No Pain All Gain – 00

‘Something’s wrong.’

Iyan ang unang naisip ni Aibe habang nakatitig sa kisame. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari, pero sigurado siyang may mali.

Alas kwatro pa lang ng umaga, gising na siya dahil ang bigat-bigat ng dibdib niya. Parang may nakadagang bagay na hindi niya alam kung ano.

Sinubukan niyang huminga nang ilang beses, baka sakaling maibsan ang bigat at sakit na hindi niya mawari kung ano. Paulit-ulit niyang iniisip kung ano ba ang ginawa niya kahapon, noong isang araw, noong isang linggo. Pero wala siyang maisip na dahilan para makaramdam nang ganoon.

Kinuha ni Aibe ang phone sa gilid. Naka-charge pa iyon mula kagabi dahil maaga siyang natulog. Ni hindi na siya nakakain ng dinner na binili niya pa sa kabilang kanto dahil nag-crave siya sa pancit bihon na maraming lechong kawali.

Excited dapat siyang uuwi para kumain, ngunit nang makapasok sa bahay, bumigat ang pakiramdam niya dahilan para matulog na lamang.

Bumangon si Aibe at nagsuot ng workout clothes niya para mag-jogging sa UP Diliman. Maaga na rin naman, paniguradong marami nang tao roon. Gusto niyang i-release ang stress at anxiety na nararamdaman niya.

She was overthinking, that was for sure.

May kalayuan ang UP Diliman sa tinitirhan niya, hindi iyon walking distance kaya naman kinailangan niyang mag-book ng Grab. Madilim pa ngunit pasilip na rin ang araw.

Aibe breathed multiple times, trying to calm herself, but couldn’t.

Nang makarating sa UP, hindi na siya nag-aksaya ng panahon. Kaagad niyang isinuot ang aipods, tinalian ang buhok, masikip na masikip halos ramdam niya ang pagbanat ng anit niya, hinigpitan ang pagkakatali ng sintas ng sapatos, at nagsimulang tumakbo.

Mabagal sa umpisa, warming up muna . . . hanggang sa maisipan niyang bilisan. Madalas naman niya iyong ginagawa kaya hindi na siya nabigla.

Mabilis, mabagal, depende na lamang kung kailangan niyang huminga. Humihinto rin siya kapag kinakailangan.

Ramdam ni Aibe ang pagdaloy ng pawis sa iba’t ibang parte ng katawan niya. Nag-iinit na rin siya, nagsisimula na ring gumaan ang pakiramdam, at mas nakahihinga na siya ng maayos kumpara nitong mga nakakaraan.

Habang nakaupo sa gilid ng puno, nakaharap si Aibe sa papasikat na araw. Umiinom siya ng tubig mula sa bote nang marinig niyang tumugtog ang kantang Love the Way You Lie ni Rihanna at Eminem.

Biglang kumabog ang dibdib niya. For some reason, Aibe struggled to breathe but she tried to calm herself. Dahil bago tumugtog ang kantang iyon, nakatitig siya sa kalangitan at humingi ng sign.

Kaagad niyang hininto ang kanta at sinubukang tawagan si Yuel, ang boyfriend niya. Walong taon na silang magkasintahan, simula college. Biglang gusto niya itong makausap kahit na magkasama lang sila kahapon . . . kahit na katatapos lang nilang mag-usap kinagabihan bago siya matulog.

Pero hindi niya ginawa. Nakatitig lang siya sa phone niya kung saan wallpaper niya ang picture nilang dalawa na kuha pa sa Palawan noong isang buwan. They celebrated their eight year anniversary in Palawan, regalo nila sa isa’t isa.

Tuluyan nang sumikat ang araw, hindi niya nagawang tawagan si Yuel. Nagmadali na rin siyang umuwi dahil may pasok siya sa opisina. Aibe’s working as an executive secretary from a known bank. Boss niya ang vice president ng nasabing kompanya.

Buong maghapon niyang isinubsob ang sarili sa trabaho para kalimutan ang nararamdamang bigat sa dibdib. Ayaw niyang mag-isip ng kahit na ano, hindi siya ganoon. She’s not an overthinker ngunit ilang araw na siyang nag-iisip ng kung ano-ano.

Parang mayroong mali na hindi niya pa alam kung ano.

“Are you even okay?” tanong ni Lory, ang katrabaho niya. “Kanina ka pa tahimik, kahit si boss, nahahalata ka na. Tinanong niya ako kung okay ka lang daw ba, you’re not even smiling!”

Ngumiti si Aibe, more like . . . pinilit na ngumiti. “Okay lang ako, medyo wala lang akong tulog. Saka medyo nagugutom na ako.”

“Paano naman kasing hindi ka magugutom, eh hindi ka kumain. Hindi ka nag-lunch, ‘di ba? Ano bang nangyayari sa ‘yo?” Lory curiously asked. “Something’s really bothering you. Kung ano man ‘yan, magiging maayos din ‘yan for sure.”

Kaagad na kinagat ni Aibe ang ibabang labi dahil hindi niya alam kung tama ba ang nararamdaman niya o sadyang nag-iisip lang siya ng mali. Tumingin siya kay Lory. May asawa na ito at may mga anak. Mas matanda rin ito sa kanya nang limang taon, pero parang barkada ang turingan nilang dalawa.

Aibe was twenty four, a marketing graduate, same with Yuel.

Classmates silang dalawa, roon sila nagkakilala. Simula noon, hindi na sila nagkahiwalay. Naisipan na rin nilang magpakasal. Pinag-uusapan na nila iyon, pero hindi pa sila engaged. Nagkaroon lang sila ng plano.

Nagpaaalam muna siya para mag-restroom lalo na at naramdaman niya ang pagbigat ng dibdib at habang nakatitig sa salamin. She looked physically fine, she looked normal . . . but emotionally? She wasn’t okay.

Nang makalabas, kaagad siyang dumiretso sa cubicle ni Lory at naupo sa tabi nito. Lory was confused while looking at her, malamang naghihintay lang din na magsalita siya.

“So, anong nangyari?” tanong ni Lory na nakakunot ang noo.

Aibe sighed real hard. “May asawa ka na, Lo, ask ko lang . . . kapag may hunch ka, madalas ba tama?”

Matamlay itong tumango na para bang may inaalala o iniisip. “Oo, madalas. Mas mabuti pa rin na i-confirm mo. Hindi mo kasi alam kung anong malalaman mo. Madalas, tama siya . . . minsan naman nagkakamali.”

Hindi nagsalita si Aibe at nanatiling tahimik na nakatitig sa kaibigan. Ayaw niyang mag-isip nang kahit na ano, pero iba na ang nararamdaman niya. Mabigat na mabigat na para bang may kailangan siyang malaman.

“Ano bang nangyayari?” nag-aalalang hinaplos ni Lory ang buhok niya.

Kagat-labing umiling si Aibe at tipid na ngumiti. “Wala naman. Pakiramdam ko lang, may mali.”

“Isa lang masasabi ko.” Ngumiti ito habang hinahaplos pa rin ang mahabang buhok niya. “Trust your guts. Kapag may mali, malamang na mayroon. Nasa sa ‘yo na lang ‘yon kung tatanggapin mong mali ‘yon . . . o tama.”

Tango lang ang isinagot ni Aibe bago bumalik sa sariling cubicle. Hindi rin niya alam kung tama ba ang nararamdaman niya. Ayaw niyang pag-isipan nang masama si Yuel, but for some reason, she wanted to confirm.

Nag-order siya ng paborito nilang pagkain sa isang Italian restaurant. Aibe planned to visit her boyfriend, to surprise him. She even asked her boss if possible ba na mag-undertime siya para makabili pa siya ng paborito nilang cake. She wanted to have a simple dinner with her boyfriend.

That was it.

Luckily, her boss understood. Bihira naman kasi niyang gawin iyon at mas madalas pa nga siyang nasa overtime.

Aibe booked a Grab, maraming stops para sa mga bibilhin niya para din isang sasakyan na lang. Nakikipagkuwentuhan pa ang driver sa kaniya at natutuwa na sana raw, lahat ng girlfriends, ma-effort.

Nakangiti lang siya at excited na puntahan ang boyfriend niya. Palagi rin kasing ito ang bumibisita sa kaniya kaya ngayon na lang ulit niya ito mapupuntahan sa condo nito.

Pagbaba, tumingin muna si Aibe sa building. Siguro, dalawang buwan na rin simula nang huling apak niya sa lugar na iyon dahil mas madalas silang nagha-hangout ni Yuel sa labas.

Pinaglista siya sa receiving area katulad ng dati. Napansin din niyang bago ang mga nasa concierge kaya hindi pa siya kilala ng mga ito.

Panay ang salamin ni Aibe pagpasok ng elevator. Alas sais na rin ng gabi, malamang na pauwi na si Yuel. May susi naman siya ng condo nito kaya makapapasok siya kahit wala ito. She also didn’t bother sending him a message since surprise naman ang gagawin niya.

Bumukas ang elevator, ilang unit lang ang layo noon sa unit ni Yuel.

Habang kinukuha niya ang susi mula sa bag lalo na at marami siyang bitbit, nakarinig siya ng tugtog mula sa loob. Aibe frowned, she even looked at her watch. Imposibleng nasa condo na si Yuel.

Aibe had no choice but to knock. Baka dumating na nga, wala lang siyang idea but to her shock, a woman with a gorgeous face opened the door. Sandali siyang napatitig sa mukha nito. Matangkad ito kumpara sa kaniya, matangos ang ilong, medyo namamaga ang mga mata na parang kagagaling lang sa pagkatulog, pero mas dumako ang tingin niya sa suot nito.

T-shirt ni Yuel.

“Hello.” Pati boses ng babae ay malambing. “Are you looking for Yuel? Wala pa siya, e. Though nag-message naman na pauwi na siya.” Ngumiti ito. “May I know . . . sino sila?”

Aibe tried to smile to hide the shock. Ayaw niya rin munang mag-assume. “O, nagpabili kasi sa akin si Yuel ng pagkain. Dinadala ko lang.”

“Oh, okay.” The woman smiled widely. “Ikaw ba ‘yung best friend niya? Halika, pasok ka muna. Nakita na kita sa pictures. Yuel told me you’re his best friend. I’m so glad I met you.”

Parang may sumaksak sa dibdib ni Aibe nang marinig ang sinabi ng babaeng kaharap. Bigla siyang nanliit dahil dito. Hindi alam ang isasagot lalo nang makita kung gaano kalaki ang tiyan nito.

Niluwagan nito ang pintuan para papasukin siya. Ibinaba niya kaagad ang mga bitbit sa pangdalawahang lamesa na nasa gilid ng fridge. Hindi rin naman kasi kalakihan ang unit ni Yuel at sakto lang sa dalawang tao.

“I’m Reicy.” Inilahad nito ang kamay. “Sorry, ngayon lang din tayo nagkakilala. I’ve been asking Yuel na mag-meet na tayo since best friend ka naman niya, kaso you’re busy raw.”

Tumango si Aibe at tipid na ngumiti. “Oo, naging busy kasi ako sa work lately. Hindi rin sinasabi sa akin ni Yuel na may girlfriend pala siya, ha. And to think na pregnant ka na, tapos wala akong alam? Masasapok ko talaga ‘yon!”

“Naku, hindi!” anito na parang nag-aalala pa. “Huwag ka magagalit sa kaniya kasi lately lang din naman niya nalaman.”

Hindi niya magawang sigawan o magalit sa babaeng kaharap dahil mabait ang pakikitungo nito sa kaniya. Nakangiti lang ito at base sa pananalita, maayos itong kausap at may pinag-aralan. Magiliw siya nitong tinanggap at mabait ang awra ng mukha.

“What do you mean?” nakakunot ang noong tanong ni Aibe.

“Kasi kagagaling ko lang din ng Singapore three weeks ago. Three weeks pa lang din akong nandito sa condo ni Yuel. Hindi pa nga namin naaayos ang relasyon namin, we’re not yet sure where this would head. Pinag-stay lang din niya ako rito kasi wala naman akong pupuntahan.” Lumapit ito at inabutan siya ng cake na binili rin niya. “Here, kain ka muna.”

Aibe smiled and started eating the triple chocolate cake she bought for her and Yuel. It was their favorite flavor, the reason why she chose it.

“Saan ba kayo nagkakilala?” tanong niya.

Ngumiti ito at umayos ng upo sa kaparehong sofa niya, pero may space. Kumakain din ito ng cake at mukhang natuwa sa flavor. “Sa Singapore four months ago. Sa isang conference ng mga marketing, we met there. Naging teammates kasi kami tapos ayon, we hangout a lot.”

Alam ni Aibe ang sinasabi nito. Iyon ang dalawang linggong conference na pinuntahan ni Yuel sa Singapore. Maayos naman sila that time, iyon pa ang mga panahong nagpaplano sila ng tungkol sa kasal kahit hindi pa sila engaged, nagkakatuwaan lang, at inuwian pa siya nito ng mooncake galing doon.

“Since best friend mo naman si Yuel, I’ll make kuwento na lang.” Sumubo muna ito ng cake at uminom ng tubig. “Ayon, we started hanging out with our teammates until one night, we decided to have fun. Nag-bar kaming lahat, we all got drunk. Yuel and I . . . we had a one night stand which resulted to . . . .” Tinuro nito ang tiyan. “Tapos, last two months ko lang din nasabi kay Yuel. Kaya ayon.”

Kinagat ni Aibe ang ibabang labi para itago ang totoong nararamdaman. Instead, she smiled and acted happily. Nag-uusap pa sila tungkol sa career ng isa’t isa. She started congratulating the woman in front of her when the door opened.

Yuel, who looked at her. Wala itong gulat sa mukha, malamang na pinigilan nang makitang tumingin din si Reicy.

“Hi,” matamlay na bati ni Yuel sa kanilang dalawa.

“Your best friend came to give the food raw na pinabili mo for me, thank you.” Reicy smiled at Yuel while Aibe was playing with her fork and looked down. “It was nice meeting her, finally. Ilang beses na rin kasi kitang sinasabihan, e.”

Ngumiti lang si Yuel at ibinaba ang mga groceries na bitbit nito. Nakita niya pa ang box ng gatas na pambuntis at ang plastic na parang galing sa pharmacy.

Bigla niyang naramdaman niya ang pag-angat ng sikmura niya dahil sa sakit.

Tumayo si Aibe at ngumiti. Huminga muna siya nang malalim para pakalmahin ang puso niyang ayaw tumigil sa bilis nang pagtibok.

“Uy, mauuna na rin ako.” Tumingin siya kay Yuel. “Bayaran mo ‘yang mga binili ko, ha! May kasalanan ka pa sa akin na hindi mo man lang sinabi ‘yong tungkol kay Reicy, nakakatampo!” pagbibiro niya. “Mauuna na rin ako, rush hour na, e.”

Nakatitig lang sa kaniya si Yuel, kahit ngiti wala.

Binalingan ng tingin ni Aibe si Reicy at hinawakan ang kamay nito. “Girl, nice to meet you, ha?”

“Me too, oh my gosh! We should hangout soon, ha?” nakangiting sabi nito. “Thank you ulit sa food. I really appreciate it.”

“No worries, enjoy!” Aibe smiled and took her bag. Nagpaalam na siya sa dalawa, tumango lang si Yuel na ipinagpapasalamat niya. Hindi niya kakayanin kung magpakita pa ito ng ibang emosyon.

Dahil alam niya sa sariling siya mismo ay sasabog kapag nangyari iyon.

Mag-uusap sila, for sure, pero hindi sa harapan ni Reicy. She won’t risk it, especially that the woman was pregnant. She seemed nice, too, and Aibe didn’t have the guts to make a scene.

The woman is pregnant. Yuel got a woman pregnant.

Paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya ang mga salitang iyon hanggang sa makalabas siya ng unit ni Yuel. Gustuhin man niyang umiyak, walang lumalabas na luha sa mga mata niya. Mabigat ang dibdib niya, pero magaan dahil parang nakumpirma na may mali talaga.

Narinig niyang may sumarang pinto, pero hindi siya lumingon. Nakatayo si Aibe sa harapan ng elevator nang maramdaman niya ang presensya ni Yuel, naamoy niya ang pamilyar na pabango nito na siya mismo ang nagregalo.

No words from Aibe. She just stared blankly at the floor number.

“She needs me,” mahinang sabi ni Yuel. “She needs me, Aibe.”

Aibe smiled and glanced at Yuel. “I know. Kaya nga hindi na ako nag-iskandalo. Ang sa akin lang, sana sinabi mo, hindi ‘yong para akong tangang walang alam. We celebrated our anniversary, wala man lang akong alam.”

“I’m sorry, I was afraid,” sagot nito habang nakayuko. “I love you . . . .”

No response from Aibe. Wala siyang gustong sabihin. Iniwas niya ang tingin dahil nakararamdam siya ng pagbagsak ng luha.

“. . . but Reicy. . . needs me.”


T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

error: Content is protected !!