Garrie’s daughter eating the cupcake he got from St. Pierre.

He wouldn’t even consider this if it weren’t for his deep conversation with Martin. Tama ang kaibigan niya. Ngayong alam na niya ang tungkol dito sa lugar na ito, hindi na ito mawawala sa isip niya. Malamang na kung sakali mang mayroong mangyaring hindi maganda sa mag-ina, habambuhay niyang maiisip dahil siya lang ang nilapitan tungkol sa situwasyon ito.

Maybe Martin was right. Garrie thought he could protect them; perhaps he was the last hope. Knowing they hadn’t seen each other for years and out of nowhere, she would come and ask him about something he had never thought of… spoke volumes.

Lumapit siya sa anak ni Garrie na kaagad ngumiti. Puro icing ang bibig nito. The pink icing were all over the little girl’s mouth and chin.

“You’re a messy eater,” Tristan said in a low voice. He wasn’t even smiling.

“Mommy said cupcakes are sweet.” The little girl squinted while looking at him. “I don’t know what sweet is. Lagi ako nag-eat ng rice with water.”

The woman beside the little girl laughed and looked at him. “Lugaw po ‘yon. First time rin po kasi niyang makatikim ng matamis. H-Hindi rin kasi siya pinapakain ni Garrie ng mga ganoon kasi baka raw hanapin.”

Hindi siya sumagot. Nanatili siyang nakatingin sa batang tuwang-tuwang kumakain ng cupcake. Panay pa ang sabi nito na masarap ang binigay niya at kung mayroon pa ba dahil kakain ulit mamaya.

Tristan wanted to smile but didn’t. He didn’t like the attachment.

The woman beside the little girl was alerted and looked worried. Sinundan niya kung saan ito nakatingin at nakita si Garrie bitbit ang dalawang backpack. Dinaanan lang nito ang amang nakatingin sa kaniya at lakad takbong lumapit sa kanila.

“S-Saan kayo pupunta, Garrie?” Mikay worriedly asked. “Aalis kayo ni Meredith? T-Teka.”

He saw hesitation from Garrie, who gazed at him. “Friend ko pala siya, si Michaela. Siya ang nagbantay kay Mer simula pagkapanganak.”

Ibinalik niya ang tingin sa babae na halata ang lungkot at takot sa mukha. “Mag-isa ka lang din ba rito? Do you have your own family?”

“Wala.” Si Garrie na ang sumagot. “Kamamatay lang ng tatay niya noong nakaraang buwan. Siya na lang din mag-isa.”

Tristan nodded. “Then pack your things. Sumama ka na dahil ikaw naman ang tumitingin dito sa bata. Bilisan n’yo na. I’m starting to hate this place so please. If you can move faster, just please do so.” Humarap siya kay Garrie. “Dalhin mo na ‘yan sa sasakyan. I’ll also be in the car.”

“Puwede ba tayong mag-usap?” Garrie asked lowly.

“We will. Later.” Tristan gave her a nod. “Don’t talk to him or say goodbye. Just . . . leave this place.”

error: Content is protected !!