Skip to content

Desktop Access Unavailable

My website is optimized for mobile reading only. Please visit us on your smartphone for the best experience. iPad support coming soon!

Married, Concealed, Appealed – Chapter 24

“Baby? Are you okay?”

Nilingon ni Niana si Cavin at bahagyang tumango. Kagat niya ang likod ng ballpen habang nakatitig sa laptop at nag-iisip tungkol sa research na tinatapos nila ni Yannica.

Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang malalaman ni Niana ang tungkol sa ipinagbubuntis.

Walang ibang nakaaalam bukod sa doctor na nakausap niya. Wala siyang mapagsabihan at hindi alam kung mayroon ba siyang balak sabihin kay Cavin. Kahit ang mama niya o magulang ni Cavin, walang alam sa sitwasyon niya.

Nakaramdam si Niana ng takot. Hindi siya nag-ingat. Paulit-ulit nilang ginawa ni Cavin iyon, pero hindi niya inisip na posible siyang magbuntis.

They never used any protection. They weren’t careful.

Kahit inaantok, hindi masyadong natutulog si Niana dahil baka makahalata si Cavin. Kapag nagsusuka, kaagad siyang nagtatago. Kapag nagugutom, kakain siya katulad ng dati, pero kapag ramdam niyang hindi iyon ang gusto niyang pagkain, inaagapan na niya.

“Baby, aalis ako tonight, is that okay? Nagkayayaan lang friends ko na uminom. Kung ayaw mo, okay lang din naman.” Ipinatong ni Cavin ang baba sa balikat ni Niana. “Or do you want me to stay?” he asked while kissing her shoulders.

Umiling si Niana. “Okay lang. Magiging busy rin naman kasi ako. Medyo marami akong kailangang gawin. Mag-enjoy na lang muna.”

Hindi kaagad nakasagot si Cavin nang mag-iwas ng tingin si Niana at nagpatuloy sa pagharap sa laptop. Nakasalampak ito sa living room carpet habang nakapatong ang laptop sa coffee table. Nakabukas din ang TV, pero mayroon namang suot na earphones.

Napapansin niyang ilang araw na silang walang masyadong communication. It was either both of them were busy, Niana was sleeping, or Niana chose to have a sleepover with a friend.

Apat na babae ang nakikita ni Cavin na nakakasama ni Niana sa school. Masaya siya para sa asawa dahil nakakilala ito ng ibang tao at mayroong nakakasama hindi tulad noon na palaging mag-isa. Pero mas madalas pa nga nitong kausap ang mga kaibigan kaysa sa kaniya.

Muling lumapit si Cavin kay Niana at hinalikan ang asawa sa pisngi papunta sa labi na kaagad naman nitong tinugon. Cavin could smell his wife and he kissed her one more time before leaving.

Pasara ang elevator door, pero hindi siya mapalagay. Something was bothering Cavin especially when Niana didn’t even bother looking at him when he left.

Niana focused on what she was doing. Kausap din niya sa chat si Majuri dahil may gusto raw itong sabihin sa kaniya. Bigla itong nag-chat kahit na nasa taping at nagpasa ng picture ni Cavin sa isang bar, kasama ang isang model na kakilala ni Maj.

Sinabi ni Maju na mag-video call sila kaya kinuha niya kaagad ang earphones at bigla na lang itong tumawag.

“So ayun nga,” nakahiga si Majuri at medyo madilim na, “nasa loob ako ng RV. Pauwi na ako at inaantok na ako, Niana. So, ayun. Sinasabi ko lang naman sa ‘yo ‘to para at least, aware ka, ‘di ba? Kung hindi ka comfortable, let me know.”

“Okay lang.” Mahina ang boses ni Niana. “Ano ba kasi ‘yun? Recent lang ba ‘yung picture?”

Tumango si Majuri. “Oo, a month ago raw. Nagkita lang naman sila sa bar with Cavin’s friends. Inom-inom, ganoon. Pero parang last year daw niya nakaano si Cavin.” Tumigil sa pagsasalita si Majuri. “Wait, sure ka bang gusto mong malaman?”

“Oo nga.” Mahinang natawa si Niana.

“Last month, kasal na ba kayo?”

Niana nodded. “Oo, kasi more than three months na kaming kasal.”

Ipinatong ni Niana ang baba sa lamesa habang nakatingin kay Majuri. Kahit na wala na itong makeup, napakaganda ng mukha. Hindi na kuwestyonable ang pagiging artista nito. Kahit na puyat at inaantok, fresh pa rin.

“Ayun nga. Wala naman daw nangyari sa kanila, nag-picture lang sila dahil matagal ngang hindi nagkikita-kita. Tapos ayun, na-chika niya na naka-jugjug niya ang asawa mo.” Majuri sighed. “Mare, sure ka ba talaga?”

“Oo nga!” Idinaan ni Niana sa tawa dahil gusto rin niyang marinig. “Spill na ‘yan. Gusto ko lang din malaman. Wala kasi akong alam sa pambababae ng asawa ko noon, e.”

Ang totoo naman kasi, hindi na inalam ni Niana dahil hindi naman siya interesado. It was just a deal until their deal became real. Too real that she was already carrying Cavin’s child.

“Natsismis lang naman sa akin ni ate girl na sa tuwing nasa bar si Cavin Karev, hindi lumalabas nang walang kasamang babae. Babe, sorry, but your husband’s a well-known manwhore for fucking a lot of women. Ang iba sa kanila, model, artista, cheerleaders, simpleng babaeng magustuhan. In short, your husband would pick whoever he wanted,” dagdag ni Majuri. “And one thing about him, too . . . iiwanan niya o paaalisin sa place niya after.”

Nanatiling tahimik si Niana habang pinakikinggan ang mga ikinukuwento ni Majuri galing sa kakilala nitong nakasama ni Cavin.

It wasn’t shocking and Niana wasn’t questioning Majuri. Noong nalaman palang niyang naging fuck buddy ni Cavin si Hera, napaisip na siya kung ilan pa kaya. But then again, she had no rights to ask.

She was just the wife by law. That was it.

“Marami din daw kasi ang may gusto kay Cavin, babe,” pagpapatuloy ni Majuri. “I mean, I know na alam mo na ‘yun. Pero ‘wag kang mag-o-overthink, ha? Kasal naman na kayo, e. Siguro naman pinakasalan ka for a reason. And I am assuming na inaalagaan ka naman niya.”

Tumango si Niana. “Oo naman. Pinakasalan naman niya ako for a reason.” Nagpeke ng paghikab si Niana para magpaalam kay Majuri at magpaalam.

Nagpatuloy siya sa paggawa ng term paper nila ni Yannica.

Paulit-ulit niyang iniisip ang tungkol sa karapatan. Asawa siya sa papel at sa bahay, maalaga si Cavin sa kaniya, at nagkaaminan naman sila tungkol sa feelings na posibleng nade-develop.

Until something hit Niana when Cavin’s mom called. Nagtanong lang naman ito kung kumusta siya, kung puwede ba siyang sumama sa kung saan minsan para lang mamasyal, at kung puwede bang matulog ulit sila ni Cavin sa mansion ng mga Karev.

Niana was hugging a pillow when the bedroom door opened. She didn’t bother to move or even open her eyes until Cavin laid beside her and hugged her from behind.

She remained unmoving. She could smell Cavin’s body wash.

Mukhang naligo na muna ito bago pumasok sa kwarto at tumabi sa kaniya. Nararamdaman niya ang mainit na hininga nito sa batok niya, pero hindi pa rin siya gumalaw. Ang kamay nito ay nakayakap at nakapatong sa tiyan niya, pero nanatili siyang nagpapanggap na tulog.

“How’s your day?” bulong ni Cavin na ikinagulat ni Niana. “I know you’re sleeping, but yeah. I had a great night, baby. How about you? Were you able to eat properly?”

Hindi sumagot si Niana at pinanindigan na natutulog siya. She had to make sure her breathing was even and convincing, so Cavin won’t suspect that she was awake.

“You’ve been distant lately, and I had no idea why,” Cavin whispered while kissing the back of Niana’s head. “Something wrong?” He chuckled. “Of course, you won’t respond. What the fuck am I doing?”

Mas humigpit ang pagkakayakap ni Cavin sa kaniya at bago isinubsob ang mukha sa balikat niya.

“Good night, Miss Baby.”

Naisip ni Niana na baka nagpanggap lang si Cavin na hindi alam na gising siya. Ganoon naman sila. Nagpapanggap.

Sa mga nalaman, napaisip si Niana sa authenticity ng pagiging mabait, maalaga, at pagiging marespeto sa kaniya ni Cavin. Maniniwala na sana siya, ang kaso lang, naalala niyang may deal ang lahat.

Oo nga at bayad siya, milyones pa nga, kailangan siya ni Cavin para magpanggap sa harapan ng mga magulang nito.

Kapani-paniwala na sana kung hindi niya naisip na masyadong mahal ni Cavin ang ina para saktan ito at alam niyang gagawin lahat ni Cavin para ma-please ang mga magulang.

There, Niana knew where to stand. She knew her place and knew that the baby wasn’t part of the plan. The sex was pleasurable, and they weren’t careful at all.

Days had passed and the pregnancy was becoming a problem. Hindi na makapag-focus si Niana sa pag-aaral at pagtatrabaho dahil mas madalas na masakit ang ulo niya, panay rin ang suka na kailangan niyang itago. May mga pagkakataon pa na kailangan niyang magpanggap na maayos sa harapan ng ibang tao para lang hindi mahalata ang kondisyon niya. The less people know about her condition, the better.

Bumalik si Niana sa clinic ng school para kausapin ang doctor kung ano ang puwede niyang inumin sa tuwing nahihirapan dahil sa sakit ng ulo. The doctor gave her some medicine and it was working . . . for now.

Naramdaman din ni Niana ang pag-iwas sa kaniya ni Cavin. Mas madalas itong wala sa bahay, ganoon din siya. Mas madalas pa siyang nag-i-stay kasama sina Majuri, Yannica, at Winslet dahil ayaw niyang umuwi.

Ayaw niyang magkaroon ng pagkakataong magkausap sila ni Cavin dahil mahihirapan siyang magsinungaling. Hindi pa rin siya nakakapagpa-check up. She was busy with everything.

Napadadalas din ang punta niya sa bahay ng parents niya lalo na at inaayos ng mga ito ang lupang nabili niya sa probinsya para gawing taniman. Niana wanted to stay in the province if things didn’t go well. Naisip niya na kung sakali mang maghiwalay na sila ni Cavin pagkatapos ng pagpapanggap, sa probinsya na siya lalagi.

Alam ni Niana sa sarili na mahihirapan siyang makausad kapag dumating ang araw na magkakahiwalay sila. She was into Cavin, hindi naman niya iyon itinatanggi. She the liking was getting deeper, but she was restraining herself.

Bukod pa sa mga kuwento ni Majuri tungkol sa model na kaibigan nito at nakasama ni Cavin, mayroon pa palang iba.

Nalaman ni Niana na niligawan ni Cavin si Missy. Kilala ang babaeng iyon sa pagiging magandang cheerleader ng isang university na malapit sa kanila at nakita na niya iyon sa isang café malapit sa campus. From what Niana heard, Cavin pursued the girl for weeks, but they didn’t become a couple. At first, Niana was thinking why . . . until another thought hit her.

Maybe it was just about the sex.

Niana was in deep thought when her office phone rang. It was the receptionist downstairs saying someone was looking for Cavin.

An old friend.

Sinabihan ni Niana na paakyatin ang bisita at sasalubungin niya ito sa elevator. Wala namang sinabi sa kaniya si Cavin tungkol sa bisita at nang tingnan niya schedule ng asawa, wala namang nakalagay.

Inayos ni Niana ang sarili at uminom na muna ng tubig bago dumiretso sa elevator para salubingin ang bisita. Hindi niya natanong sa receptionist kung babae ba o lalaki.

Paikot-ikot si Niana habang naghihintay nang bumukas ang elevator. Isa lang ang tao roon . . . isang babae.

“Good afternoon, ma’am,” Niana greeted the woman. “I’m Niana, and I’m Sir Cavin’s secretary. Do you have a schedule with him? I checked his calendar, and he won’t be meeting someone today.”

“Oh, I actually don’t need a schedule.” The woman smiled at her. “I’ll wait for him na lang sa conference room like I used to, okay lang ba? I don’t know his new number din, e. Can you call him for me?”

Niana nodded and asked the woman to follow her. Hindi niya alam kung sino ito dahil wala namang nababanggit si Cavin, pero dinala pa rin niya sa conference room para pagpahingahin.

“Do you want some coffee?” tanong ni Niana.

The woman looked at her. “How about orange juice? That would be perfect.”

Nagpaalam na muna si Niana sa babae para kumuha ng orange juice habang tinatawagan si Cavin. Walang sumasagot at posibleng nasa klase ito o nagmamaneho kaya naman nag-text na lang siya na mayroong bisita.

Pagbalik ni Niana sa conference room, naka-cross arms ang babaeng nakatitig sa kawalan.

The woman was wearing tight skinny jeans paired with a satin top that showed the center of her chest with a thin shoulder strap. Matangkad rin ito kahit na naka-flats. She was also fit and could pass as a model.

Mahaba ang buhok ng babae, medyo may pagkakulot. Matangos ang ilong, magandang ngumiti, at mukhang model, tulad ng mga nakakasama ni Cavin bago sila nagpakasal.

“It’s been three years since I’ve been here.” The woman gave Niana a faint smile. “This is where Cavin asked me for marriage three years ago. Kaso lang, I had other plans at that time, but I told him na babalik naman ako.”

Niana was frozen in shock but still managed to smile.

“Tingin mo, meron siyang girlfriend ngayon? I mean, you’re the secretary. For sure, alam mo.” Mabait naman ang pagkakatanong ng babae. Walang makita si Niana na mali.

“Ang alam ko po, single si Sir Cavin,” Niana responded. “Iiwanan ko po muna kayo rito, ha? May tatapusin lang po akong trabaho. Kung sakali man po, tawagan po ninyo ako. Dito ko na lang din po pasusunurin si Sir Cavin.”

The woman nodded and smiled. “Thank you.”

Nagmadaling lumabas si Niana at dumiretso sa comfort room dahil para siyang nasusuka. Hindi niya gusto ang pabango ng babae. Mabango at mukhang mamahalin, pero masakit sa ilong niya at umangat pa nga ang sikmura niya.

Niana vomited multiple times before fixing herself and getting back to work. She had to make herself busier because if not, she would overthink. Like, a lot.

Iryn was quietly observing Niana. Tahimik ito at nabanggit sa kaniya sa reception area ng Karev Telco na dumating si Lexie, ang ex-girlfriend ni Cavin, na si Niana pa mismo ang sumalubong.

Wala pa ring nakaaalam sa opisina tungkol sa mag-asawa kaya hindi alam ni Iryn kung ano ang nararamdaman ni Niana. She had to call Cavin multiple times. Hindi ito sumasagot hanggang sa makausap na niya nang umalis si Niana para daw bumili ng pagkain sa baba.

Niana was eating some cake. She was craving and hungry and her stomach was still churning. Gusto niyang matulog, pero masyadong maraming trabaho. Gusto niyang umuwi, pero hindi pa puwede.

Nagmamadaling tumakbo si Cavin nang makapasok sa opisina. Nakita kaagad niya si Niana, humihikab, at gusto niyang kausapin ang asawa.

Hinaplos ni Niana ang batok nang makaramdam ng pagod at nakita si Cavin na naglalakad papalapit sa kanila ni Iryn. Hindi nito inaalis ang titig sa kaniya hanggang sa makita niya mismo ang babaeng tumakbo papunta kay Cavin at yumakap pa ito sa likuran ng asawa niya.

Tumigil sa paglalakad si Cavin habang nakatitig sa kaniya, pero bumaling ang tingin sa babaeng katabi.

“Lexie,” Cavin uttered.

“Hi, hon!” the woman exclaimed and kissed Cavin’s lips.

Niana’s heart sank when Cavin didn’t even push Lexie away, so she had to look down and start typing. Hindi niya alam kung saan babaling, kung saan titingin, dahil masakit.

Masakit na masakit pala kapag actual na.

“W-What are you doing here?” Cavin asked, and Niana didn’t bother looking, but she was listening. “Kailan ka dumating?”

“Yesterday,” Lexie said. “Is the offer still available? About your marriage proposal? ‘Cos look, I am wearing the ring you gave me. You promised you’ll wait for me para we’ll get married.”

Nasa hallway ang dalawa ng opisina, malapit sa mesa ni Niana. Wala siyang narinig na sagot kay Cavin at hindi niya magawang tingnan ang asawa. Nararamdaman niya ang paninikip ng dibdib.

Walang nasabi si Cavin sa kaniya tungkol sa ex nito at sa kasal na ipinangako.

“Lexie, look.” It was Cavin. “K-Kasi—”

“I am wearing the ring, Cavin. So, it’s a yes.” Lexie even jumped to hug Cavin, and Niana saw the whole thing.

Instead of saying anything, Niana removed her ring and hid it in her bag. She got the sign to let Cavin go. Lexie was back, and her job was done.

Walang sinabing kahit na ano si Cavin at basta na lang tumalikod na naglakad kasama si Lexie. Wala rin namang gustong sabihin si Niana. Nakuha na niya ang sign na gusto niyang makita.

Niana had to pretend she was okay. Kailangan niyang magkunwari na hindi siya nasaktan sa nakita and it was how she coped with pain. Inayos na rin muna niya ang passport na kinuha sa isang department dahil kailangan niyang sumama sa Singapore para sa meeting ng daddy ni Cavin.

It would be a one-week trip. Ayos din iyon para makapagpahinga siya at makapag-isip. Makakapag-tour pa nga kung saan.

Nag-focus si Niana sa trabaho bago naisipang umuwi. Dumaan na lang si Niana sa isang restaurant dahil wala siya sa mood magluto. Pag-uwi, nahiga siya para magpahinga habang nagse-search gamit ang phone.

Cavin sighed multiple times when he entered their condo. Malamang na natutulog na si Niana dahil alas-dose na ng gabi. Ilang beses niyang tinawagan at nag-message sa asawa, pero hindi ito nagre-reply.

Gusto niyang mag-explain tungkol kay Lexie. Wala siyang idea na uuwi ito at wala siyang idea na si Niana pa ang makakausap.

Hindi niya nabanggit si Lexie kay Niana. It was his fault. Kung sakali man ay mag-uusap silang mag-asawa kinabukasan.

Naligo na muna si Cavin tulad nang dati pa niyang routine bago pumasok sa kwarto ng asawa. As expected, hindi na naman ito nakapagpalit ng damit at basta na lang natulog habang yakap ang sarili, pero nakabukas ang phone.

📌 Trigger Warning: Mentions of abortion

Hindi alam ni Cavin kung kanina pa ba ito natutulog, pero alam niyang walang auto-lock si Niana sa phone. Lumapit siya para halikan ito sa pisngi, but curiosity got him when he read the first word from Niana’s browser.

Abortion.

Cavin immediately checked his wife’s phone and saw multiple tabs about abortion. About aborting a four-week-old fetus, what would be the effects, what would be the treatments, how long the recovery would be, and a country where abortion was legal.

He then immediately checked his wife’s schedule only to see a flight to Singapore in the next two days.

Cavin searched and saw that Singapore legalized abortion.

Nanlalamig ang kamay ni Cavin habang nakatitig sa asawa niyang yakap ang sarili at mahimbing na natutulog. Dumako rin ang tingin niya kamay nito at hindi na naman suot ang wedding ring.

Ibinato niya ang phone ng asawa sa kama at lumabas ng kwarto. Dumiretso siya sa balcony para manigarilyo dahil naramdaman niya ang galit na hindi pa niya nararamdaman kahit kailan.

Cavin stayed on the balcony, staring at nowhere. Hindi niya alam kung anong oras na hanggang sa bumukas ang pinto.

Naligo na muna si Niana bago naisipang lumabas ng kwarto. It was already three in the morning. Halos hindi niya namalayang nakatulog siya kung hindi pa niya naramdaman ang gutom.

Nagtama ang tingin nila ni Cavin nang bumukas ang pinto. Nasa balcony ito at matamang nakatitig sa kaniya bago lumapit.

Hinalikan ni Cavin ang gilid ng noo ni Niana, pero naalarma siya nang humawak ito sa tiyan niya.

“How’s your day, baby?” Cavin asked in a low voice. “Kumain ka na ba?”

“Oo, pero nagugutom ako ngayon.” Humiwalay si Niana kay Cavin at naglakad papunta sa kusina. “Anong oras ka na nakauwi? Sorry, nakatulog na ako.”

Cavin chuckled. “You’re sorry about falling asleep? How about saying sorry for not telling me about the baby and that you’re planning to get rid of it?”

Humigpit ang hawak ni Niana sa handle ng ref at hindi magawang tumingin kay Cavin. Ayaw niyang salubungin ang titig nito at gusto man niyang magsalita, walang boses na lumalabas sa bibig niya.

“You gave yourself to me, you willingly had sex with me, Niana. You moaned my name, you enjoyed what I did to you,” Cavin’s voice was deep and authoritative, “and now, you’re planning . . . no, you already decided to kill my baby without even telling me he fucking exists?”

Niana remained quiet.

“Baby, talk to me.” Mas mababa ang boses ni Cavin, pero hindi sumagot si Niana. “Were you planning to get rid of my child?”

Niana faced Cavin and didn’t say anything.

“Nice.” Cavin traced his lip using his index finger. “Why? Because of Lexie? You wanna know who she is? No . . .  let’s not talk about other people. Let’s talk about us and that baby inside you. That is my fucking child and . . . you’re killing it?”

“Hindi siya part ng deal.”

“Putangina.” Cavin was cold and stoic while staring at Niana. “Bumukaka ka, nagpagamit ka sa akin, tapos may nabuo, hindi parte ng deal? Gago ka ba?”

Nagulat si Niana sa pagkakasabi ni Cavin, pero may rason ito para magalit. Kita rin niya ang kunot ng noo nito habang nakatitig sa kaniya. Wala siyang isinagot at walang planong isagot.

“Magkano ba?” seryosong sambit ni Cavin. “Pera lang naman ang gusto mo, ‘di ba? You married me for money . . . magkano ba? How much for you to keep that baby?”

“Ca—”

“How much, baby?” Cavin walked towards Niana with a darkened aura. Niana stepped back until she felt the counter behind her. “Don’t worry, I won’t hurt you. I love you and you’re carrying our child.” He breathed. “How much?”

Niana gulped. “Cavin.”

Lumapat ang kamay ni Cavin sa tiyan ni Niana at idinikit ang pisngi sa gilid ng noo niya. Hindi makagalaw si Niana dahil nakasandal siya sa counter at nakapalibot ang braso ni Cavin sa kaniya.

“Magkano? Can you at least wait another nine months or so and let my baby live before you fucking leave?”

T H E X W H Y S